Sunday, February 8, 2009

Hu-EMO-r


Pagkatapos ng tatlong linggong pagbabakasyon dito sa Singapore, bumalik na sa Pilipinas si Momski Womski lulan ng isa sa mga eroplano ng Cebu Pacific kahapon. Nakakalungkot kung tutuusin dahil napakabilis lang ng tatlong linggo. Kulang na kulang para sa aming dalawang matagal-tagal ding nangulila sa isa’t isa.

Isang dahilan kung bakit ko pinapunta si Momski Womski sa Singapore ay para makita din niya ang uri ng pamumuhay dito. Iniisip ko din kasi na dito na lang siya patirahin at iwan na niya muna ang buhay sa Pinas para lang magkasama na kami ulit. Hindi lang ako sigurado kung kakayanin niya ang lungkot dito 'pag nagkataon. Miss Congeniality din kasi si Momski Womski. Aktibo sa mga proyekto ng komunidad at simbahan. Sobrang dami ng kaibigan. Takbuhan din siya ng mga naaapi at nagdaramdam na kumare. Kapag nagkataon, maiiwan niya ang kanyang mga amigas con chikadoras na ginagawang headquarters ang harap ng tindahan namin sa Novaliches. *LOLz*

Ilang araw bago siya bumalik ng Pinas, tinanong ko pa din siya kung gusto ba niyang dito na lang manirahan kasama ko. Tinanong ko siya kahit medyo alam ko na ang isasagot niya. At tama ako. Hindi niya ipagpapalit ang kanyang mga amigas con chikadoras kahit ako ang kaisa-isa niyang anak. Ahuhuhu. =_ C

Pero alam kong wala akong dapat ikabahala masyado. Hindi magtatagal ay magkakasama kaming muli ni Momski Womski. Kahit magkalayo na kami ulit, hinding-hindi ko pa din siya pababayaan. Pinangako ko ata ‘yan dati sa namayapa kong Popski Wopski na kanyang kabiyak!

At dahil na din ito sa sobrang pagmamahal ko kay Momski Womski, ang pinaka-cute na Nanay sa buong mundo. Look at her in a helmet! Hangkyut! = D




**********



Gusto ko palang magpasalamat kay Greenpinoy dahil SA WAKAS!, ginawa na din niya akong Pilipinong Makulit op da Month! Bilis, click niyo 'to! Woot woot! = P

Effective pala talaga ang magtampo. At akala ko, kailangan ko pa siyang daanin sa dahas para lang i-feature niya ako sa site niya. *LOLz*

GP, me pasalubong pala ako sa ‘yo. Ipapadala ko na lang d’yan sa opis mo. Hehehe. = P




*(Ang titulo ng blog post na ito ay nanggaling sa isa ding kaibigang blogger. Itago na lang natin siya sa pangalang FerBert. Salamats!)

41 comments:

  1. ang kyut nga naman ni Momski Womski mo pareko... lalo na yung nasa helmet..
    ayus na ayus!

    teka, mabisita nga si GreenPinoy

    ReplyDelete
  2. congrats! natats ako sa inyong dalawa... yung family ko rin bumista rito nung may 2008 buhay mayaman daw sila dito sa kl tapos nag side trip din kame sa singapore ng 3 days lang...

    tinanong ko rin sila kung gusto nila dito na lang sila ayaw kasi daw wala silang ka tsismisang mga pinoy at malungkot daw dito pero safe naman daw... siguro mas gusto nila ang ingat at gulo ng pinas...

    pwede ba kitang ifeature sa site ko.. pero penge akong pic na ilalagay...

    ReplyDelete
  3. congrats sa makulet na emotero!!
    :p

    ReplyDelete
  4. mahirap talaga iwanan ng mga magulang natin ang pilipinas ng ganun ganun na lang. kaya ipon ipon ka na lang muna diyan. hehehe.

    congrats sa pagiging makulit. =D

    ReplyDelete
  5. @ Kosa: Ma-kyut talaga si Momski Womski! Hahaha. = D

    @ Mang Badoy: Bakit? Gusto mo din ng pasalubong? *LOLz*

    ReplyDelete
  6. @ Madjik: Iba ata ibig sabihin ng emotero sa pagiging EMO. *LOLz*

    @ Insan Ardyey: Kaya naman tayo nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa eh para na din sa mga mahal natin sa buhay, 'di ba?

    ReplyDelete
  7. hangkyut ng mom mo kuya! :)

    ang sweet-sweet mo naman! parang M&Ms tsokoleyt! :P

    ReplyDelete
  8. ang tagal ng hu-EMO-r post na ito...

    sos!

    hehehehe...

    wala pa ring ice cream..

    hmp!

    ReplyDelete
  9. congrats gas dude...

    bakit si ronturon lang may pasalubong?! hehehe

    ReplyDelete
  10. ganyan talaga. di ata nila ipagpapalit ang nakasanayan na nila. buhay din nila un. pero ang bait mong anak! saludo ako sa yo. :-)

    ReplyDelete
  11. BAkit si ron lang may pasalubong?...

    suntukan na lang!?..

    .lolz...

    parekoy,di ba yan ang helmet na ginamit mo sa get-together?...hahaha..

    congrats Gasdude...tagay na!...

    ReplyDelete
  12. ay bumalik na pala mama mo? hanap ka na kasi ng ibang klaseng mama dyan para di masyadong sad ang gasul,hihihi

    ReplyDelete
  13. Ang sweet mo naman sa Mommy mo, kakainggit, ako walang kamag-anak dito nandyan sa Singapore yun Kuya ko hehehe paki kumusta na lang. Nice blog and congrats sa nakuha mong award.

    ReplyDelete
  14. masarap ka palang maging kaibigan. . hahaha. . super padala. . nakakaloka. . nakita co tshirt turon. . haha. .

    hayaan mo na ang momski mo dito sa pinas. . malay mo tumakbo sya kapitana sa inyo. . edi may momski ka ng politician. . hehehe. .parang wala ka ng balak mamuhay ulit dito sa pinas ah. .

    nakakatuwa ka kasi napakamapagmahal mong anak. . mapag mahal din naman acong anak pero hindi kasi sweet mo sa momski mo. . proud to be mama's boy. .;)saludo!

    ReplyDelete
  15. ang kyut-kyut naman ni mommy mo in a fenk helmet ahihihihi
    nakita ko na namn si daffy..
    sana meron pa saSM north nyan haysssss

    kongratsssssssssssssss

    ReplyDelete
  16. parehas tayo ng mommy....busy din lagi sa mga gawaing pang simbahan.... pati nung nagbakasyon siya sa kuya ko ung 3 months nya sanang bakasyon naging 3 weeks dahil hindi nya maiwan iwan ang mga gagawin nya sa church. heheheh

    cross-link tau ha....dati na akong nagbabasa sa site mo pero ngaun lang ako nag comment...

    ReplyDelete
  17. nakita ko na in person si momski womski mo!!!!!! grabe dude, di siya nauubusan ng kwento, ahahahaha! kakaaliw, naikwento na niya ang life story niya kanina sa akin. saka binibenta ka na niya, bwahahahahahaha!

    nakita ko din ang mga pichurs mong nakadisplay sa cabinet, ahahahaha!

    tapos napag-usapan namin ang lovelife mo, gusto ko na din sanang dumaldal na may nalalaman ako, pinigilan ko lang sarili ko, ahahahaha!

    at teaka, bakit wala akong pasalubong??? makabalik nga dun at maikwento kay tita ang love story mo, ahahahhaha!

    ReplyDelete
  18. ayun! buti naman pumunta dyan yung momski womski mo. miz na miz ka na nun. tagal mo na rin jan eh. ang cute nga ng momski womski mo parekoy.hehe

    ReplyDelete
  19. ANG CUTE NAMAN NI MOMSKI WOMSKI. Haha. Ngayon lang ulit ako nakapunta dito. Hehehe.

    Ambait mo namang anak, padala ka minsan ng pasalubong dito sa Pinas, ha? Hahaha.

    ReplyDelete
  20. awww.. :) ang sweet naman ni kuya :D alam ko, gusto ka ring makasama ni Momski Womski, un nga lang, malaking adjustment nga para sa kanya un..

    pabalikin mo na lang ulit sya dyan sa Singapore! :D ung mas mahabang bakasyon.. ^_^

    congrats nga pala sa pagiging makulit :D

    ReplyDelete
  21. ang swit mo namang anak...nami-miss ko tuloy si inang!

    ReplyDelete
  22. @ Joshy: Nakuha mo na ba ke Ron Turones? = P

    @ Lyzius: Wala akong cash. Nasaid ang bank account ko. Ahuhuhu. =_ C

    ReplyDelete
  23. @ Gillboard: Kasi ginawa niya akong Featured Blogger last December. = P

    @ The Scud: Oo nga eh. Wala kasi siyang makaka-chismisan dito sa SG. *LOLz*

    ReplyDelete
  24. @ Pa-Jay: Astig 'yung drowing mo! Idol! = D

    @ Powkie: Oo nga. Hayaan mo maghahanap na ko. Hehehe. = P

    ReplyDelete
  25. @ Sardonyx: Saan ba Kuya mo? Salamat sa pagdaan. = D

    @ Paperdoll: Nyahahaha! Natawa ako sa comment mo! Oo nga no, pwede siyang Baranggay Kapitana! *LOLz*

    ReplyDelete
  26. @ Yanah: Oo, meron pa niyan siguro sa SM North. Isa-isahin mo lahat ng SM Malls. *LOLz*

    @ Ventocoseuss: Ah talaga? Huwaw talagang committed ah! Sige mamaya dalawin ko blog mo. Salamats! = D

    ReplyDelete
  27. @ Cha: Nyahahaha! Binalita na sa 'kin ni Momski Womski ang ibang napag-usapan niyo. Binebenta na naman ako. *LOLz*

    @ Beero: Oo, mana ata ako sa kanya. Pero mas kamukha ko daw si Popski Wopski. Hehehe. = P

    ReplyDelete
  28. @ Meryl: Hindi pa pala kita na-add sa blogroll ko. Sige mamaya. = D

    @ Karmi: Oo nga eh. Kapag mas naging settled na ko dito, pipilitin ko siya ulit na dito na mamalagi ulit.

    ReplyDelete
  29. @ Abe Mulong: I-tour mo din si Inang mo! = D

    ReplyDelete
  30. congrats gasul!

    at ang laki ng tiyan mo!

    ReplyDelete
  31. ang kyuuuutttttttttt nga naman ni momski womski ...ang sweeeeeettt!!...

    ...kakauwi lang din ni mudang sa Pinas galing dito, at parehas sila ni momski womski mo ayaw ding mag-stay sa ibang bansa...mas gusto tlaga nila sa Pinas kasi marami silang amiga sa simbahan at magtanim na lang ng orchids...hehe

    ReplyDelete
  32. parang me bribery yata ke GP ah. masabi nga ito sa senado ng mapaimbestigahan. hehheh

    ReplyDelete
  33. uy, wala na si momski mo? kakalungkot ano? pero am sure makaka rebound ka agad, ayan ngat may award ka na kay greenpinoy, hehe

    congrats!

    ReplyDelete
  34. ang kyut nga naman ni Momski mo... kyut na kyut...

    yes, parekoy...I'm back! haha

    ReplyDelete
  35. nawala ang comment ko?

    anyway, cuteness si mommy sa helmet ah. parang naimagine ko ang hitsura niya nung dalaga pa sya. byuti!

    congrats at ikaw ang Pilipinong Makulit. hehe...

    God bless!

    ReplyDelete
  36. congrats ulit gasul sa paghirang sayo ni GP.

    at alam ko kahit umuwi na si momski mo eh may inspirasyon ka pa rin naman. codename: SWEET COFFEE ahahaha :)


    Popoy

    ReplyDelete
  37. okey lang yan bossing..marami ka namang prens dyan na adik..lalong lalo na si lyzius na alam ko indi ka mabobore pag kasama siya...

    hay.....namimiss ko din mom ko..:(

    ReplyDelete
  38. Hangkyut nga ni Momski Womski. Natutuwa ako sa tawag mo kay mader. :)

    ReplyDelete
  39. asan ang comment ko? namimili yata ng magkukomento tong blog mo ah. bawal ba ang magaganda dito?

    ahaha

    congratumaleyshens ulit again and again.

    mwah. (kiss sa pagitan ng daliri ng paa)

    ReplyDelete
  40. cute naman ni momski womski parang yung tawag mo sa kanya? bakit nga ba momski womski? namiss ko ba yung explanation nun? hehehe

    ReplyDelete
  41. Wow ka2wa naman kasi very vocal ka sa pag2ma2hal mo sa mom mo. Let me just say na masyado ako nahook sa pagba2sa ng blog mo simply because to2ong totoo at mka2relate kahit sino.

    ReplyDelete