Wednesday, February 18, 2009

The Gasoline Dude is Busy



Merong ‘phone-in question’ thru C-Box galing kay Luksong Tinik. Tinatanong niya kung busy pa din daw ba ako.

Napansin niya siguro na hindi na ako nakakadaan sa blog niya. Nyahaha! Pasensiya na Mel at tama ka, medyo busy pa din ako ngayon. Hindi ko na nga masyadong nabibigyang oras ang pagba-bloghop. Akala ko nga eh pagkabalik ni Momski Womski sa Pinas eh mas magkakaroon na ako ng mas maraming free time. Hindi pa din pala.

You may be wondering, ano na ba ang mga pinagkakaabalahan ng poging-pogi na si Gasoline Dude ngayon?

Una, trabaho. Siyempre dito ko kinukuha ang pantustos sa mga bisyo pangangailangan ko kaya kailangang i-prioritize. Medyo kelangan kasing magpakitang-gilas ngayon. Mahirap nang mapag-iwanan. Dahil apektado kami ng global economic crisis at bumababa ang profits & revenues ng company, medyo worried ang mga Bossings. Kung anu-ano na tuloy ang mga naiisip nilang strategies para maka-cope up. Balak pa nilang mag-reorg ngayon, which would only mean one thing: MORE RESPONSIBILITIES, MORE WORK! Kaya ayun, me meeting na naman kami sa Friday para pag-usapan ‘yan.

Pangalawa, isang bagong venture. Meron kaming nilulutong business ng isang kaibigan ko dito sa Singapore na balak naming simulan anytime soon. Ano ito? BEER BUSINESS! Hehehe. Medyo astigin ang concept at malakas din kasi akong uminom kaya naman napa-oo kaagad ako when he offered me this. I won’t give that much details for now. Basta lalamigin na lang kayo ‘pag nagkataon kasi BELOW ZERO na ang uso. *LOLz*

Pangatlo, pagbabasa ng libro. Medyo napadami kasi ang nabili kong libro in the past few weeks. Tapos may isang kaibigan pa ako na nagbigay sa ‘kin ng mga bagong libro na dapat daw eh ido-donate niya na lang sa Salvation Army. Bigla lang niya akong naisip at alam niyang mahilig ako sa libro kaya binigay na lang niya sa ‘kin.

Ang problema, mabagal akong magbasa. Ninanamnam ko pa kasi ang bawat salita para naman lubos kong maintindihan ang binabasa. Eh kailangan kong makahabol dito kasi baka masayang lang ‘yung mga libro na nagsisimula nang mangolekta ng alikabok ngayon.

Pero ang totoo niyan, nakakatulog lang talaga ako habang nagbabasa kaya matagal bago ko matapos ang isang libro. *LOLz* Ngayon eh hindi ko pa din natatapos ‘yung binabasa kong CHOKE ni Chuck Palahniuk. Excited na din akong matapos ‘to kasi gusto ko nang panoorin ‘yung movie version. Hehe. = P

Pang-apat, panonood ng mga pelikula. Medyo updated kasi kami sa mga bagong movies ngayon, salamat sa hausmeyt kong kamote na mahilig mag-download sa Torrent. *LOLz* Minsan nga eh inaabot ako ng 2AM sa panonood kahit me pasok ako kinabukasan. Mukhang adik lang, ‘di ba?

Kaya pasensiya na sa mga kaibigan kong bloggers at hindi ko na masyadong nabibisita ang inyong mga kabahayan. Nakita niyo na naman siguro kung gaano ka-hectic ng schedule ko. Hayaan niyo at gagawa ako ng paraan para naman mas mabigyan ko kayo ng oras.

Pero gusto niyo ba talagang malaman kung bakit hindi na ako masyadong nakakapag-bloghop ngayon?
Ito ang totoong rason.

24 comments:

  1. akala ko hindi mo aaminin na PLURK talaga ang dahilan kung bakit hindi ka nakakapagbloghop.

    okey, pareho lang tayo gasul. hahaha

    Popoy

    ReplyDelete
  2. dami pang excuses... plurk lang pala...

    istorbo ang plurk sa bloglife!!! hahaha

    ReplyDelete
  3. Alam mo mas marami sa sinabi mo ang hindi work-related. Wala ka Gasul. Hahaha.

    Busy sa extra-curricular activites. Hahaha. Isa lang ang sa work, 'yung iba books, movies, at *ehem* below zero degrees chorva! Haha.

    SAMPLE HA!

    ReplyDelete
  4. lols..
    plurk plurk..
    nacurious tuloy ako sa plurk na yun!
    ayaw ko na ngang subukan at alamin baka lalong mawalan ako ng oras sa sarili ko..hehehe

    Kitakits parin pareko!

    ReplyDelete
  5. mwahaha.busy ka sa plurk... :)

    ReplyDelete
  6. mukhang busy ka nga talaga eh no! tapos sasabayan mo pa ng pag plurk ^^

    ReplyDelete
  7. at alam ko kung bakit ka nagpapaka adik sa film...hahahaha!

    may pop korn din ba at kuk pag nanonood kayo??

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. i also have a friend na kung magbasa e ina analyze per stanza ang text sa libro..sos yun buwanan kung matapos ang isang libro hehehe.

    o sya plurk plurk lang..

    ReplyDelete
  10. tsong turuan mo naman ako mag-plurk. hahaha

    ReplyDelete
  11. hehehe. plurk talaga ang rason, dami pang excuses :P

    wag ka nang magpaliwanag kuya! LOL.

    ReplyDelete
  12. si kuya onats nagpapaturo mag plurk...nyahaha.

    i-welcome na yan sa asosasyon ng mga adeek sa plurk...

    ReplyDelete
  13. I enjoy reading your posts. Gas dude is cool. :D write more. Don't abandon blogging..please..pretty please. :)

    ReplyDelete
  14. hmp.. magtatampo ako para dalawin mo blog ko lol!

    ReplyDelete
  15. nyorks kala ko san busy sa kaka-plurk lang pala nyahahaha

    dami mo naman pinagkakaabalahan :p

    ReplyDelete
  16. Hmmn...ganoon pala yang plurk ha...parang PERT-CPM tsaka Time Line.

    Tyak na gawing curicullum yan sa school.

    Mapag-aralan nga...bwahahaha.

    ReplyDelete
  17. ano bang meron sa plurk na yan? para ba siyang twitter?


    .... akala ko naman link to some porn sites. hahahaha!


    Weyt weyt weyt.... baket walang comments ang previous post? aber? ...demanding? hahaha!

    ReplyDelete
  18. heard about it. sorry to hear about it. sige lang, take your time. hugs!

    ReplyDelete
  19. last time co pa gustong basahin to. . hahaha. . nga yon co lang talaga nagawa:D

    ganyan talaga siguro. . naiinitindihan kita. . *tapik sa balikat mo. . hehe

    syempre may buhay ka sa labas at hindi lang naman puro dito sa blogophere. .

    isa pa ang dami talagang masarap gawin bukod sa pag bablog. . kaya minsan masarap din magibaiba ng trip. .

    ewan. . hindi co alam pinagsasabi co. . hehe. . dito na nga lang:D

    ReplyDelete
  20. Naku, special mention pala ako dito. Maraming salamat at nasagot mo ang tanong ko sa free time mo. :)

    Plurker ka rin pala? Twitter din ako eh. pero di ko na masyadong ina-update yun. Ang dami ko nang accounts at marami rin akong pinagkakaabalahan lately. :)

    ReplyDelete
  21. sinasabi ko na nga ba't walang magandang maidudulot yang plurk na yan. kinukompetensya ang mahahalagang oras para sa bloghopping. nyahaha!

    GOd bless!

    ReplyDelete