Monday, February 23, 2009

Pareng Radiskull


Bad news after another.

I learned from someone just minutes ago that a friend of ours just passed away. Ang naging reaction ko: “WTF??? AGAIN???” Kakamatay lang ni Lola nung isang araw, tapos ngayon kaibigan ko naman? Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko sa mga nangyayari. = C

Tawagin na lang natin ang kaibigan kong ito sa pangalang “Radiskull”.

Na-meet ko si Pareng Radiskull sa Grand EB ng Good Times with Mo sa Libis. (Hehe dati pa lang mahilig na ‘ko sa EB, pasens’ya naman. *LOLz*) ‘Yun ‘yung sikat na radio program nina Mo Twister, Mojo Jojo at Andi9 sa Magic 89.9. Tanda ko pa, tumakas pa ako kasi bawal talaga akong umalis ng gasolinahan nun. Mula Laguna, ni-drive ko gamit si Maningning hanggang Libis.

Wala naman talaga akong pakialam ke Mo Twister. Libre daw kasi ang pagkain sa EB, tsaka gusto kong makita ng personal si Andi9. Crazz ko kasi ‘yun sobra, naglalaway-laway pa. Kaya din ata nagpunta si Pareng Radiskull dun eh dahil ke Andi9. Dahil nagkasundo kami kaagad, after the EB eh nagka-ayaan pa kaming mag-inuman sa Sidebar sa me El Pueblo, Ortigas kasama ‘yung barkada niya.

Si Pareng Radiskull ang nag-introduce sa ‘kin sa Single's Scene ng PinoyExchange. Isa itong set of forum threads sa PEx para sa mga singles na katulad ko (Single once again. Hehehe.). Medyo nakuwento ko kasi sa kanya ‘yung kalagayan ko dati sa gasolinahan. Sabi niya, mag-active daw ako sa Single’s Scene para daw madami akong makilalang mga bagong kaibigan. Atsaka, siya din ang nagsabi sa ‘kin na madaming chicks daw sa area ko: sa South. Woot! = D

At tama siya! Totoo ngang madaming chicks sa South! Totoo ngang madami akong naging kaibigan thru PinoyExchange. Kaya naman malaki din ang pasasalamat ko sa kanya.

Parekoy, hindi ko talaga alam kung ano ang totoong nangyari. Ayaw nilang sabihin kung anong cause eh. Pero ganunpaman, gusto kong malaman mo na sobrang nalulungkot ako sa pagkawala mo. Sayang talaga, ambait mo pa naman (kahit medyo bulol ka. Peace tayo Parekoy! Hehehe.). Hindi na tayo ulit nagkita after nung berdei ni Eych dahil nga umalis na ko agad papunta dito sa Singapore. Kung alam ko lang eh ‘di sana nagpa-inom man lang muna ako sa inyo, me pulutan pa. Nakakapanghinayang talaga.

Ipagdadasal kita, 'wag kang mag-alala. 'Wag mo din akong mumultuhin ha! = P

Life is indeed too short.




PAHABOL:

As I am writing this, I just got a message from Eych, a common friend of ours, and learned about the real cause of Pareng Radiskull's untimely demise.

Parekoy, hindi ko alam. Sana pala dati pa lang eh naipagdasal na kita. =_ C

24 comments:

  1. carpe diem! life is short!

    ganyan talaga buhay...

    ReplyDelete
  2. Awww. Nakakalungkot kapag namamatay ang tao ng maaga, well hindi naman sa okay lang mamatay ang matatanda pero kasi kapag bata parang hindi pa nila nagagawa lahat ng gusto nila.

    Ayun, so sabi kapag namatayan daw huwag condolence ang sasabihin, instead, congratulations kasi kasama na nila si Papa God. Oh diba hindi mo akalaing manggagaling sa bibig ko 'yan. Hehe. Pero congrats sa pareng Radiskull mo! Madami din kayang chicks sa langit? Sana balikan ka niya para ipaalam sa'yo.

    Hahaha.

    ReplyDelete
  3. Feeling ko napakaswerte ko pa at di pa ako iniiwan ng isang kaibigan. Di ko alam kung ano nararamdaman kapag nangyari yun.

    Gayunpaman, nawa'y masaya na si Radiskull kung nasan man siya ngayon.

    ReplyDelete
  4. feeling ko kaya ka lang nagpunta dun sa book launching ni batjay eh nakabalita ka ng may libreng pagkain eh. hahaha!

    life is short. too short. amen.

    ReplyDelete
  5. aw may lamay din dito hehehe..

    nakakalungkot. i remembered a friend who died unexpectedly..such a waste..

    so emo.

    ReplyDelete
  6. kaya nga totoo yung kasabihang enjoy mo na ang buhay mo everyday to the fullest kasi ang bukas ay walang kasiguraduhan...

    kakalungkot no? madaming sana....

    ReplyDelete
  7. I'm sorry to hear the recent demise of your friend.

    Prayers for him. May he rest in peace!

    ReplyDelete
  8. I'm sorry to hear the recent demise of your friend.

    Prayers for him. May he rest in peace!

    ReplyDelete
  9. oist, parekoy!

    salamat for making an entry about YOY. alam ko natuwa yon. kaya wag ka ng magulat pag maya't maya may kakalabit sayo, hehehehehe..

    cheers to RON! :D

    ReplyDelete
  10. so sad. we really have to enjoy while we last.

    ReplyDelete
  11. naisip ko nga eh, bakit pa kailangan pang mamatay ng isang tao para malaman ang kanyang importance?? di ba? hayz! really sad fact of life!

    ReplyDelete
  12. awwwww.... ang sad naman...


    MAHILIG KA PALA SA EB... :) at crass mo si ANDI9. :)

    ReplyDelete
  13. My condolences. Your lola lived to a ripe old age of 93. Your friend...well, gone too soon.

    We will all, anyway, sail away to that distant land..kaya nga importante that we "live while we are alive". Because it is not the dying part that is truly sad, but the "not living while we are alive".

    ReplyDelete
  14. ** malalim na buntong na hininga **

    parang close kame at napabuntung hininga din ako!

    until now addict pa rin ako sa magic 89.9 ni mo twister.. pinakikingan ko pa rin sya thru internet.. ang galing kasi nila at madami talagang matutunan na bago

    ReplyDelete
  15. condolence... pwd makiusyoso? ...whats the cause? :)

    ReplyDelete
  16. two in a row and hope it stops there... condolence uli!

    ReplyDelete
  17. condolences sa mga mahal sa buhay ng kaibigan mo.
    pagpalain nawa siya ng kalawakan.

    ReplyDelete
  18. ako man nagulat. ang dami ko ring mga "sana".

    ganun pa man... sana lang nakikita nya tayo ngayon, at naappreciate nya un mga good things na naparealize nya satin...

    ReplyDelete
  19. God bless his soul...

    may sakit ba dude?...

    wag ka ng magisip parekoy at baka makaapekto sayo...isipin mo na lang meron pa!...

    peace parekoy..

    san ka nga ba dude sa singapore?...malapit ka sa anchorvale?...sana oo...lolz..

    ReplyDelete
  20. well. we are all gonna go that way soon..too bad nauna lang siya...death kasi para sakin parang everyday happening nalang...people come and go and we should cherish nalang lahat ng araw na magkasama kayo...

    I will never say condolence....lets be happy nalang kasi after all, his suffering already ended....if really he has an illness..

    May God bless him. Life;s too short indeed.

    ReplyDelete
  21. condolences. life is short. sometimes too short.

    ReplyDelete
  22. nakakalungkot naman talaga kapag may pumapanaw na malapit sa ating puso. :-(

    Ano kaya ang kanyang ikinamatay. Pero di na mahalaga iyon, ang mahalaga kapiling na niya ang Maykapal. Naks :-)

    ReplyDelete
  23. sad.but i like the way you presented the story.it was very light and interesting.

    let's pray for his soul.

    ReplyDelete