Sunday, March 1, 2009

Marchy March


March na!

Ambilis ng panahon. Parang kelan lang eh naglilista pa lang ako ng mga New Year’s Resolutions. Ngayon eh matatapos na kaagad ang First Quarter ng 2009. Kumusta naman?

Sa labindalawang buwang meron ang isang taon, masasabi kong ang Marso ang pinakapaborito ko simula nung bata pa lang ako. Humuhudyat kasi ito ng pagtatapos ng klase sa eskwela at pagsisimula ng summer vacation. Goodbye early wake-up calls. Goodbye assignments. Goodbye quizzes. Goodbye terror teachers.

Pero siyempre, ang pinakamahalaga sa lahat...

IT'S MY BIRTH MONTH!

Woot woot!

Dahil ito ang kauna-unahang taon kung kelan magse-celebrate ako ng berdei na wala sa Pinas, hihingi sana ako ako ng pabor sa limang kataong nagbabasa ng blog ko. (Hehehe.) Mag-send naman kayo sa ‘kin ng mga picture greetings kung saan binabati (as in “greet” ha!) niyo ako sa aking berdei. *LOLz* Nakuha ko ‘tong ideyang ito ke Popoy Inosentes (na ginawa din niya nung berdei niya) eh nakita kong parang masaya. Nainggit naman ako ng tuluyan kaya gagayahin ko na lang. Hehehe. = P

Pagbigyan niyo na ako, mga Repapeeps. Madali lang naman. Parang ganito o:

I-send niyo ang inyong mga picture greetings sa grilledbeef@yahoo.com on or before March 23. Tapos, sa mismong berdei ko two days after the said date eh ipo-post ko dito sa blog ko ang lahat ng ipinadala niyo. The more creative, the better! Kapag sobra kong magustuhan ang picture greetings niyo, malay niyo eh ilibre ko pa kayo o ako pa ang magbigay sa inyo ng regalo. = P


PAHABOL:

Meron na palang nag-submit ng picture greeting para sa berdei ko. Isang *witwiw* na CELEBRITY!

Dahil sa effort na ibinigay niya, parang mas mahal ko na siya ngayon kesa kay Maja Salvador at Carmen Soo. Hehehe. = D

Salamat sa isang kaibigang blogger para dun. Ipo-post ko din 'yun dito sa takdang panahon. = D

45 comments:

  1. lols
    sige sige sali ako dyan sa bday greetings na yan..
    kelan ba ang deadline ng submission? lol.. hehehe para maaghandaan ko ng bonggang bongga parekoy..hehehe
    sana may price din yung pinakapoging greetings...lols(kapal ko)

    ReplyDelete
  2. ahahaha ako din pauuto sayo!

    ReplyDelete
  3. hala mukhang masaya tong pakulong to..susubukan ko parekoy..astig.advanced happy berdey.handa mo na ang premyo ko.nyahaha

    ReplyDelete
  4. sige na nga papatulan ko n arin to hahahaha

    hintayin mo ang pamatay kong greetings hahaha

    ReplyDelete
  5. o cya easy ka lang parating na yung akin!!

    ReplyDelete
  6. pag-iisipan ko yang pichur na yan... hehehe... advanced haberdey, kahit mga 3 weeks pa...

    OFF TOPIC: Yung So Close kanta sa movie na Enchanted.

    ReplyDelete
  7. sali din ako, kasi may regalo para e, hahaha

    ReplyDelete
  8. Happy birthmonth kung ganun!

    Hehe. Hm, sige, i t try ko rin magpadala ng picture!

    ReplyDelete
  9. aba aba aba magbibirthday lang eh naging demanding na. hahaha!

    ReplyDelete
  10. Hi! Advance Happy Birthday Dude!

    Uhm, akala ko picture ng mismong blogger ang issubmit.. Waha! Bangag na ata.. lolz.. Eh anu nga ba?

    ReplyDelete
  11. @ Abou: Aabangan ko 'yan! = P

    @ Kosa: Magbasa ka! Hehe, on or before March 23. = D

    @ Powkie: Sige na, minsan lang 'to. *LOLz*

    ReplyDelete
  12. @ Flamindevil: Basta ba magustuhan ko picture greeting mo eh. Hehe. Sa Malaysia ka ba?

    @ Onat: Pamatay talaga ha. Hehe sige hihintayin ko 'yan. = P

    @ Cyndirellaz: Aabangan ko din 'yung sa 'yo. = D

    ReplyDelete
  13. @ Gillboard: Sige na! Ikaw na bahala kung anong gusto mong diskarte. Teka napanood ko pala 'yung Enchanted kaso hindi ko maalala na dun galing 'yung kanta.

    @ Kengkay: Sabi mo 'yan ha! Aabangan ko 'yan. Woot! = D

    @ Ax: Salamat sa pagdaan. Abangan ko din 'yung picture greeting mo. = D

    ReplyDelete
  14. @ Insan RJ: Gagu ka! Hahaha! Inaasahan ko 'yung galing sa 'yo dahil alam kong camwhore ka din! *LOLz*

    @ Dylan: Diskarte mo. Pwede kasi na pictur-an mo sarili mo tapos me hawak kang papel na me nakalagay na greeting, tulad nung nasa example. Kung anonymous blogger ikaw, pwede na din kahit anong picture greeting na ikaw ang gumawa. = D

    ReplyDelete
  15. Ah okei! Hehe, it's nice you ask something like that for your birthday. Cge I'll make one.

    cheers! nga pala add kita sa blogroll ko, sensya na ngayon ko lang napansin ala pa.

    ReplyDelete
  16. hmm. mapag-isipan. ano kayang magandang gimik. bawal bold no? he he

    ReplyDelete
  17. i'll try.. may naiisip nako e...

    ReplyDelete
  18. OMGGGGG. oo nga noh? i didn't notice na MARCH NA PALA?! wuhat!

    ReplyDelete
  19. Haha, sali ako dito Gasul! Ang tanong eh payag ka bang sumali ako? Haha, gagawa na ako ng ano ba tawag dyan? Banner? Haha. Gagawa ako tapos magpipicture ako. Hahaha.

    ReplyDelete
  20. abay amoy grilledbeef ang pulutan ha!

    ReplyDelete
  21. maliligo muna ako bago magsend para mabango ako sa picture heheheeh

    ReplyDelete
  22. iyon yung kinanta nung king & queen's ball... ala lang... may dvd kasi ako nung pelikula.

    ReplyDelete
  23. may bayad ako, pero sige, gagawan kita for free. haha.

    magkasunod tayo! 26 ako!

    ReplyDelete
  24. wow..hapee beerday na sayo!!!

    naku sayang naman di ako makakasalit dyan sa greetings ek-ek na yan, wala kasi ako camera bwahahahahah

    teka bakit ganun yun mga nasa pinas lagi may pasalubong kay gasdude..hmmm :p

    ReplyDelete
  25. Dahil magka-buwan tayo.. at dahil halos magkasunod tayo ng bertdey.. gagawan kitang bertdey greeting! Ako rin gawan mo ha. Reply ka lang dun sa email add ko kapag na-email ko na. lol.

    ReplyDelete
  26. HAPPY HAPPY BIRTHDAY GAS DUDE!! Kaberdey mo pla ang kapattid ko, kaya pala friendly ka, saka great leader (hindi ruler) daw ang mga isinilang sa ganyang araw.
    Naks mukhang babaha ng piktyur sa bday mo ha!!! Hayaan mo pipilitin kong magsubmit ng piktyur medyo busy sa taping saka tv guesting eh!!Basta pag may time send ko agad sa iyo. Intayin mo sa bday mo babatiin kita sa ASAP.
    Ingat

    ReplyDelete
  27. andaming may bday ngaun march..
    andamin ginuman to!haha.

    'apee beerday! inuman na! :]]

    napadaan. :]

    ReplyDelete
  28. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  29. ang bilis nga ng panahon parekoy. akalain mo't nagbeerday na ko nung sunday. hehe. thanks nga pala sa pic greeting na sinend mo. i lurve it. kay popoy ko lang din nagaya ang pakulong to. hehe. cge, pagpupuyatan ko dn ang paggawa ng pic greeting. hehe

    ReplyDelete
  30. Wowow. Birthday month mo pala ang March! Happy Birthday sayo! Babalik ako dito para tingnan kung sino sino ang nagsubmit ng piktyurs. heheh

    ReplyDelete
  31. Advance "HAPPY BIRTHDAY" Gas Dude!!! May you have as many birthdays as you want.

    Anytime soon you will meet your destiny on the road u took to avoid it.... just so u know nagdi2lang anghel daw ako....

    Salamat sa pagbisita at sa comment I'm keeping my fingers crossed na "happy" ang ending ng love story ko.....

    ReplyDelete
  32. uy!
    advance happy birthday kuya!!! ^_^

    picture ba? cge.. try natin yan! :D hehe.

    ReplyDelete
  33. kahit anong picture ba gasul?

    SURE KA?

    HEHEHE...

    Pag iisipan ko to ng maige.

    Hehehe okay lang ba kung mag flash ng boobs sa picture? LOL

    Joke lang

    ReplyDelete
  34. Ooooh Aries? Happy birthday!

    ReplyDelete
  35. napadaan lang po...

    advanced haberdei narin^^

    try ko din send ng pix..sayang yung regalo..hehehe

    ReplyDelete
  36. wala bang info kung anong age ang ilalagay namin sa happy Nth birthday sign? hehe...

    at may deadline pa talaga! hehe... tingnan ko kung magagawa ko mamaya.

    ReplyDelete
  37. ui malapit na bday mo.. painom ka ah...

    naalala ko tuloy yung isa kong friend na ganyan yung ginawa.. para maigreet xa.. isesend yung pics..that was 2006, nasa tabulas pa ako.. :)

    o sige send ko sa email mo ah.. TRY KO BUKAS isend.. :) sana di aq mahuli :0

    ReplyDelete
  38. heheh. oka yang pautot na yan. makapagpa piktyur nga. weheheh.

    advance hapi hapi.

    ReplyDelete
  39. awwww... oo nga pala di ko napansin... on or before march 23 pala... matagal pa..hahaha

    sige aabut ako dyan..

    ReplyDelete
  40. sige sige, magpapadala ako!!

    sa background ko ung mga chicks mo!!!


    (teka, e di hindi na ko pala makikita sa picture nun kahit gawin kong landscape na 40x70 ang picture size hehehe)

    ReplyDelete
  41. sasali akoooooooo! kahit anong style ba yan? khit ndi gnyan katulad nung nsa pic?

    ReplyDelete