Thursday, May 28, 2009

Roller Coaster


Nanaginip ako kaninang umaga.

Kanina kasing alas-kwatro, na-alimpungatan ako. Lagi akong ganun. Nagigising kapag dis-oras na ng gabi. Kaya kanina, pinilit kong hindi na makatulog ulit dahil alam kong mas lalo lang mahihimbing ang tulog ko. Kailangan ko pa namang pumasok ng maaga sa opisina.

Ang ginawa ko, binuksan ko ang Internet at nanood na lang ng football. Final game na kasi, Manchester United vs. Barcelona. (Talo ang Manchester. 2-0. Ampf.)

Pero dahil na din siguro sa sobrang pagod at antok, nakatulog ulit ako.

Nagising na lang ako sa loob ng MRT. Gabi na, at sobrang andaming tao. Hindi ko lang malaman kung MRT ba ito sa Pilipinas o dito sa Singapore. Pero ang alam ko, pauwi na ako nun ng bahay.

Bigla kong nakita si Mama. Nagulat ako. Naisip ko, bakit nandito siya sa tren? Saan siya galing? Habang papalapit ako sa kanya, mas lalo kong ikinagulat ang nakita ko. Aba, kasama niya si Papa! Huh?! Buhay si Papa?! Pareho silang nakangiti at parang nagbubungisngisan. Naging masaya naman ako nung makita ko silang dalawa dahil mukha din silang masaya pareho.

Huminto bigla ang tren. Bumukas ang mga pinto. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nadala ako palabas ng MRT. Teka, hindi pa ako bababa! Hindi pa 'yun ang istasyon na kailangan kong babaan! Malayo pa ito sa bahay namin! Wala naman akong nagawa. Andami kasi sobra ng taong nagmamadaling makalabas ng tren at makababa sa istasyon na 'yun. Nahiwalay tuloy ako sa mga magulang ko. Naiwan ko sila sa loob ng tren.

Pero nagpumilit pa din ako. Pilit kong inilalapit ulit ang sarili ko sa tren kahit nagsimula ng umandar ito. Ang nasa isip ko nun, gusto ko silang makasama. Kailangan ko silang maabutan.

Ang ginawa ko, lumusot ako sa kung saan-saan. Patakbo kong sinuong ang kung anu-anong 'shortcuts'. Merong malawak na daanan, meron ding makipot. Hindi ko alam kung nasaan na ako, pero takbo pa din ako ng takbo. Hanggang sa makakita ako ng isang rollercoaster.

'Yun na ata ang pinaka-malaki at pinaka-mahabang rollercoaster na nakita ko. Mas malaki pa sa Space Shuttle na nasa Enchanted Kingdom. Kakaiba din siya. DAGAT ang nasa ilalim! Kung titingnan mo, sobrang nakakatakot ang sumakay lalo pa't tubig ang babagsakan mo 'pag nagkataon (Paano na lang 'pag nahulog ako eh hindi ako marunong lumangoy?). Tapos gabi na nun, madilim na ang kalangitan at paligid. Hindi tatagal dun ang mga mahihina ang puso.

Pero ang nasa isip ko, gusto kong sumakay. Kailangan kong makasakay sa rollercoaster na 'yun.

At 'yun nga ang ginawa ko.

Ang saya! Sobrang haba ng course na dinaanan ng rollercoaster! Tapos iba't-ibang slopes, iba't-ibang turns. Exciting sobra! Rawr! Hahaha. Sigaw ako ng sigaw, pero hindi ko maialis ang ngiti ko sa mga labi. It was one of my best experiences! Ang hirap i-explain ng naramdaman ko habang sakay ako dun, pero nung matapos na, gusto kong umulit pa.

Nang makababa na ako, naisip ko na ulit sina Mama. Naiwan na ata ako ng tuluyan ng tren na sinasakyan nila. Pero kailangan ko pa ding humabol sa kanila...

Ayun, nagising na ako ulit.

12 comments:

  1. Roller Coaster siguro sa Ocean Park sa Hongkong. kase sa ilalim nun dagat...

    kumustahin mo mom mo.. baka namimiss ka na kaya nagpakita sa dream mo.

    ReplyDelete
  2. nalulungkot ako kapag may mga nahihiwalay sa magulang.

    nakakatakot naman ang panaginip mo......


    takot kasi ako sa dagat kapag gabi. hehehe. =D

    ReplyDelete
  3. una...ano kaya ang mangyayari kung nahulog ka sa roller coaster? tutal naman eh panaginip lang, malunod ka kaya? o duon ka matutong lumangoy bigla?

    call your mom, she's missing you and you're missing her as well for sure!

    ReplyDelete
  4. namiss mo lang magulang mo.. siguro medyo nag-eenjoy ka lang dyan masyado... nagpapaalala lang sila...

    o kaya'y gusto mo lang makasakay ng roller coaster...

    di ko lam... di ako marunong maginterpret ng panaginip... hehehe

    ReplyDelete
  5. interpret ko panaginip mo kuya, hehe.. kasi dba lately, stressed ka.. bagong work, bagong responsibilities tapos me nang-aaway pa sau na ayaw naman magpakilala (duwag?).. well eniwei, ninong and ninang want you to know na hindi ka nag-iisa sa lahat ng laban na susuungin mo (naks, ang lalim neto, hehe.)..at masaya sila para sau kasi lam nilang masaya ka jan.. :)

    ReplyDelete
  6. Hinihintay ko yung part na mahuhulog ka sa dagat tapos mababasa ka, tapos magigising ka at marirealize mo na basa ka nga...kasi nawiwi ka na pala. Hahaha!

    Nabsa ko pala ang previous post abt Anonymous. Sinasabi ko na nga ba, tama ang impression ko sayo dati na mayabang ka! Jowk! hahaha.

    Eto, Seryso. You don't have to explain yourself to anyone and everyone. We can't please everybody so, wapakels na lang. kanya-kanyang trip lang yan.

    ReplyDelete
  7. aba aba aba! at may nalalamang approval na ng comment ha? bago to! mukhang natraumatized ka ni Anonymous. hahahaha!

    ReplyDelete
  8. wow
    detalyado ang panaginip ahh..
    madalas kapag ako ang nananaginip, hindi ko na natatandaan kapag nagising ako...
    basta paggising ko, alam kong nanaginip ako pareko di ko alam kung anu yung napanaginipan ko.

    at sa Football, taena... nanood din ako parekoy... oo nga talo ang manok ko.

    ReplyDelete
  9. well we know na ang life eh parang roller coaster lang... paliko liko ang daan.. minsan kakahilo.. minsan nasa taas kah... minsan nasa baba... paikot ikot lang ang buhay... pero kahit nasan kah man... ano man ang situation moh sa buhay... mapalayo ka man sa magulang moh... they'll always be thinkin' of you and they'll always love... and kahit sa dad moh na nasa heaven nah... and syempre mom moh who will always be there for you no matter what... mga tao sa paligid moh iba dadaan lang sa buhay moh... pansamantalang ligaya... iba iiwan kah ren... pero ang pamilya moh at mga mahal moh sa buhay... hanggang sa huli andyan sa tabi moh... ingatz lagi kuya dude aka alexander... Godbless! -di

    ReplyDelete
  10. ang creeepppppyyyy ng panaginip mo kuya! kasing creeeeppppy ng ambiance ng vatican sa angels and demons.

    baka iniisip ka ni mami mo kaya ganun. o kaya bago ka natulog eh siya ang iniisip mo. pwede rin na yung makipot at malaking daan ay simbolo ng mga bagay na pinagdadaanan mo, yung journey mo bilang tao. hay chorva. nagpaka-psychic daw ba. haha.

    ----

    natawa ako sa comment mo. ang tarush. haha.

    ReplyDelete
  11. Ayun may filter na ang comments. haha.

    ReplyDelete
  12. Hmmm...Miss mo na mom mo. Pero happy naman sila ng papa mo for you. Magtatagumpay ka sa buhay, dude.

    Ang iyong lingkod,
    madam auring

    ReplyDelete