Saturday, February 21, 2009

La Vida Lola


My Lola just passed away yesterday. She’s 93.

Hindi talaga ako masyadong close sa Lola ko. Even with most of our relatives on my father’s side. Once in a blue moon lang kasi ako umuwi ng Tarlac. Malayo kasi sa Manila.

Pero naalala ko a few months before I left for Singapore, napauwi kami ni Momski Womski sa Tarlac kasi daw me sakit nga si Lola. Everyone was expecting na matutuluyan na siya nun. There was even a time daw na akala ng buong baranggay sa Camiling eh patay na si Lola. Pero ewan ko ba, mukhang matindi din ang fighting powers nun eh. Hehehe. = D

Merong isang kwento dati na talaga namang tumatak sa ‘kin. Kinukuwento ng isa kong aunt na minsan daw eh naririnig nila na binabanggit ni Lola ‘yung pangalan ni Popski Wopski na para daw me kausap ito kahit wala naman daw silang nakikita. (Waaahhh!) Kaya daw inisip na lang nila na baka daw dinadalaw ni Popski Wopski si Lola at binabantayan.

Ang problema ngayon, baka hindi ako makauwi ng Pilipinas para makapunta sa burol o kaya sa libing ni Lola. Madami pa kasing problema dito na kailangang asikasuhin. Maliban sa problemang pinansyal (hindi naman kasi ganun kadaling humugot ng pera para pambili ng ticket pauwi ng Pinas), nabanggit ko na din dati na nagkakaroon ng reorganization sa company namin ngayon kaya madami kaming tinatrabaho. Isa pa, wala akong Bereavement Leave Benefits kaya hindi din ako sigurado kung papayagan akong umuwi.

Kinausap ko na si Momski Womski tungkol dito. Magpapadala na lang ako ng pera para pandagdag din sa mga gastusin sa pagpapalibing. Siya na daw ang bahalang magpaliwanag sa mga kamag-anakan namin dun.

May you rest in peace Lola. At least ngayon tapos na po ang mga paghihirap niyo. Magkakasama na din po kayo ni Popski Wopski sa langit. Sana lagi niyo pa din po kaming gabayan dito.

Atsaka po pala, hindi niyo na po ako kailangang dalawin dito. Takot po ako sa multo eh baka himatayin po ako. *LOLz* = P


18 comments:

  1. condolence to you and your family...

    halos the same yung kwento ng lola natin bago siya namayapa.

    anyway, my prayers to you and yours.

    ReplyDelete
  2. condolence...

    ipagpray mo na lang ang soul ni lola mo... para ka na ring nagpunta nun sa burol nya...

    ReplyDelete
  3. my sympathy.

    baliktad tayo.. mas takot ako sa buhay...

    "Eternal rest grant unto her, O Lord, and let perpetual light shine upon her"

    ReplyDelete
  4. nakikiramay po pareoy!
    my lola also past away last feb 20 shes 98 naman.. shes in ilocos right now..

    nakikiramay parekoy!
    may oour lolas rest in Peace!

    ReplyDelete
  5. Nakikiramay.

    Namatay din ang lolo ko kahapon. Iba rin ang henerasyon noon, talagang umaabot ng siyam na dekada.

    ReplyDelete
  6. matibay na nga si lola mo dude. umabot na ng 93 eh. ang titibay talaga ng mga taong nabuhay noon. ngayon eh 40+ lang dami nang inaatake. swerte na si lola mo.

    pareho tayo ng inabot ng 2007. 2 years ng bed ridden ang lola ko noon pero nasa russia ako nung namatay siya. di rin ako nakauwi kasi immediate family lang ang sakop ng bereavement leave.

    ReplyDelete
  7. Aba maswerte na lola mo at inabot pa sya ng ganung edad. Condolence to you and your family. I agree with "yanah" mas takot din ako sa buhay.....

    ReplyDelete
  8. Napadaan at napabasa ng kwentong patay.

    Condolence na lang dude.

    I know how little the words of an outsider mean to you - but I must tell you that I deeply sympathize with you in your lola's loss.

    ReplyDelete
  9. dear lola ni gasul, gabayan nyo po si gasul at iparamdam nyo po ang inyong "presence" palagi sa kanya para po maging matuwid lagi ang kanyang landas.

    may you rest in peace po.

    gasul, condolences sa familia nyo.

    ReplyDelete
  10. ako mahal na mahal ko ang lola ko...

    kaya naman nalulungkot ako nang mabalitaan kong pumanaw na si lola mo...

    condolence gas dude...

    ReplyDelete
  11. kahit nakakapagpatawa ka pa makikiramay parin aco. . pero swerte naman kahit paano si lola mo kasi umabot pa sya ng 93. . siguradong masaya na sya dun dahil na sulit nya ang bakasyon nya dito sa mundo. .

    un lang. .

    ReplyDelete
  12. condolence gasul!

    medyo hindi naman excited si lola na sundan si lolo at inabot sya ng ganyang age..ang galing..ako kaya umabot ng 93..

    maiintindihan naman ni lola yung hindi mo pag uwi..yung ipapadala mong pera eh wag masyadong malaki at baka makakupit si lola ng pamasahe punta dyan at sya ang dumalaw sayo,hehe

    ReplyDelete
  13. condolence gasoline dude! meron din isang blogger namatayan din ng lola. :-(

    ReplyDelete
  14. Bro, condolence, may she rest in peace!!!

    ReplyDelete
  15. my sympathies to you and your family as you grieve for the loss of your lola. hayaan mo, kung dadalaw man siguro si lola, mag-iinform muna sya thru plurk.ü

    God bless and will be praying for the eternal repose of the soul of your Lola.

    ReplyDelete