Friday, July 10, 2009

Whitney, The All-Black One


I have a new baby. Her name's WHITNEY*.

Dahil nga nailagay ko sa washing machine 'yung luma kong cellphone, I had no choice but to buy a new one. At first I couldn't really decide on what to purchase, but I had already some models in mind:

Nokia 6300

Nokia E63

Nokia E71


HTC Touch


In the end, I settled for a Nokia E71. The all-black one! Astig sa itsura, parang Knight Rider! Wala naman talaga akong balak bumili ng high-end na phone kasi wala naman akong masyadong katawagan at ka-text dito sa Singapore. (Hahanap pa lang. LOL) Masaya na ako sa cellphone basta nakakatawag, nakakatext, nakakapaglaro ng games, at nakakapag-picture picture ng onti. But I heard that this E71 is a good phone. It also has a QWERTY keyboard like my old SE P990i. Tapos pwede pa mag-Internet. Tapos pwede ding makinig ng MP3. Tapos pwede ding mag-install ng iba't-ibang applications. At 'eto pa, nakakapagsalita 'tong teleponong 'to! O-ha! O-ha! = D


I'm still in the process of learning more and maximizing this phone's fullest potential. Hindi pa ako marunong mag-install ng games at ibang apps. Nangangain pa naman ng tanga 'tong si Whitney. LOL

(* Sabi ni Rosa, kailangan daw may pangalan ang cellphone. Pinangalanan kong "Whitney" kasi all-black 'tong E71, it reminded me of Whitney Tyson. LOL)

26 comments:

  1. yabang... ahahahahahha!

    ReplyDelete
  2. @ Cha: Minsan ka na nga lang mag-comment sa blog ko, sasabihan mo pa kong mayabang. Hmpf! = P

    ReplyDelete
  3. wow! ganda na bagong jelfon..ingat ka bka sa bowl nman ng kubeta yan mapunta...lolz..

    ReplyDelete
  4. wag mo na ihuhulog sa washing machine yan ha... hehehe

    ReplyDelete
  5. ahhhhh! yan ang pangrap kong Celphone sa ngaun..kakainggit ka tol... pagnatapos ko ng pagipunan nag pangarap kong Nikon D60..yan naman ang pagiipunan ko...

    ReplyDelete
  6. ganyan din phone ko. i couldnt find the black version so i settled on the grey one. pwede daw palitan ang casing pero gagastos ka ng 2k. hindi na. hehe.

    ano pala apps mo? di ko pa nagagalaw yung phone ko. tamad.

    ReplyDelete
  7. huwaw! kailangan ko lang palang magsabi ng mayabang para replyan mo ang mga comment ko. ahahhahha!

    yaman yaman na ni gasul oh... libre mo nga ko ticket punta jan duuuuude.

    ReplyDelete
  8. next time kasi wag ka ng maglalaba ng bed sheet...para di maisama ang mobile sa nilalabhan....

    ReplyDelete
  9. hanep. ako din bumili khapon ng iphone. gagayahin na kita - papangalanan ko na din. hehe

    ReplyDelete
  10. Ginaya lang yan ng Nokia sa blackberry. Medyo mahirap gamitin ang cellphone na yan, kaya nga di ako nakatagal dyan eh!Sana bumili ka na lang ng PDA yung HTC o kaya iphone! Sulit yun! Teka bat ba ako nangingialam.hehehe!

    Congrats sa bagong cellphone mo! Ako kating kati na sa LCD TV!heheh

    ingat
    Drake

    ReplyDelete
  11. hahahaha..
    pareho tayo ng phone...

    goodluck...

    oisssttt..
    ung PEBA entry asan na?
    sali ka na para masaya!
    hindi kase naman alam kung gaano kasaya (o kalungkot) sa Singapore! hehehehehe!

    ReplyDelete
  12. wow yaman. ayos yan parekoy!

    basta never na kong mag cellphone na slide kasi laging sira ang flex.kainis.

    ReplyDelete
  13. So nice and pretty. Nainggit ako. Pag nakuha ko yung backpay ko, bibili ako ng magandang cellphone.

    Magkano kaya yan sa Pinas?

    ReplyDelete
  14. madami akong kakilala na nagsasabing maganda daw yan. madali daw mag-net..

    ReplyDelete
  15. Parang gusto ko narin ng Whitney fone mo (Naki comment lang feeling close)

    ReplyDelete
  16. mukhang di bagay sa washing macgine ito.

    try mo nga po

    ReplyDelete
  17. @ Poging Ilocano: Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag napunta pa 'yan sa inidoro. LOL

    @ Gillboard: Balak kong patagalin 'tong telepono na 'to ng mga 5 years.

    @ Mokong: Ayos! Photography! Meron akong D40 kaso hindi ko din masyadong nagagamit.

    ReplyDelete
  18. @ The Scud: Wala akong apps. 'Yun lang kasama sa package. Hahanap pa ako ng maganda. 'Yung Remote Control kaya. Hehe. = P

    @ Cha: Ke Marifel ka humingi di hamak na mas maraming pera 'yun.

    @ Lyzius: Mahirap naman kung hindi ako maglalaba ng bedsheets. Nakakahiya kapag me nakitulog. LOL

    ReplyDelete
  19. @ R-yo: Lumabas na din I-Phone dito. Ang haba daw ng pila over the weekend.

    @ Drake: Ok naman nasanay na din sa QWERTY keyboard. Gusto ko din nga san ng Blackberry kaso iba 'yung Plans nun, mas mahal.

    @ A-Z-E-L: Ang hirap kasi ng theme! Hindi ko pa nakikita sarili ko bilang bayani. Teka pwede bang multiple posts ang entry?

    @ Flamindevil: Hindi slide phone ang E71!

    ReplyDelete
  20. @ Jeeper: Tingin ka sa Greenhills. Try mo din 'yung E63, pareho lang ng itsura.

    @ Watusiboy: Hindi ko pa na-try mag-Net. Medyo natatanga pa ako eh. LOL

    @ Jepoy: Bili na! = D

    @ Pablong Pabling: Ayaw! Wala na akong perang pambili kapag nasira pa 'to.

    ReplyDelete
  21. Ayus! E71, bigay mo to sken pag-uwi mo ah.. ito nlng pasalubong mo sken, LOL!!! -eLai-

    ReplyDelete
  22. nice one... sikat yn ngayon a... mga kaibigan ko puro ganyan... ako lang naiiba kasi nseries naman ako haha

    ReplyDelete
  23. free siya sa Globe plan 600. hehehe.

    baket whitney tyson? pwede namang Tyra or Beyonce. hehehe.

    Hmmm, napaisip ako tuloy ng name for my phone. Okay kaya yung Bogart, or Bruno? macho ano? Bwahahaha!

    ReplyDelete
  24. congrats sa bagong nyelpone :)

    ReplyDelete
  25. kapatid, try mo ung site na http://www.e71fanatics.com

    ang laking tulong at kung trip mo magkabit ng kung anik-anik sa fon mo, ok itong site na ito!

    have fun!

    ReplyDelete
  26. Why didn't you get a Blackberry instead? Hmm...

    ReplyDelete