Tuesday, April 21, 2009

Booted Out



Psssttt. Meron akong ibubulong sa ‘yo.

Iilang tao lang ang pinagsabihan ko nito. Mga kaibigang pinagkakatiwalaan ko lang. Noong una ayoko talaga munang sabihin sa lahat kasi nahihiya ako. Mayabang kasi ako (medyo lang naman hehehe) kaya medyo masakit din sa ego.

Ready ka na ba sa sasabihin ko? Pasensiya na kung pa-suspense.

(Drumroll)

.
.
.

It’s official. I’m now a recession casualty.

.
.
.

Ito ‘yung problema na nababanggit ko dati pa. Ito din ‘yung totoong rason kung bakit matagal-tagal na din akong hindi active sa blogging. Matatanggal na kasi ako sa trabaho ko. Hanggang katapusan na lang ako ng Abril sa kumpanyang pinagtrabahuan ko ng walong buwan dito sa Singapore.

Para sa buong kuwento ng mga nangyari, abangan niyo na lang sa mga susunod na posts ko. Hindi ko pa nasimulang isulat, pero baka mahaba-habang kuwentuhan ‘yun.

Kaya’t kung may trabaho ka ngayon, tama na ang pagiging reklamador at matuto kang magpasalamat. I will tell you, you are blessed. At least hindi mo naranasan ang ma-retrench tulad ng maraming OFWs ngayon dahil sa global economic crisis.


16 comments:

  1. isa lang masasabi ko - BE STRONG! dalawa pala - HAVE FAITH!
    isa pa - THINK POSITIVE! Kahit hindi good news ang nangyayari sa buhay mo ngayon isipin mo that all things happen for a reason.

    GOOD LUCK GASDUDE!

    ReplyDelete
  2. Kaya’t kung may trabaho ka ngayon, tama na ang pagiging reklamador at matuto kang magpasalamat.-TOTOO ITO KUYA.

    'YUNG FRIEND NAMIN NA JAN NAGWORK GANUN DIN NANGYARI EH. PERO KERI LANG YAN. MARAMI PANG OPPORTUNITIES NA DADATING SA'YO. :) GOOD LUCK TO YOU! HUGS!

    ReplyDelete
  3. gasul, anong plano mo ngayon? nakakalungkot naman itong post mo (tears)


    Popoy

    ReplyDelete
  4. Eh paano na? Uuwi ka na? Yay! Errr, hindi ko alam kung bakit ako nag-yay! Hahahaha.

    ReplyDelete
  5. ok lang yan... that just means something better is in store for you!!! kahit mukhang malabo pa ngayon kung ano man yun, lilinaw din yan...

    ReplyDelete
  6. kuya, totoo ba to? kaya mo yan! -eLai

    ReplyDelete
  7. you seemed to be a smart and intelligent person, you'll get through these. Believe in yourself. This too, shall pass.

    ReplyDelete
  8. kaya yan dude...

    God is good...

    ReplyDelete
  9. Oh no. :( Di ka nagsabi nung isang gabi. Nagj-joke pa naman sila about work and losing jobs. :-/ Si Carl din na-retrench din eh. Pero buti sya merong mga freelance work na kapalit kahit papano.

    Hay. Good luck, good luck! I'm sure He has a greater plan for us jobless people. =D

    ReplyDelete
  10. Dont worry bro. im sure meron pang ibang work jan na pede mong pagdiskitahan... tama sila... tama si skud... just have faith.

    ReplyDelete
  11. isipin mo na lang meron pang mas magandang naghihintay sayo di ba? magkakaroon ka pa ng time at opportunity para makapamili pa ng ibang mas magandang gawin/ trabaho ^^ gud luck!

    ReplyDelete
  12. Hala!! Biktima ka rin pala pre...

    Ok lang yan, makakahanap ka ng trabaho din dyan agad... Naghahanap ka na ba??

    ReplyDelete
  13. ok lang 'yan (kahit alam ko naman na hindi)

    pero0 kinabahan ako dun...meron kasi akong pamangkin na pupunta dyan on jan 7 para magtrabaho and initially tourist visa ang ang gamit nila...

    ReplyDelete
  14. Nakakadepress naman yan!

    Hindi ka pa nga nakakapagbasa ng libro... tas.. matatanggal ka...

    Pero isipin mo na lang, makakapagbasa ka ng libro!

    Ang mga kapatid ko rin sa states nakatanggap ng ano bang tawag dun. Kaltas sa sweldo. (May term sila dun eh.) Pay cut ata tawag dun. Ayun, mega-tipid daw sila ngayon.

    Pero sa nabasa ko ngayon, naisip ko nga na maswerte pa sila dahil hindi pa sila nalalay-off.

    :D Di bale, tiyaga tiyaga lang yan.

    ReplyDelete
  15. medyo napatagal din ang pamamahinga ko. dami kasing trabaho...tapos eto pa ang nabalitaan ko. Kaya mo yan gasdude. :-) may mas magandang opportunity pa na naghihintay sa iyo. :-)

    ReplyDelete