Saturday, March 7, 2009

Judge Lest Be Judged


Ang post na ito ay para sa 'yo.

May nakapagsabi sa 'kin na natunton mo daw ang blog ko. Ayos! Medyo nagulat, pero OK lang. Tambay ka lang, I don't really mind.

Gusto ko lang din sanang sabihin sa 'yo na nasa sa'yo ang simpatiya ko. Naaawa ako sa 'yo dahil sa kalagayan mo. Pakiramdam ko kasi, sirang-sira ka na sa lahat ng tao. Ikaw ang nagmumukhang may kasalanan. Na ikaw daw ang may mali.

Inaamin ko, minsan na din kitang nahusgahan. Kung anu-ano na din kasing balita at kuwento ang narinig ko tungkol sa 'yo at sa naging pamumuhay mo. Pero naisip ko, wala naman kasing perpekto. May dungis ang lahat ng tao. Kaya ngayon, humihingi ako ng dispensa sa 'yo.

Hindi pa kita masyadong nakikilala. Ilang oras lang din kasi tayong nakapagsama noon. Ni hindi nga din tayo masyadong nakapag-usap.

Pero isa ang alam kong tama sa sitwasyon mo: You don't deserve to be judged. Wala silang karapatan. Wala KAMING karapatan.

Isa pa, ikaw pa din ang asawa. Ikaw din ang ina ng mga anak niyo. Kumbaga sa Harry Potter, kahit gaano pa kalakas si Voldemort eh wala pa din silang panama ng mga alagad niya sa kapangyarihan ng pagmamahal na inalay ni Lily Potter sa anak niya. (O ha! Ayos ba sa analogy? Hehe.)

Kung ano man ang kahantungan ng teleserye ng buhay niyong mag-asawa at mag-iina, hangad ko ang kabutihan niyo.

Alagaan mong mabuti ang mga anak mo. Matutunan mo din sanang mahalin ang sarili mo.

25 comments:

  1. uy uy!!

    hmmm sino kaya ito...

    kilala ko ba parekoy?

    ReplyDelete
  2. ang masasabi ko lang..
    wala talagang karapatang ijudge ng kahit na sino ang isang tao..

    di ako makarelate sa kwento basta kung anuman ang nangyayare sana maging maayos pa rin ang lahat para sa kanya...

    ReplyDelete
  3. babae to syempre...at may problema sa pamilya...at malamang sinisiraan ng mga tao kaya ganun na lang ang pagyurak sa kanyang katauhan...

    malamang blogger din to....

    kung sino man yan...matuto na lang tayong magpatawad,di nila alam ang kanilang gingawa...ayos ba gasdude?...lolz...

    oi..sali ako jan sa bertdey promo mo...papadala ko na pix ko dis wik...hehehe

    ReplyDelete
  4. kung sino man sya..it's good that you're wishing her well and for giving her the benefit of the doubt. :p

    ReplyDelete
  5. aw. how sweet. sino to ha?hehe. issue. ching! lol

    ambaet mo naman :)

    p.s. i thought this was a guy :P

    ReplyDelete
  6. di nako makikiusyoso pa... pero kung sino man siya, sana ay mabasa niya itong post mo...

    ReplyDelete
  7. salamat sa hindi mo pag-judge saken.

    nyay.

    ahihi

    ReplyDelete
  8. nasend ko na tsong yung resume ko sa email.. salamat ng madami!!!

    ReplyDelete
  9. sabi ko na nga ba may anak ka na sa labas.

    weh!

    ReplyDelete
  10. oh wow now this is a full post. whatever it is, i wish them well. tama ka sa mga sinabi. madaming pagkakataon kung sino pa ang wala naman talagang pakialam sila pa ang mas madami ang opinyon kumpara sa talagang concerned. tapos yung analogy sa HP hindi ko naget LOL

    ReplyDelete
  11. hmmmm...

    parang kilala ko ito...

    ReplyDelete
  12. korek! korek! walang sinomang tao ang my karapatan na mgjudge ng kung sino.. not unless if wala kang nagawang pagkakamali all ur life.. *prang msydong seryoso comment ko ah* hehe!

    ReplyDelete
  13. hahaha! napadaan lang but u made me smile.

    ReplyDelete
  14. oi jeryus topic ito ah! well, mahirap magcomment kasi di ko naman alam sino at ano talaga ang kwento..pero it's nice to know na at least hindi ka naman pala mapanghusgang tao :p

    (in fairness sumeryoso din daw ako ng comment hahahaha)

    ReplyDelete
  15. aww... sana di ka na nag-abala magpost para sa ken....juk! heheh.

    If there's one thing that makes this post touching, that would the fact that it comes from one of the non-judgmental persons I've known through blogging. :)

    ReplyDelete
  16. kuya, ano to? cno to? magkwento ka nga! hehehe. -eLai-

    ReplyDelete
  17. @ Prinsesa000: Amen to that. Diyos lang ang may karapatang manghusga.

    @ Pa-Jay: Hehe hindi blogger 'yan. Sa pagkakaalam ko. *LOLz*

    @ Flamindevil: Kung alam lang niya kung gaano ko siya ipinagtatanggol.

    ReplyDelete
  18. @ Herbs D: Nyahaha! Bakit naman? Babae 'yan. Sa pagkakaalam ko din. Hehehe. = P

    @ Gillboard: Hehe sana nga. Sana.

    @ Mami Bechay: Ikaw pa! Lakas ka sa 'kin eh. Picture greeting ko?

    ReplyDelete
  19. @ Mang Badoy: Sige P're, tulungan din kita sa abot ng aking makakaya.

    @ Insan RJ: Intrigero ka! Haha. = P

    @ Prinsesa Musang: Ampf! Hindi ba malinaw 'yung analogy? PHAIL! =_ C

    ReplyDelete
  20. @ Lyzius: Kilala mo nga ba? Teka, iisipin ko muna. *LOLz*

    @ Spoofed: Tama! Tama! Tama! = D

    @ Elysplanet: Salamat sa pagdaan.

    ReplyDelete
  21. @ Carelesshush: Me aaminin ako sa 'yo. Hindi naman ako palabasa ng Bible, pero isa 'yan sa mga verses na tumatak sa 'kin. I'm referring to the title of this post.

    @ Bob: Hahaha. Napa-comment ako kasi na-tats ako sa sinabi mo. Naks! Musta na? Madami akong nabalitaan tungkol sa Petron ah. = P

    @ Insan Elai: Hehehe hindi mo kilala 'yan. Ingat kayo diyan lagi! = D

    ReplyDelete
  22. hmmmn...

    tama ba??kilala ko yta to a....


    HMMMMNNNNNNNNNNN.....

    ReplyDelete
  23. Every once in a while hindi natin mapigilang mag-judge, nature na natin siguro yun. Pero ang mahalaga naman ay tinatanggap natin ang kamalian natin.

    ReplyDelete
  24. basta mahal natin ang sarili natin, kaya natin lahat :D

    ReplyDelete