Wednesday, May 20, 2009

In Response


Dear Anonymous,

Alam mo ba kung ilang OFWs ang na-retrench sa buong mundo dahil sa economic crisis? Hindi mo alam? OK, ako din hindi ko alam. Hehe. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong bilang, pero ang balita ko, madami KAMI. ‘Yung iba patuloy pa ding lumalaban sa hirap ng buhay. Naghahanap pa din ng panibagong trabaho para naman patuloy na may maipadalang pera sa pamilya. ‘Yung iba, umuwi na ng Pilipinas at luhaan.

Natawa ako sa mga ipinahayag mo. Para kasing andami mong alam, at close kayo ng dati kong Boss. Meron ba siyang mga nasabi sa ‘yo na hindi ko alam? Para kasing siguradong-sigurado ka sa sinabi mo na kaya ako natanggal sa trabaho eh dahil sa performance ko, at hindi dahil sa economic crisis.

Hindi ko minamasama ang mga sinabi mo. Meron ka namang point eh. Mali nga lang, at hindi ako ang pwede mong tukuyin d’yan. Siguro sa iba posible, but not in my case. I was not the best employee in the team, but my performance was definitely not the reason for my termination. Sorry to refute your allegations.

Oo, meron na akong panibagong trabaho. Tinanggap ko na 'yung isang offer, and I already started last week (though meron pa din akong nare-receive na calls from other companies up to now scheduling me for interviews). Sobrang challenging kasi I was tasked to spearhead a new division. From conceptualization to execution, ako ang gumagawa. Bahala ako kung ano ang gusto kong mangyari, but of course with my Boss’ approval. I get the opportunity to build my own team as well. (Gusto mong mag-apply?) Kaka-pressure kasi sobrang mataas ang expectations, pero kailangang kayanin. At alam ko namang kakayanin ko din. ‘Di ba nga mayabang ako? Hehe. = P

Hayaan mo, babalitaan kita sa mga susunod na mangyayari sa 'kin at sa bago kong trabaho. Basa ka lang.

Isama mo na din ako at ang iba pang mga OFWs sa mga dasal mo, kung OK lang sa 'yo. Na sana patuloy kaming gabayan ng Diyos at pagbutihan pa namin ang aming mga trabaho para na din sa aming pamilya at mga mahal sa buhay.

Pwede ba? Salamat in advance. = D


Cheers,

The Gasoline Dude





(Para sa comment ni Anonymous,
click here.)

52 comments:

  1. Napanganga naman ako sa comment ni Anonymous...

    hayaan mo na un.. ang mahalaga may work ka na ulit.

    do your best. hindi mo kelangang i-prove ang sarili mo sa kahit sino. basta work lng ng tama. ingatan ang sarili. pangalagaan ang dignidad at dangal. kahit anupang batikos ng kahit sino... pakialam nila!

    tuloy lng ang pagpapapogi... sulat lng ng sulat. mas madaming humahanga sayo. mas madaming naghihintay ng mga isusulat mo pa. mas madami kaming nag-aabang.

    ingat jan gasdude!

    ReplyDelete
  2. Una ako sa comment ah!Well, bro una sa lahat bakit pinatulan mo pa yung anonymous na yun!Eh mukhang nagpapansin lang sa iyo.Pangalawa, tyak hindi sya OFW dahil di nya alam ang epekto ng global crisis sa ating OFW. Kasi sa ibang kumpanya inuuna nila ang ibang lahi kaysa sa kanilang nasyonal.Kaya naapektuhan tayong dayuhang manggagawa. Pangatlo, alam nya siguro ang LIFO (last in, first out). Pang-apat kaya nga sya naka-anonymous kasi ayaw nyang ipaalam kung sino sya, kaya malamang di katotohanan yang sinasabi nya.
    Bro you dont need to explain and defend yourself. Kasi alam naman dito sa blogosphere kung sino si Gasdude.Hehehe
    Pre painom ka naman dyan!!

    ReplyDelete
  3. @ A-Z-E-L : Salamat ng madami. Medyo nahihiya ako sa 'yo kasi ansipag mong bumisita dito eh ako bihira na akong makapag-bloghop. Hindi na din nakakasagot sa mga comments. Pero salamat sa suporta.

    ReplyDelete
  4. @ Drake: Sorry P're pero hindi ikaw ang una. Nyahaha! Naunahan ka ni A-Z-E-L. *LOLz*

    Naging mahinahon pa naman ako sa pagsagot ke Anonymous, 'di ba? Haha. Saka blog entry din 'to, sayang naman ang update. Hehehe. Salamat sa laging pagbisita. = D

    ReplyDelete
  5. Aba hindi din pakilamera/ro si anonymous no? Yaan mo na buti positive ang ganti mo. Ayan at nagka entry ka pa.

    Cool!

    ReplyDelete
  6. @ Bingkay: Oonga hahaha nagtatampo na kasi minsan 'tong blog ko. Bihira ko na lang mabisita. Hehehe salamats sa pagdaan! = D

    ReplyDelete
  7. palaban ahhh...
    teka, di ko alam kung saan nagsimula to..(my issue ba? lols pasensya na nachimax lang sa Post..)

    ahhhhh hindi lang sya ang mag-aabang sa mga mangyayari sa teleserye ng iyung totoong buhay parekoy... kami din.. madami kami... mga taong walang ibang libangan kundi makialam at makibasa sa kwento ng buhay ng may buhay!

    kaya yan!
    goodluck sa bagong trabaho..

    ReplyDelete
  8. Talagang may mga taong walang magawa sa kanilang buhay... Hmmmn...maganda ang pagkasagot mo kay anonymous...

    ReplyDelete
  9. Sana di mo na lang pinatulan.. tingnan mo sumikat tuloy si anonymous.. hehehe

    anyway, good luck sa bago mo trabaho... at gusto ko mag-apply!!!

    ReplyDelete
  10. talagang mas malakas ang chismisan sa opisina kaysa sa mga longkatuts ng mga kapitbahay dude. its normal. hehehe.

    ReplyDelete
  11. okz lang yan kuya alexander... ang mga tao laging may sasabihin.... human nature na tlgah minsan... juz do 'ur best and God will do d' rest... =) i'm glad may new job ka na palah... nd yeah dehinz madali ang maging OFW... kaya naman saludo akoh sa inyoh... Godbless! -di

    ReplyDelete
  12. Matagal nang di nawiwindang ang bangs ko. Ngayon lang ulit dahil sa comment ni anonymous. Parang maling gasolina yata ang gamit nun kaya hindi kumapit ang brake. Walang preno eh. Hehe. Naku kuya, go lang ng go. Panalo ang response mo. Patayin mo siya ng iyong kabaetan. Magyabang ka pa nang mamatay siya sa ingget. Nyahaha.

    ReplyDelete
  13. ay marami talagang mga pinoy na embes na manalangin na umangat ang kapwa ay pipillin nalang na magdusa sa problema..yun ang nakakainis dahil utak talangka talaga ang nakakarami sa atin

    go lang ng go gasdude....kahit anong panira pa ang sabihin nila, I know malakas ka kay Bro. You had God as your back up..

    and the uber sooo angas frends like me..lols

    ReplyDelete
  14. hindi kaya si Anonymous ay yung boss mo dati? haha

    ReplyDelete
  15. Matagal ko naring sinusubaybayan ang bawat post mo.. nanahimik lang ako..hehee pero naisipan ko ng magkumento..

    IKAw naman po ang higit na nakakakila sa kakayahan mo .. kaya kahit anung sabihin pa nila ...simpleng ... alin? HAh? May sinasabi ka? Anu 'yun? Pakiulit... hehehe Kung ako sa iyo tawanan mo na lang iyang ganyang moment. :) Buti na lang 'di ka nagliyab.

    Minsan talaga kapag nagsabi ka ng negative na nangyari sa iyo meron at meron na mag-aakala na ang baba mo at madaling tapakan.. Maling akala!! hehe

    Good luck po sa work mo..

    ReplyDelete
  16. Ayan nagyabang na naman.

    Alam mo ba kung kailan nagsimula ang world recession? Well magbasa ka para malaman mo. Pero bibigyan kita ng konting lecture -- nagsimula ito bago ka pa matanggap sa huli mong pinasukan. Ergo nung matanggap ka sa una mong trabaho dyan sa SG, recession na nun.

    Kung na hire ka nung recession, don't tell me na recession din ang dahilan kung bakit ka natigbak. Okay lalaliman ko pa ng konti. Ngayon na hire ka na naman uli, tandaan mo, recession ngayon. Pag natigbak ka na naman dyan sooner or later, don't tell me na dahil na naman sa recession.
    Sa profile mo, di ka na naman tatagal dyan sa bago mong work. Bakit? Ipapaliwanag ko sa yo later.

    Correct me if I'm wrong, bago ka natigbak sa unang trabaho, nalipat ka muna sa ibang departamento. Sales department ba?
    From human resource department ba?
    Tama o mali? Uhugin ka pa when it comes to corporate world. Alam mo ba na sa corporate world, isa sa mga tactics kung gustong magtanggal ng empleyado eh ilipat muna ang empleyado sa ibang department? Hindi mo alam? Uhugin ka pa nga kasi.

    At isa sa pinakamadaling paglipatan sa mga taong tatanggalin ay ang sales department. Bakit? More often than not, kung uhugin ang empleyado, gaya mo, he won't survive. Yan ang nangyari sa yo, inilipat ka with the end point na tatanggalin ka later -- hindi dahil sa recession.

    Now. You are telling me na you were hired again to spearhead a new division. Utot mo! Division head ba kamo? O simpleng team leader lang? Liwanagin mo para hindi ka lumabas na nagyayabang.

    From being laid off to division head? Wow! Tanga lang maniniwala sa yo.

    Whatever, as I told you, hindi ka rin magtatagal dyan. Bakit? Hint - because of your profile. Ipapaliwanag ko later pag tsugi ka na uli.

    Cheers!

    ReplyDelete
  17. dear anonymous,

    sa tingin ko sa comment mo may personal kang galit kay alex. pero yong una mong ginawang comment, fowl yun.. stepping on a man when he's down.

    gaya ng pagutos mo kay gasul na hanapin sa dictionary ang salitang "recession", ikaw mismo hanapin mo rin ang katagang "empathy".

    sana lang marealize mo that your biting comments only make you look like that little crab at the bottom of the pile, pilit na hinihila yong iba pababa.

    -UM

    ReplyDelete
  18. Quote ko lang yung tanong mo: "Alam mo ba ang corporate world?". Ikaw, alam mo ba yun. Kung alam mo ang corporate world hindi ganyan dapat ang tabas ng bibig mo. Walang modo. At ibig sabihin nyan, wala kang pinag-aralang tao, at tambay ka lang sa computer shop kaya puro wikipedia ang inaatupag mo. Pero ikaw pa rin ang nagmukhang tanga kasi mali ang mga resources mo. May tagas din ang common sense mo, kasi sa corporate world, they do business at di sila nagpapalakad ng foundation, kaya kung tatangalin ka nila tatangalin ka nila. Kung nilipat si Gasul sa Sales Department ibig sabihin ay may nakita silang potensyal.Kaya sya inilipat.

    Teka may alam ka ba talaga sa corporate world, epal ka? Bat di mo alam yun.

    Alam mo wag kang pagpakaintelektwal kasi hindi halata sa iyo. Kasi Mas nagmumukha kang napakatabang alimango na masarap iluto at kainin.Tapos didikdikin ng pinong pinong para di na manipit ulii.

    ReplyDelete
  19. Dear Anonymous 1,

    Quote ko lang yung tanong mo: "Alam mo ba ang corporate world?". Ikaw, alam mo ba yun. Kung alam mo ang corporate world hindi ganyan dapat ang tabas ng bibig mo. Walang modo. At ibig sabihin nyan, wala kang pinag-aralang tao, at tambay ka lang sa computer shop kaya puro wikipedia ang inaatupag mo. Pero ikaw pa rin ang nagmukhang tanga kasi mali ang mga resources mo. May tagas din ang common sense mo, kasi sa corporate world, they do business at di sila nagpapalakad ng foundation, kaya kung tatangalin ka nila tatangalin ka nila. Kung nilipat si Gasul sa Sales Department ibig sabihin ay may nakita silang potensyal.Kaya sya inilipat.

    Teka may alam ka ba talaga sa corporate world, epal ka? Bat di mo alam yun.

    Alam mo wag kang pagpakaintelektwal kasi hindi halata sa iyo. Kasi Mas nagmumukha kang napakatabang alimango na masarap iluto at kainin.Tapos didikdikin ng pinong pinong para di na manipit uli.

    ReplyDelete
  20. "Kung tatanggalin ka nila, tatanggalin ka nila"

    Tama pero mali. Kailangan may proseso. Hanapan mo ng butas, ilagay mo sa sales. Pag di bumenta, terminated for a cause.
    Not because of recession.

    Remember, may labor law.

    Alam ni Gasul yan. Di nya lang aaminin.

    ReplyDelete
  21. Anonymous 1,

    Proseso???May kakulangan ka rin no! Ang proseso ng pagtanggal ay pagbibigay ng 30 days notice, at dinadaan ito sa MEMO. At pagrere-assign ng position ay hindi proseso, timang!!! Pagbibigay lang ito ng ibang opsyon kung maaring maging epektibo sya sa ibang departamento. Prebilehiyo yun at opsyon hindi proseso, timang!!

    Teka may alam ka ba talaga?? San ka bang kumpanya nagtatrabaho at di mo alam ito? Corporate World daw oh?? Eh common sense nga wala ka, paano ka mapapabilang sa corporate world? Isang dakilang tambay ka lang talaga sa Internet Cafe!!!

    ReplyDelete
  22. Anonymous 1,

    Anong labor law yun?? ipost mo nga dito. Eh kahit anong bansa ka pa, walang ganung labor law!!
    Ang termination of service on both parties (employee or employer) kailangang may notice hindi re-assignment ng position. Timang!!

    LAW-LAW MO KALBO!!

    ReplyDelete
  23. Aba may sumasawsaw at may nagpapaka dalubhasa.

    May abugado si Gasul at mukhang palaban. Hirap kalaban to, laluna walang alam.

    Hulaan ko, pareho ka ring uhugin ni Gasul.

    Tama o mali?

    ReplyDelete
  24. Medyo may mga bagay na ginagamitan ng salitang "COMMON SENSE" at malamang wala ka nun!Try mong bumili sa tindahan baka may mabili ka pa.

    Medyo ako na papatol sa iyo kasi medyo nagpapaka intelektwal kahit mukha namang puro aligi lang ang laman ng utak mo, TALANGKA KA!!

    Huhuluan ko rin puro ka uhog at kulangot sa ilong!! Kasi nalulusaw na utak mo at sa ilong dumadaan.

    ReplyDelete
  25. At least inamin mo uhugin ka.

    Good enough.

    ReplyDelete
  26. At least inamin mo rin na ikaw ay TALANGKANG WALANG UTAK AT WALANG COMMON SENSE

    Good enough.

    ReplyDelete
  27. HMMM... HALA MAS MAINIT PA SA SWINE FLU AT KATRINA-HAYDEN SCANDAL ANG NANGYAYARI DITO :)

    ANYWAY, GUSTO KO LANG MAG-HELLO KAY ANONYMOUS.:) PERSONAL NIYO PO BANG KAKILALA SI KUYA GAS DUDE? KASI KUNG RANDOM READER KA LANG NG BLOG NIYA AT HINDI KA NAMAN TALAGA INTERESADO SA BUHAY NIYA AT SA SINUSULAT NIYA EH MALAMANG HINDI KA NA BABALIK PARA TINGNAN KUNG MAY UPDATE BA SIYA O WALA.

    ANYWAY, I RESPECT WHATEVER YOU SAID KASI IKA NGA EH "OPINYON MO 'YAN." OBSERVATION MO YAN. :)

    PERO BAKA NAMAN PO GUSTO MO RING SILIPIN ANG ISANG ANGGULO NG PREVIOUS POST NI KUYA GASUL KUNG SAAN KA UNANG NAGKOMENT. OKAY, IPAGPALAGAY NA HINDI NGA SIYA NAGPERFORM KAYA SIYA NATANGGAL. PERO I THINK HINDI TALAGA YUN ANG POINT KUNDI ANG POSITIBONG PAGTANGGAP NIYA SA ISANG MALUNGKOT NA INSIDENTE SA BUHAY NIYA. SABIHIN NA RIN NATIN NA MAYABANG SIYA. AMINADO NA NGA SIYA EH. HAHA.KAYA DEADMA NA. PROUD LANG TALAGA SIYA SA NAGING EXPERIENCE NIYA. AYON SA AKING NAKITA HINDI NAMAN 'YUNG PAGMAMAYABANG ANG NAG-STAND OUT SA POST NIYA. NAKAKA-INSPIRE NGA EH. IN FACT KUNG ISA KANG OFW NA NA-RETRENCH EH MAKAKAKUHA KA PA NGA NG TIPS SA POST NIYA KUNG PAANO MO IMAMANAGE ANG SARILI MO KAPAG BIGLANG SINABIHAN KA NG BOSS MO NA MAG-ALSA BALUTAN KA NA SA TRABAHO. POSITIBO AT HEALTHY ANG PAGYAYABANG NA GINAWA NIYA. ME ALAM AKONG NAGPATIWAKAL AT NAPARIWARA DAHIL SA SOBRANG PAGKA-DEPRESSED DAHIL NAWALAN NG TRABAHO AND I KNOW, MARAMI PA JAN ANG SOBRANG NAGDADAMDAM DAHIL NATANGGAL SILA SA TRABAHO. THEREFORE, DAPAT NILANG BASAHIN ANG POST NI KUYA GASUL. HIS EXPERIENCE IS SOMETHING TO BE PROUD OF. IT'S SOMETHING THAT THE WORLD SHOULD KNOW BECAUSE IT CAN INSPIRE PEOPLE.

    *PASENSYA NA PALA SA ALL CAPS. :) NAGMAMADALI EH. :)

    ReplyDelete
  28. "Ang proseso ng pagtanggal ay pagbibigay ng 30 days notice, at dinadaan ito sa MEMO. At pagrere-assign ng position ay hindi proseso, timang!!!"

    --------

    Ang puso mo. You're missing the point, pero super duper ang ngitngit mo. Hehe.

    Okay, para sa kapakanan mo -- ang lahat ng pagtatanggal sa trabaho ay nagsisimula sa isang VALID CAUSE (or reason).

    Kung nasa human resource department ka, mahirap i-quantify kung ano ang magiging valid reason sa pagtanggal sa 'yo, laluna't regular employee ka.

    As I said ang isang taktika -- makinig ka at intindihin ang sinasabi ko, bago ka ngumalngal -- inililipat muna ang isang tao sa isang departamento na kung saan makikitaan sya ng isang reason, a valid reason that will stand in any court.

    Pag sa sales ka inilipat, easily quantifiable ang performance mo dun dahil pag hindi ka bumenta, whether recession or hindi, axed ka.

    Meron pang mga ibang taktika to get rid of an unwanted employee. Pero hindi ko muna sasabihin sa yo, baka magmarunong ka na naman.

    Kung ang sinasabi mo na ang pag-reassign ng position ay hindi proseso para tanggalin ang isang manggagawa, para mo na ring sinabing uhugin ka pa nga talaga at kahapon lang ipinanganak.

    At mind you, never aamin ang isang manager na inililipat nya ang isang empleyado sa isang departamento para tanggalin. Bakit? Magwala ka muna, sasabihin ko.

    Uhugin, kung sasabihin mo na ang pagtanggal ng empleyado ay pagbibigay ng memo 30 days in advance lang, uhugin ka nga talaga. Bakit? Kinalimutan mong sabihin ang pinaka importanteng element -- which happens to be "valid reason."

    Eto pa, para sa kapakanan mong nagmamagaling at nagpupuyos sa galit. Pwede kang tanggalin right there and then kung serious offense ang reason sa yo, like stealing or robbery.

    Yan ang sinasabi ko -- recession itself is not a valid reason para sabihin mong ito ang nagtanggal sa yo sa trabaho.

    Gasul, hindi naman kayo sa opisina natanggal lahat eh. Hindi naman kasi nagsarado ang kumpanya nyo. Sasabihin mo LIFO (last in first out)? Tell that to the marines.

    Kung huli kang na hire sa kumpanya at nagkaron ng krisis pero super duper ang performance mo do you think tatanggalin ka?

    More than a year of blogging medyo nahasa ang pagsusulat mo.

    Pero learning to form words and phrases at writing with substance are two different things.

    Some of your readers will know kung yabang lang ang sinasabi mo.

    I don't mind hearing hot-air-baloon claims. Just make sure totoo ang yabang.

    Enuf said?

    Cheers!

    ReplyDelete
  29. Gasdude, makikisali na rin ako. haha

    kay ANONYMOUS:

    konting RESPETO naman dyan.
    sa talino mong yan, alam mo na siguro ang ibig kong sabihin.
    walang basagan ng trip.
    walang lugar dito para sa mga taong bastos.
    kung wala ka rin lang namang magandang sasabihin, shatap na lang kasi nakakabulahaw ka na.

    ReplyDelete
  30. Anonymous,

    I respect your opinion. What I don't understand is your motivation to lambast me in my own blog. Para kasing anlaki ng galit mo sa 'kin. At parang tinatawag mo pa akong sinungaling.

    In the first place, I'm just sharing my experiences. That's one of the main reasons why people are blogging, right? Gusto ko din sanang maka-inspire ng ibang tao, especially my fellow OFWs, to remain strong and confident despite all the adversities kasi hindi naman talaga biro ang pagta-trabaho sa ibang bansa. Sobrang mahirap, at madami kang kalaban! Depression. Adjustments. Competition. Culture Clashes. Madami pa! Kung naging OFW ka, alam mo 'yang mga 'yan.

    If you find my posts too strong at sobrang mayabang ang dating, then bear with it! This is my life! And this is my blog! I had to learn it the hard way. I cannot afford na maging mahina at this point in my life. Hindi na ako bata, at madami na din akong pinagdaanan. Sa hirap maging OFW, kung naging mahina ako eh siguro matagal na akong umuwi ng Pilipinas. Or worse, matagal na akong tumalon sa bintana at nagpatiwakal.

    You yourself is missing the point. I am not blogging to brag about my achievements. Hindi ako nandito para magyabang. Aminado akong mayabang ako, but it doesn't define me wholly as an individual. (I still have some other great stuff in me, 'yah know.) This blog in itself is only but a fraction of what my total being is all about.

    Pero ewan ko, I'm still not getting it. I know my blog is public and everyone can read it, but I don't know why you keep on judging and lambasting me, despite the VERY little information that you have about me, the different organizational structures, business set-ups, management styles, human resources, foreign employment and last but not the least, the global economy. Your opinions on these matters definitely show how "non-expert" you are (ayoko sanang gamitin 'yung word na "ignorant").

    Anyways, I still want to thank you for sharing your thoughts. Effort din 'yan coming from a reader.

    I wish you good life.


    Best regards,

    The Gasoline Dude

    ReplyDelete
  31. Para kay anonymous1,

    May pagkatanga ka rin noh! Ang isang OFW (Overseas Contract Worker) ay contract based at kung mababasa mo sa kontrata pwedeng iterminate ng both parties ang contract nila even without valid reasons. Prerogative yun ng contract worker at ng company.
    Hindi tulad ito sa atin sa Pilipinas na walang kontratang pinipirmahan. Kaya di na kilangan ng valid reason para dito. Timang. Kung gusto mo basahin mo ang mga kontrata ni Gasdude. Teka nagtrabaho ka na ba sa Singapore at nagmamarunong kang talangka ka.
    Kung ano mang taktika yang sinasabi mo na yan, malamang pinagdaanan mo na yan. At siguro lagi kang nateterminate kaya ka ganyan.
    Hoy, gumawa ka nga ng sarili mong blog at doon ka maglecture wag dito. Palibasa masyado kang nagpapansin. Eh swerte mo pinatulan kitang TALANGKA KA!!!!

    Tongtong pakitongkitong!!

    ReplyDelete
  32. Gasul!!!

    wala akong pakielam kung sinong kesihoda pa yan at kung anong status nya sa buhay at kung ano mang grudges meron sya laban sayo ...

    teka o baka naman isa yan sa mga babaeng pinaiyak mo before? (devilish grin)

    anyway... ang gusto ko lang sabihin is that ITS YOUR BLOG and you have all the right to filter comments. Hindi mo naman kailangang i-approve ang mga derogatory remarks at mga negative na below the belt.

    and hindi mo kailangang sagutin! although kelangan mong ipagtanggol pa rin ang sarili mo... di ba? it happend din sakin before and i think u know that story..

    anyway... ITS YOUR BLOG kaya you have all the rights para gawin lahat...

    sadyang may mga tao lang na sa sooobrang alam nila na walang kwenta yung sasabihin nila e hindi nila magawang magpakilala. diba? ISA ITONG ANYO NG SUKDULANG KARUWAGAN SA BUHAY!!! kung may sasabihin kang negative sa blogger .. magpakilala ka... ampota e malay natin ganun din pala sya. or malay mo even worse..


    CHEERS!

    ***

    natawa ako sa tong tong tong pokitong kitong.. hahaha...

    ReplyDelete
  33. "May pagkatanga ka rin noh! Ang isang OFW (Overseas Contract Worker)"

    Hala, meaning lang ng acronym na OFW eh Overseas Contract Worker daw. Tanga nga siguro ako. Hehe.

    "...contract based at kung mababasa mo sa kontrata pwedeng iterminate ng both parties ang contract nila even without valid reasons."

    Hehe... ayokong sabihin kung bakit nakakatawa, hulaan mo. Tanong: sino sa atin ang nagmamarunong?

    "Hindi tulad ito sa atin sa Pilipinas na walang kontratang pinipirmahan."

    Huh?! Hehehe uli... Tanong: have you ever worked before?

    "Kung gusto mo basahin mo ang mga kontrata ni Gasdude."

    Hehehe... Suggestion: why don't you request him to scan his latest "division manager" work contract then publish it for all to see? Parang I find it strange na aminadong s'yang mayabang, pero nagwo work na pala sya as "division manager" eh hindi pa nya nabanggit.

    Gasdude, what can you say? Dare?
    Hehehe.

    Getting to be interesting...

    ReplyDelete
  34. "Gasoline Dude™ at habang patagal ng patagal, lalong nagiging lame ang comments niya."

    Haha.. look who's talking!

    ReplyDelete
  35. When you start seeing an increase in negative comments don’t look at this in a bad way, remember this is a sign of a blog maturing and growing. -NABASA KO PO DITO... http://www.shaunlow.com/handle-negative-comments-in-your-blog-with-professionalism/

    ReplyDelete
  36. PARA SA UNANG ANON! I WANT TO RAISE MY MIDDLE FINGER! MASYADO KANG PAKIALAMERO/RA. SANA TAMAAN KA NG SWINDE FLU!

    ReplyDelete
  37. Taympers:

    Thanks... but I prefer to let you be the recepient of your middle finger. Eat it heartily if you wish.

    Also, watch your spelling, SWINDE FLU what?

    ReplyDelete
  38. ANONYMOUS 1: AKALA MO KUNG SINO KANG MAGALING E MALI DIN NAMAN SPELLING MO NG "RECIPIENT". SINO KAYANG NAGMUMUKHANG TANGA NGAYON? WATCH YOUR SPELLING, BITCH.

    RECePIENT WHAT? HAHAHA.

    ReplyDelete
  39. Para naman may maibato ka pabalik.

    Recepient = swinde flu.

    Nakuha mo punto?

    ReplyDelete
  40. Dear All,

    Wag na nating patulan si Anonymous, kasi sumisikat lang sya. resputuhin na lang natin ang blog ni Gasdude.

    Kung sakaling papansin si Anonymous1 hayaan nyo na lang. May karma rin ang lahat. Malay mo isa pala syang casualty rin ng recession at naiinggit kay Gasdude kasi sya may trabaho na, at sya naman wala pa.

    Wag na nating patulan, sabi nga pag pinatulan ang baliw ay mas baliw daw sya. Eh papayag ba kayong maging baliw. Hayaan mo na lang sya. Sya na lang ang baliw.

    Sa iyo Anonymous1 God bless, at kunin ka na sana ni Lord.

    Ingat ka lagi Anonymous1, tatanga tanga ka pa man din.

    ReplyDelete
  41. Nagsalita ang hindi anonymous.

    Talk about idiocy.

    ReplyDelete
  42. naku dami ko na palang namiss...naging busy lang lately kaya di gaano nakakapag blog hop...

    ayus dude sikat ka na talaga...hahaha me stalker...at effort kung effort sa pagtambay sa blog mo...

    sabi nga nila, ang puno (tree) na hitik daw ng bunga (fruits) ang laging binabato...

    o-ha kelangan ko icheck ang bawat spelling ng comment na to at baka ibalik sa akin ng iyong masugid na stalker...

    tama yung ibang nagcomment dude, mejo parang me personal ngang galit sayo ang stalker mo na yan...

    me mga reactions lang ako sa mga sinabi nya...

    1. Nung na hire ka sa unang work mo dito sa SG if im not mistaken eh August-September di ba? hindi ko kasi sure ang exact date, pero sa pagkakaalam ko hindi pa tinatamaan ng Economic Crisis ang Singapore that time... dahil sa pagkakatanda ko, tumama ito ng husto sa singapore sometime in november....

    2. Hindi ba alam ng stalker mo na since maraming naapektuhang company sa singapore na nagre-trench ng company o nagsara na ng tuluyan eh malamang isa o higit pa dun ang hawak na kumpanya ng company nyo? di ba ganun yun parang subcon kayo sa HR supply ng mga company...so domino effect lang talaga yun na kapag yung client nyo eh bumagsak eh malamang malaki ang impact nito sa company nyo?

    3. As ive said nga eh umeffort tong stalker mo dude at talagang nag aaksaya ng panahon nya na bumalik ng bumalik dito para sumagot sa mga comments...eh simple lang naman ang rule dito sa blogging world, kung ayaw mo ng binabasa mo eh madali lang naman iclick ang x button dun sa upper right corner ng page na ito...ganun lang kasimple...

    Yun lang...ano naman kaya ang ibabato ng stalker mo sa akin just in case na babalik sya dito sa blog mo?

    ReplyDelete
  43. No comment, dyosa.

    Kaw pa, idol kaya kita.

    ReplyDelete
  44. Break muna for an advertisement!

    Join kayo sa PEBA! http://www.pinoyexpatsblogawards.com/
    and KaBlogs: http://thoughtsmoto.blogspot.com/

    ReplyDelete
  45. Sa totoo lang mukhang bakla yang c Anonymous 1. Mukhang crush niya si Gasul pero unrequited yata ang kanyang pagtingin kaya ganyan lang ang galit niya. aminin mo na 'nymous.

    ReplyDelete
  46. Malamang vading ka nga.

    O di va?

    ReplyDelete
  47. Ahaha, binalikan ko pa yung entry mo before this kasi parang marami akong namiss. Hay naku sir gas dude! bayaan na yung mga ganyang klaseng tao. sila yung mga papansin at walang magawa sa buhay. alam natin kung anong worth natin at mas kilala natin ang sarili natin kesa sa mga taong hanggang "anonymous" na lang. am so glad na nakakarecover ka na pati na rin ibang kababayan natin. crush ka siguro nung anonymous na yun, dimo pinapansin. haha pansinin mo kasi. =P

    ReplyDelete
  48. hahaha dude, syempre nag comment ako bago ko binasa yung ibang comments!! kakatuwa naman tong blog mo parekoy!! sikat ang lolo mo!!

    ReplyDelete
  49. habang tumatagal mas lalong umiinit ..

    ReplyDelete
  50. Ayyy!! Away na toh! Actually may point si Anonymous...

    Pero not TOTALLY... Hindi lahat ng empleyado natatanggal because of PERFORMANCE! KAHIT NA IKAW NA NO.1 EMPLOYEE pero kung di naman kaya bayaran ng kumpanya ang sweldo mo diba?

    And man-power is another thing. Kahit na ikaw ang No.1 Employee eh yung sweldo mo naman eh pang 10 na tao, diba? Unless ikaw si superman at kaya mo gawin ng trabaho ng sampung tao?

    There will be other reasons why natanggal ang isang tao, pero not because of PERFORMANCE always...

    Diba Gasdude?

    Hindi ako naniniwala na tinggal ka dahil sa PERFORMANCE... Naniniwala ako na kaya ka natanggal dahil sa face-value...

    May face-value naman si Gasdude pero hindi kasing taas ng sa akin...

    Eniwei ang importante madame na tayong Pera Gasdude... May pambili tayo ng pagkain pang araw araw... May pang gimik tayo hindi ung puros pag cocomment ng hindi maganda... at net na lang ang buhay... Maayus ang tinitirhan, maayos ang kalye, walang squater, walang nagpapatayan, kung meron man bilang sa daliri natin... walang basura sa at malinis na hangin...

    Mag-yabang man tayo, at least sigurado tayong may ipag yayabang tayo. At minsan ang pagyayabang natin, ang nagtutulak sa ibang tao na magpursige na umangat at talunin tayo...

    Kaya ako, AKO MISMO! ANG MAY YABANG!

    PS
    OFW means OVERSEAS "FILIPINO" WORKER ... wala akong inaaway tinama ko lang ehehehehehehe

    ReplyDelete
  51. hayaan mo na, ala lng siguro siyang trabaho he he. good luck! just do your best.

    ReplyDelete