Monday, February 2, 2009

Indonesia Getaway


Hello Indonesia!

Mukhang masyado kaming naaaliw sa paglabas ng Singapore tuwing may pagkakataon. Wala na kasing ibang mapuntahan sa sobrang liit ng bansang ito, at ang pagpunta sa mga karatig-bansa ay para lamang ding pagluwas sa mga probinsya kapag nasa Pilipinas ka. 'Yung tipong isang tambling lang (tapos sinundan ng isang cartwheel) eh nandun ka na at magkakaroon na ng panibagong tatak ang passport mo. Tapos ang maganda pa, hindi ka pa masyadong gagastos ng malaki.

Last Chinese New Year, naisipan naming pumunta ng Indonesia at doon mag-celebrate ng holiday ng mga Intsik. 'Yun nga lang hindi sa capital city nilang Jakarta kundi sa isa lamang sa mga islands nito na ang pangalan ay Batam. Naging isa sa mga paboritong bakasyunan ito ng mga taga-Singapore dahil na nga sa kalapitan ng islang ito sa bansa. In 40-45 minutes eh mararating na ito sakay lamang ang isang ferry.

Kung tutuusin, there's really nothing special about the island itself. Walang masyadong breath-taking sights na mapupuntahan. (Puro malls at massage parlors lang ata ang nakita ko. *LOLz*) Tumuloy kami sa Nongsa Point Marina na isa sa mga resorts doon na parang katulad din ng mga resorts sa Pinas.

But what makes this memorable are the people with me on the said trip. Siyempre kasama si Momski Womski na nakabakasyon pa din dito sa Singapore, ang mga hausmeyts kong sobrang makukulet, at ang mga bagong kaibigang nakilala at nakasama na talaga namang nakadagdag saya at ngiti sa aking mga labi.

Panoorin niyo ang aking inihandang video sa ibaba. Inilapat ko din dito ang isa sa mga pinaka-paborito kong kantang pinapakinggan ngayon. Enjoy mga repapeeps! = D



18 comments:

  1. as ever, present ang famous arab scarf...bwahahaha...'

    hindi kasama yung nag yoga tayo at nabuhat ka sa pamamagitan ng walong daliri lang?

    sana next stop sa phuke(t) thailand naman!

    ReplyDelete
  2. ang ganda nung kanta... sana linalagay yung title... hehehe

    kukulit ng mga pichurs niyo!!!

    ReplyDelete
  3. hahaha si pantuay hindi din matakaw sa petyurs!

    ang saya saya naman!

    ReplyDelete
  4. awww.. ang saya saya saya naman ninyoh.. graveh pinanood koh lahat nang pixs... muntik nah akong makatulog.. lolz... nde nakakatuwa... parang ang saya saya lagi nang mga tripz nyoh.. kakatuwah... so yeah masaya pah kasama moh mom moh... so yeah.. daz all for now... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  5. wow! so andyan ang mommy mo ngayon sa singapore..so hindi na homesick ang baby boy ng mommy? hehehehe

    sabi nila mas maganda daw puntahan ang thailand, have u been there?

    ReplyDelete
  6. mukhang puro happenings dyan ah.

    sarap ng bakasyon!

    ReplyDelete
  7. Daming pictures ah.

    Kung pwede lang sana tumambling ng 5x + cartwheel 3x tapos nasa UK ka na. lol

    ReplyDelete
  8. Nice music and lyrics... May hindi lang talaga ko maintindihan...

    Nice adventures :)

    ReplyDelete
  9. yes hindi ko nakita yung pic. nakablock. tsk tsk.

    ang dami mo ng napuntahang bansa. shushal talaga to si gasol. hahaha

    Popoy

    ReplyDelete
  10. mukhang nasayahan si mama ah! ^^ nakakatuwa ang mga pics! gusto ko din pumunta dyan!

    ReplyDelete
  11. cool.
    ansaya ng trip nyo.
    magkakaroon din ako nyan.
    :)

    ReplyDelete
  12. sa bali lang daw maganda dyan e, pero tama si lyzius, dalhin mo si momski sa thailand

    ReplyDelete
  13. ayos sa libangan ha...lumipad from one country to another.

    kelan ko kaya magagawa yan? hehehe!

    ReplyDelete
  14. mukhang coolness si mommy ah.ü at kamukha mo pa! hehe...

    great video, btw. ano pala title nun?

    ReplyDelete
  15. wow sarap naman bakasyon ah. ang cool no, isang tumbling lang nakalipat bansa ka na! LOL. siguro masarap para sa mga babae pumunta diyan dahil sa mga spa. LOL. susyal naman ni mommy mo, pabakasyon-bakasyon na lang. LOL

    ReplyDelete
  16. hmp video no longer exist daw sira na naman yata connection ko hehehe.. anyway nice trips you had.. saya.

    ReplyDelete
  17. wow! astig mo naman gumala! kakainggit. hehee

    btw, pachange link naman po..

    http://lifeisfullofbeaches.com/

    thanks a lot! =)

    ReplyDelete