Sunday, April 5, 2009

Hepenebersere, Etc.


I’m going through something right now.

Ito ‘yung reason kung bakit gusto ko munang mag-hiatus sa blogging. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong mag-isip. Gusto kong planuhin ang mga susunod kong gagawin.

Medyo OK pa naman ako. Malaking bagay talaga ang nagagawa ng introspection sa ganitong panahong may mga problema na dumadating sa buhay ko. Siyempre kasama din sa aking mga coping mechanisms ang Plurk pag-focus at pag-count ng mga blessings, no matter how small they seem to be, na ibinibigay sa atin ng Diyos.

Gusto ko sanang pasalamatan din ang mga kaibigang nalapitan ko nung mga time na gusto ko ng kausap: sina Chroneicon at Umleo23. Chie Chie, salamat sa pakikinig, sa mga advices at sa pangungumusta lagi. Leonard, natatawa ako sa ‘yo kahit brutal kang magbigay ng advice, pero sobrang na-appreciate ko kahit ganun. Gagu ka, at matuto kang gumalang dahil mas matanda pa din ako sa 'yo! Hahaha jowk lang! = D


**********


Isang taon na!

This is one reason why I still manage to smile and be grateful. Isang taon na ang pagkakaibigan ng mga GREENIES at LASHING HEROES! Woot woot!

Parang kailan lang nung unang nagkita-kita ang apat na Bloggers na sina Greenpinoy, Lethalverses, Chroneicon at ang pinaka-pogi sa apat (ehermmm!), si Ako. (Walang kokontra!) Tinawag kaming LASHING HEROES, at habang patagal ng patagal eh palaki ng palaki din ang barkadahan na tinatawag ngayon sa pangalang GREENIES.

Nami-miss ko na sila ng sobra. Ito ‘yung mga panahong gusto ko silang makasama at maka-inuman.

To more years of love and friendship, a toast!

LASHING HEROES



GREENIES



**********



Gusto ko din sanang pasalamatan ang mga taong humabol sa pagbibigay ng picture greetings para sa aking Berdei: Si Prinsesa000 at si Atty. Rosa. Kahit pasaway dahil hindi na-meet ang deadline, na-appreciate ko pa din. Sa susunod ko na lang isasama sa video. Hehehe. Salamats! = D


Atty. Rosa

Prinsesa000



14 comments:

  1. beys?????

    blog lang ng blog parekoy..

    pahinga lang.. preo huwag tumigil..

    ingatz!

    -jhaynee

    ReplyDelete
  2. sorry kung hindi mo ako maasahan ngayon sa mga pinagdadaanan mo...

    di tayo makapagsharing though isang banyo lang ang nakapagitan sa mga kwarto natin...

    ni hindi na nga tayo nagkikita sa loob ng bahay natin...

    darating din siguro yung time or sana nga dumating pa yung closeness na inumpisahan natin nun...

    i know a lot of things are running through our head, lot of things ang nagpapagulo sa mga damdamin...

    pero andito lang ako...di mo kelangang lumayo...

    ReplyDelete
  3. @ Jhaynee: Salamats. Hindi ko naman talaga kayang iwan ang Blogging. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, therapy ko 'to.

    ReplyDelete
  4. @ Lyzius: Salamats, but I do hope that you won't take it against you kung hindi ako nag-oopen sa 'yo o kahit kanino sa bahay. Ganito lang talaga ako 'pag may problema. Mas gusto kong mapag-isa. Hanggang kakayaning sarilinin eh kakayanin. Pero malalaman mo din. In time.

    ReplyDelete
  5. gasul, nandito lang kami kung gusto mo ng kausap. alalahanin mong serysoso din kaming tao. hahaha.

    pray lang at oo mga pagsubok lang yang mga pinagdadaanan mo ngayon. sos. lahat tayo eh mararanasan naman yan eh. hindi nga lang sabay sabay. may mga oras at may mga panahong darating din sa lahat iyan.

    wag ka lang makakalimot kausapin si Bro. hindi man sya nagsasalita para replyan ang sinasabi mo pero dinidinig nya yan at ibibigay sayo ang nararapat na sagot sa lahat ng sinabi at ipinakausap mo sa Kanya!


    God Bless Gasul. :)

    Popoy

    ReplyDelete
  6. you will find what you are looking for.. in due time...

    happy anniverysary and more power to come..

    showbies na showbies ang dting..ampotah.

    ReplyDelete
  7. haberdey sa inyong barkadahan!!! nakakabilib yung makabasa ng mga ganitong pangyayari sa blog...

    ReplyDelete
  8. akoy nagbalik...

    im not taking it against me naman...

    parang mejo guilty pa nga ako na kaka mongha ko these past few days, di ko namamalayan na me nagmomoments alone na pala...

    pareho lang tayo ngayong may pinagdadaanang emotional turmoil... pero i believe na malalagpasan din natin to...

    ReplyDelete
  9. halatang hindi nga kayo nagkikita ni lyzius sa bahay pards. kasi dito lang kayo naguusap eh. parang sa WWE lang, maguusap lang eh may camera pa. huwahahaha. biro lang! =D

    ReplyDelete
  10. Hapi anibersari sa lashing heroes! sa apat na yan ikaw na lang di ko nakaharap sa hapag inuman. harinawa ay makaharap din kita at mapatumba, gaya ng ginawa ko sa kanilag tatlo sa mga susunod na araw, linggo, buwan o taon. jowk lang! hahaha! :)

    ReplyDelete
  11. gasul keep it together! always remember there is someone in the world na mas grabe pa ang pinagdadaanan kesa sayo. plus i know you can do it. just keep moving forward!

    ReplyDelete
  12. parekoy...

    wala man ako sa mga oras na kailangan mo ko, isipin mo na lang na mas cute ako sayo.

    salamat sa pagkakaibigan parekoy!!! hanggang sa mas mahaba pang panahon ng barkadahan natin!

    mabuhay ang greenies!

    mabuhay ang lashingheroes!

    ReplyDelete
  13. "this too, shall pass. "
    belated nga pala...
    problema lang yan...
    top 3 unsolicited advice:
    1. tumatanda ka na, smile ka lang
    2. magpapayat ka konti, pwede ka pa magsayaw...(career change..)
    3. kung di mo na talaga kaya...let go..matatanggap ka rin nila eventually...

    peace!

    ReplyDelete
  14. wla naman masamang magpahinga.
    andito parin naman kami kahit wla ka.
    katulad ng eksena sa SPONGEBOB SQUAREPANTS:

    SPONGEBOB: anu ba ginagawa mo pag wla ako, patrick?
    PATRICK: inaantay kang bumalik. :)

    ReplyDelete