Monday, March 9, 2009

10 Million


Kailangan ko ng 10 milyon pesos. Sinong pwedeng magpautang sa ‘kin?

‘Yan ang nagpapabagabag sa ‘kin for the past few weeks. ‘Yan din siguro ang rason kung bakit ako laging pini-pimpol ngayon at ang lakas ko ulit kumain lately. Andaming problema sa trabaho! Sobrang nape-pressured na ‘ko!

10 milyon pesos. ‘Yan ang target kong company revenue for this year. Kumusta naman ‘yun? Ahuhuhu.

Nabanggit ko na dati dito na meron kaming naging reorganization sa company. It was actually a move done to combat the current crisis. Dahil hi-nire ako para mag-multitasking sa trabaho, pinaiwan muna sa ‘kin ang function ko sa Human Resources at pinag-focus muna sa Sales and Account Management.

I didn’t have much choice. Masyado kasi akong nag-magaling sa interview. Ang challenge ngayon: I should be able to walk the talk.

Kaya ako problematic ngayon.

Now I’m contemplating on what to do. Oo gusto ko ng challenge, pero ampucha, bakit naman ganito kalaki?!


**********


Pero alam niyo mga Repapeeps, kahit papaano naman eh hindi pa din naman ako nawawalan ng pag-asa na makuha ‘yang 10 milyong pesos na target ko. Sa mga ganitong panahon eh kailangan ko lang alalahanin ulit kung bakit ako nandito sa Singapore in the first place. Enough motivation na siguro ‘yun. Hehe sana nga.

Atsaka (‘eto walang halong stir), my company now is the best I’ve been with so far. We’re not really a big corporation, pero wala akong masabi sa mga Bossings ko at mga colleagues. In general, mababait sila (kahit minsan eh me pumapalya). Okei sa olrayt ang samahan, at parang pamilya na din ang turingan namin sa isa’t-isa. I’ve never been happier in my entire career life.

Sabi ng isang colleague ko kanina, nasa kamay daw namin ng German Bossing ko ang ikauunlad at ikababagsak ng kumpanya. (Naknang! Parang lalo akong na-pressured dun ah!) Pero dahil sobrang tine-treasure ko sila, hahayaan ko ba naman ang sarili kong mabigo?

(Oo, pinapalakas ko lang ang loob ko. So help me naman po, Lord God!)


**********


Dahil problematic ako ngayon, pasayahin niyo naman ako! Hehe lapit na berdei ko ah. Lapit na din akong mawala sa kalendaryo. ‘Yung mga hindi pa nagbibigay ng picture greetings diyan, p’wede pa humabol. = P


38 comments:

  1. hi po haberdei uli in advance^^

    ReplyDelete
  2. naku kuya yakang yaka mo yan..

    ReplyDelete
  3. HaPPY BiRTHDaY To You... HaPPY BiRTHDaY To You... HaPPY BiRTHDaY DeaR KuYa DuDe... HaPPY BiRTHDaY To You.. yan.. kinantahan na kitah nang advance.. nd abah ten million lang bah problema moh... kilala moh bah si Pajay?... don.. mangutang kah.. dmeng pera non... wehehe.. lolz... yakang yaka moh yan.. kaw fah! magagawa nyo yan... prayers na ren... ingatz lagi Dude! Godbless! -di

    p.s. nga palah... san chocolates koh? nalimutan moh akong bigyan... wehe.. biro lang... hihingi na lang akoh sa luvteam na sina kuya ronz at josha... =)

    ReplyDelete
  4. 10 million lang?

    Ako nga target ko 50million, pero syempre not for the whole year lang.. Ahaha.. hihingi ka na rin lang eh lakilakihan mo na.. ;)

    It's your time to prove to them that you can not just talk and talk.. Challenge yan, malay mo ikaw pumalit sa Boss mo someday, paktay tayo jan!

    May the force be with you dude!
    cheers!

    ReplyDelete
  5. 2 weeks pa.. hahabol ako... iniisip ko pa ano ibibigay ko eh... hehehe...

    ang laking responsibilidad ang binigay sayo.. pero tama lang yan... that means pinagkakatiwalaan ka ng kumpanya niyo... kaya mo yan!!!

    ReplyDelete
  6. halika kilitiin kita para sumaya ka,hihihi

    oist tapos na yung akin..pinag iisipan ko pa kung papadala ko na o sa isang linggo pa,hiihihi

    ReplyDelete
  7. kaya mo yan kuya! ;) -eLai

    ReplyDelete
  8. ok lang yan atleast ikaw may trabaho pa e ako hhehehe! cheer up... kaya mo yan!

    ReplyDelete
  9. isipin mo na lang ang bertdey mo siguradong limot mo ang pressure na yan.

    10 million? kaya yon sa piso lang naman e.

    ReplyDelete
  10. anong kaguluhan to??

    hahaha nde ko sasabihing may nakaamba kaming supresa sayo...

    hinding-hindi. paramis.

    ReplyDelete
  11. ohnoes!
























    sali ka lotto? walang kwenta ang sinabi ko kalimutan mo na.

    ReplyDelete
  12. tama naman ang motivation mo sa sarili mo. samahan mo na rin ng dasal. kaya mo naman yan sos ka.

    sisiw ang sampung milyon. PRESSURE!!! hahaha.

    Goodluck Gasul!

    Popoy

    ReplyDelete
  13. hihihihi. its the birthday month :D

    hope you do get that money by the end of the year. you only have 9 months left!

    ReplyDelete
  14. kaya mo yan kuya! go for the gold! :)

    ReplyDelete
  15. ang laking pera yun...ahehhee...kahit ibenta mo ako sa maga arabu indi tayu kikita ng ganung kalaking pera..

    kaya mo yan..inabot ka na dyan sa singapore tapos mag gigive up ka pa? go go go sago!ahahahhaa...

    hubaran mo prospectives clients mo..plus factor yan sa kakataas ng kita niyo..ahahahhaha

    ReplyDelete
  16. good luck sa 10 milyon! focus! focus! hocus pocus! hehe. happy birthday! pwede ba cartoon pic na lang? :-D

    ReplyDelete
  17. kung magcocontribute kaya kami ng tigpipiso, aabot kaya yun ng 10 million pesos? di ata.

    pero yung maiipon, pwedeng ipambili siguro ng yosi at kape. para may kasama ka pag nag-oovertime.

    ReplyDelete
  18. 10 million smiles na lang dude...yun lang ang meron ako e...lol..


    hahabol pa yan dre...23 pa naman ang deadline e....abangan mo ang regalo ko....hindi 10 million....nyahahahahaa...

    ReplyDelete
  19. sus 10M lang pala eh kayang kaya yan...ninong ko si FG. katatama lang niya ng 300M sa lotto eh!

    ReplyDelete
  20. kaya mo yan! pero buksan mo rin mata mo at baka makapulot ka ng 10 miyon sa daan :D

    ReplyDelete
  21. eeekkk, teka lang, ayaw magpapicture ng mga little kengkays these past days e. di bale may oras pa naman di ba?

    ReplyDelete
  22. akala ko naman nagkautang ka ng sampung milyong piso! grabe ang laki niyan ah! pero relax lang birthday boy! for sure makakagawa ka din ng paraan para makuha yang goal niyo. happy birthday ulit ah!!

    ReplyDelete
  23. Wow wow wow, isa lang ibig sabihin nya super duper galing ka, as in para pagtiwalaan ka na makalikom (tama ba yun?) o kunita ng ganyang kalaking halaga ang kumpanya nyo...

    Kayang kaya mo yan, mani lang yan having said that start eating nuts so you'll go nuts while eating nuts... huh!!!! and voila mala2mpasan mo pa yang 10 million na yan, promise..... he he he he he
    tipong ta2mbling ang bosing(milky ass) mo.

    ReplyDelete
  24. Mukhang maganda nga na challenge yan. Napakalaki nga lang. hehehe. Krisis nga ngayon,pero cgro isa na rin yang oportunidad pag nagawa mo sya ng maigi.

    Sya nga pala maligayang kaarawan in advanced at pag wala kang natanggap na larawan mula sa akin, yun ay dahil nahirapan ako mag-conceptualize. hehehe.

    ReplyDelete
  25. HABERDAY in advanced! :) Haha.

    10M? Wow ah. Malaki na yan para sa isang kompanya. Yakang-yaka yan.

    Eh di hindi ka na makakapagbasa ng mga librong nabili mo?! Tsk tsk. Haha.

    ReplyDelete
  26. Hay, ramdam talaga ang crisis everywhere. Kami nga rin, as teachers, we were told na kailangan ma-keep namin ang mga students namin. Kailangan, magre-enroll sila monthly kaya dapat super bait na teacher ka.

    Sa goal mong 10 milyon, aja! Go!

    Happy birthday po, pwede magbigay ng picture?

    ReplyDelete
  27. Hi Gas Dude,

    It's now to know na di uso ang recession jan sa company mo ngayon.

    And you're birthday is nearing, so PARTEEE!

    ReplyDelete
  28. happy b-day to you...goodluck sa career...ingatz and God bless!!!

    ReplyDelete
  29. naku kayang kaya mo yan. 10 million? magbebenta tayo ng gasolina hahaha malapit na ang bday mo, let's party haha

    __________

    haha maganda ba si princess? oo naman haha (bias ako) haha pero tsong napakahusay na researcher nun. Di katulad ng iba na pasaway DIYOS KO kukunot talaga ang nuo pag ikaw ang segment producer hahaha

    ReplyDelete
  30. naku pano ba yan, 9M lang tong cash ko. hahaha. joke. nangarap lang ako. hehehe

    ReplyDelete
  31. kaya yan gasul!
    believe uin yourself..
    lahat posible...

    advance happy birthday!!!!

    ReplyDelete
  32. tsong,

    kamusta ang ten million? hehe

    advance happy beerday!

    ReplyDelete
  33. 10 million pesosesoses...

    hindi pa tayo magkakilala kaya hanggang 5 million lang ang kaya kong ipautang. pero 5-6. ok ba sa yo?

    PS: cool blog dude. :D

    ReplyDelete
  34. uy happy beerday, ngayon lang ako nakadaan dito, ang kulit hehehe btw, parang pareho tayo ng naging kapalaran, mula training department ay nasa sales ako this year, patunayan ko raw ang mga pinagsasasabi ko hehehe so 2B ang target namin medyo mabigat sa panahon ng krisis pero kakayanin natin. Marami pa rin namang interesado sa condo and house and lot, basic needs ika nga.

    ReplyDelete