Saturday, May 9, 2009

Ten Thousand


Kinabahan ako. Akala ko mapapauwi na ako ng Pilipinas.

Natanggal kasi ako sa trabaho dahil sa global economic crisis. Automatic, ni-cancel din ang Employment Pass ko. Wala akong choice. Kailangan kong lumabas ng Singapore a month after the cancellation of my EP. Naisip ko, paano na ‘yan? Wala pa akong ipon. Halos napupunta sa pang-araw araw na gastusin at remittances ang sinusuweldo ko. Paano na lang ang mga pangarap ko?


Pero natuto na ako. Sa dami ng naging karanasan ko sa buhay, naging a-tapang a-tao na din ako. Kahit kelan hindi ko naisip ang sumuko. Naka-full tank ata ‘to, mga chong! Walang mangyayari sa ‘kin kung mag-iiiyak lang ako at magrereklamo.


Tinodo ko ng buung-buo ang pag-aapply. Hindi ko inisip na recession ngayon. Hindi ako nakinig sa kuwento ng iba kung gaano kahirap maghanap ng trabaho dito sa Singapore dahil ‘freeze hiring’ ang karamihan sa mga companies dito. Inisip ko, kung wala silang posisyon para sa ‘kin, eh ‘di gumawa sila! (Haha ang yabang ko ano?) Ganun ako naging kabilib sa sarili ko. (Thanks to THE SECRET! Hehe.) Kawalan ng mga companies na 'yan ang hindi pagkuha sa ‘kin.


Maniwala man kayo o hindi, umabot sa halos 10,000 ang nagawa kong applications simula ng mawalan ako ng trabaho. Opo, sampung libo. Inisa-isa ko na ata ang lahat ng companies dito sa Singapore. Kahit alam kong walang vacancies, patuloy pa din ang pagkatok ko sa mga pintuan nila para ipagsigawan lang sa kanila na “HEY! HIRE ME! I’M REALLY GOOD!”


In a matter of almost three weeks, nagkabunga ang pangungulit, pagyayabang at pagtitiyaga ko. After some interviews here and there, Thank God! I have received, not one, but TWO job offers!


Mabait talaga ang Diyos. Kahit kailan hindi Niya ako pinabayaan. Kahit minsan ko na lang siya naaalala at lumalapit lang ako sa Kanya kapag may kailangan ako, hindi pa din niya ako iniiwan sa ere. Mahal pa din Niya ako kahit anong mangyari.


I can say that I am really blessed.

Actually, we all are.

36 comments:

  1. GREAT JOB! hehe yan ang pinoy. a-putol a-trabaho hindi a-takbo :)

    ReplyDelete
  2. wow!congrats!!
    a-tapang talaga ang pinoy :)

    ReplyDelete
  3. yehey!!! congrats kuya! sa gasolinahan ka pa ren ba? :)

    ReplyDelete
  4. congrats... tama yung sinabi mo, dapat may ginagawa tayo para makatayo... it's either that o umiyak tayo at hayaan na walang mangyari sa buhay natin.. good job!!!

    ReplyDelete
  5. nice nice pre.. ito lng masasabi ko totoo ang kasabihan na pag may gusto may paraan pag ayaw may dahilan.. PERSEVERANCE is the keyword sa chapter ng buhay mo it "dahil dyan isa kang tunay na lalaki hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok"

    WALANG AAYAW THINK POSITIVE
    hahaha

    ReplyDelete
  6. congrats!

    it's a matter of faith!

    keep it up! :)

    ReplyDelete
  7. that's what we call persistence and perseverance (ginaya ko lang ang words na ito sa previous comments, parang ang sosyal kasi.)! spring back to action agad ang gasul. hehehe...

    I do hope na ma-hire ka na sa kahit na alin sa dalawang nagparamdam sayo. galingan mo, tol!

    ReplyDelete
  8. wow! congrats!! ang galing galing! may rewards talaga kung may sipag at tiyaga ka. ^^ happy for you!

    ReplyDelete
  9. Wow! Buti naman Gasul! Pagbutihin mo! Padala ka ng pasalubong sakin! Hahaha.

    ReplyDelete
  10. congrats gasdude! GOD is good. :D

    ReplyDelete
  11. congrats gasul....totoo pala ang pag may tyaga may nilaga,hihihihi

    nandyan lang lagi si fafa jetut..kahit nakakalimutan natin sya lagi pa din syang nandyan sa pangangailangan natin..minsan hindi lang agad naibibigay kasi hindi pa oras!

    ReplyDelete
  12. wow, that's the spirit. 10,000? amazing :)

    parang napanood ko sa oprah yang the secret.. yun ba yung if you want something, all the universe will conspire.. parang ganun.

    kailangan talaga siguro ng positive attitude sa mga panahong ito..

    congrats nga pala :)

    ReplyDelete
  13. congratz kuya dude! God is good tlgah... sabi nga nilah Nasa Dyos ang awa nasa tao ang gawa.... =) Happy Mom's Day palah sa mom moh =) Godbless! -di

    ReplyDelete
  14. Congratz Gas Dude!!! Tama si archmiester "pag gusto me paraan at pag ayaw marami dahilan"....

    Dito rin sa maldives marami napauwi and buti na lang stable yung company na napagtrabahuhan ko...

    Agree din ako na lucky tayo lahat, since naranasan natin mabuhay sa mundo na ito, he he he (serious na ako nyan ha) masaya lang....

    ReplyDelete
  15. Congratz Gas Dude!!! Tama si archmiester "pag gusto me paraan at pag ayaw marami dahilan"....

    Dito rin sa maldives marami napauwi and buti na lang stable yung company na napagtrabahuhan ko...

    Agree din ako na lucky tayo lahat, since naranasan natin mabuhay sa mundo na ito, he he he (serious na ako nyan ha) masaya lang....

    ReplyDelete
  16. everywhere mày recession, dito din s frànce gànun!

    pero 10k cvs n àsend mo, wow, gàstos sà ink, joke làng;

    ànywày, it is true, God is with those who rely on him ànd àlso move their butt to find work;
    hindi k isàng juàn tàmàd kàyà nkuhà mo àng work;

    si ànjo ko nàtnggàp so Le Meridien Hotel sà Monàco, kàkàtygà hànàp ng mà àplyàn.
    he is only 20 yeàrs old, no experience, pero kà ku kulit dun sà pinoy nà kilàlà àng mànàger àyun, simulà n à siyà s lunes, bukàs!
    màbuhày àng pinoy, sà tyàgà me nilàgà!

    ReplyDelete
  17. congratumaleyshens, gasul!!! pinahahanga mo naman ako. para kang weed, and the wind is life's adversity.. pero hindi ka pa rin natutumba. isa kang nakatayong weed. ganon. hehe

    clap clap sayo.

    ReplyDelete
  18. yehey!!! eto pala yung secret secret mo ha. congrats gasul at sana magtuloy tuloy pa ang blessing mo.

    o diba, there's a rainbow always after the rain? hahahha. kumanta ako sori. lol

    COngrats!

    ReplyDelete
  19. congrats congrats congrats,
    walang nakakatakot na recession sa matapang na job seeker!

    ReplyDelete
  20. CONGRATS PAREKOY!

    PARE MAGTANONG AKO...MADALI BA MAGHANAP NG TRABAHO DYAN? GUSTO KO KASI PUMUNTA DYAN PAG NAKA IPON AKO TAPOS MAKIPAG SAPALARAN EH...

    PALAGAY MO?

    ReplyDelete
  21. parang nabanggit mo na ito sa facebook kuya! :D hehehe..

    muli congrats sau!! ^_^

    ReplyDelete
  22. lahi kaya ntin yan, ang matapang! hehehe. sau siguro ako nagmana... ng kayabangan! hahaha. galing mo tlaga kuya! -eLai

    ReplyDelete
  23. wow...it really did inspire me sa job hunting ko ngayon...heheh..

    ReplyDelete
  24. nice Dude! Okay yan at least you're not the pessimistic type na walng ginawa kungdi magreklamo at tumnganga..

    I know God will truly bless you, kaya sumipsip ka rin sa Kanya.. At hindi lang yung pag may kailangan ka eh dun ka lang tatakbo..Though di mo naman sya kayang paghirapain sa mga hinihiling mo, He's an all power omnipotent God.. At kungdi dahil sa Kanya wala ka ngayon Jan..
    All glory belongs to God alone..

    Cheers for your job offers!
    God bless!

    ReplyDelete
  25. sampung libohhh???

    pwede bang hindi na lang ako maniwala??? hahaha.. joke lang!

    ang mahalaga e naretain mo pa rin ang pagiging professional mo sa SG! aba e ang hirap ng buhay dito sa pinas buti na lang kayo jan... bonggang bongga pa din! lolz

    musta naman ang buhay buhay????

    ReplyDelete
  26. Congrats gasoline dude. Naalala ko tuloy mga kaibigan kong umuwi sa Pinas from Singapore. Natanggal din sila sa trabaho.

    Sana pagpalain din sila makahanap ulit ng work!

    Good job gasoline dude. Sana mabasa nila to para lumakas din loob nila.

    ReplyDelete
  27. galing mo gasul! way to go! grabe sampung libo, ibang klase ka!

    ReplyDelete
  28. Congrats sa bagong work.
    God is good, uo naman at wala ng makakapagpabago nyan.

    ReplyDelete
  29. yehey! very inspiring post. that's the power of THE SECRET! positive thinking. idoL!

    ReplyDelete
  30. Wag mong masamain 'tong sasabihin ko.

    Pag kasi tumatanda na ang tao wala nang nagpapangaral sa kanya.

    Kung talagang may worth ka sa kumpanya, kahit sanlibong krisis pa ang dumaan di ka tatanggalin. Hindi ka natanggal dahil sa krisis -- natanggal ka dahil hindi ka nag-perform ng maayos.

    Lesson number 1 -- alamin kung bakit di ka nakapag perform nang maayos.

    Wag unahin ang yabang, ok lang magyabang kung meron na. Pero kung meron na mas ok ang maging humble.

    Yung sinasabi mong offers (dalawa kamo) -- offer pa lang yang mga yan. Ang hinihintay kong sabihin mo -- kung may magandang offer at - kung tinanggap mo ang offer. That means may work ka na uli.

    Pero kung offer pa lang, kahit sampu pa yan, kung puro barat naman (who knows), wala pang kwenta yan.

    Kwento (or magyabang) ka pag may work na uli.

    Until then.... just move as quiet and as honest and as effective as you can.

    Projecting is bad.

    ReplyDelete
  31. wow ang inspiring naman ng story na yan! great attitude! tinamaan ka rin pala ng recession. well best of luck to you on your two job offers!

    ReplyDelete
  32. elo po GasDude, kamusta ka na?
    it's been a while since i last do blog hopping. as i have my own personal challenges to face. too bad i am not like you who can easily pour out the feelings in your blog.

    been curious about your open letter to anonymous and really feel outraged to read his comment here.

    to anonymous: grabe naman ang komento mo. you can't judge that a person did not perform well kaya natanggal sa trabaho in this time of recession... tsk! tsk! tsk!

    wala lang... kainis lang kasi ang komento eh.

    ReplyDelete
  33. Awts! ang saya saya naman! Actually may point si Anonymous, somehow. Bwahahahaha pero ung point nya sing liit ng period ng 0.5 na signpen ko...

    Tama na marame natatanggal base on the performace but that depends...

    Hindi ako sang ayon diyan! Dahil ang totoo base yan sa itsura ng empleyado! LOLz

    Pag gwapo ka! Hindi ka matatanggal! At magtatanggal pa ng empleyado para lang hindi ka matanggal! Kita mo nangyare sa akin! Imbes na ako ang mawalan ng project, nag alis sila ng tao para mapunta sa akin ang project... Iba ang nagagawa ng face value! LOLz

    Uy dalawa na kame ni Anonymous na nagsabi na mayabang si Gasdude! bwahahahahaha pero ako in a nice way ko sinabi ha! Personally ko sinabi sa kanya! As in sa phone! bwahahahahaha

    Peace Gasdude! wahahaha

    P.S.
    Siguro kapag first tym mo mababasa ang blog entry na katulad ng post ni Gasdude about recession eh mali ang maiisip nyo... Personally speaking HINDI CYA MAYABANG! AT MERON CYANG FACE VALUE (di nga lang 'sing taas ng sa akin) LOLZ

    ReplyDelete
  34. naks! effective ang 'the secret' ano? congrats at goodluck sa new job bro :D sana ma hire din agad ako pag lalayasan ko na si dubai! lols

    ReplyDelete