Monday, July 13, 2009

YEAR ONE (Part 1)


Isang taon na ako dito sa Singapore.

Hindi ko din inakalang makakayanan kong umalis ng Pilipinas at iwanan ang Nanay ko at mga kaibigan ng ganun katagal. Hanggang ngayon dinadala ko pa din 'yan sa aking dibdib. Nag-iisang anak kasi ako at walang kasama ang Nanay ko sa aming tahanan sa Novaliches. Iniwan ko siyang mag-isa.

Now it's been a year since I left, napapaisip ako: is it all worth it?

I have to admit, at first akala ko magiging madali. Malaki ang expectations ko sa pagiging isang OFW. Akala ko dati kapag nagtrabaho na ako sa ibang bansa, masosolusyunan ko na lahat ng problema ko, pinansyal man o hindi. Halos lahat kasi ng OFWs na nakikilala ko sa Pilipinas, parang magaan at maginhawa ang mga buhay nila. Nakakatulong talaga sila ng malaki sa kanilang pamilya pati na din sa mga kamag-anakan nila. Lagi silang makikitaan ng ngiti sa kanilang mga labi at mababakas mo sa kanila ang matatawag na 'improvement' sa kanilang mga buhay.

Pero mahirap din pala talaga. Marami kang kalaban. Lungkot. Pangungulila. Recession. Culture clash. Competition. High cost of living. Mga kabayang pasaway. Sarili mo mismo.

Ano na nga ba ang mga naging 'improvements' sa buhay ko simula ng pumunta ako dito sa Singapore para magtrabaho? Am i a better man now? Kaya ko na bang pag-aralin sa Ateneo at Poveda ang mga magiging anak ko kung saka-sakali?

Parang gusto kong mapahagulhol sa naiisip kong sagot sa mga katanungang ito.

(Itutuloy)

**********

Birthday pala ng Popski Wopski ko ngayon. Happy Birthday Papa! Gusto mo ba ng picture greeting? Magpainom ka naman kina Bro at sa mga dabarkads mong angels d'yan. 'Wag pairalin ang pagiging Ilokano sa langit. LOL

45 comments:

  1. wow isang taon na pala yun, at hindi rin ako nakasama sa padespedida mo lasyir hehe...

    haberdey sa daddy mo parekoy!! at naalala kong hindi ko pala alam kung kelan ang bday ng tatay ko - and kung saan man sya posibleng magttreat sa bday nya...

    ReplyDelete
  2. natawa ako as picture greeting.lol. eh kung ikaw kaya padalhan nya ng pic greeting gasul? ano?

    eh ahm.

    happy isang taon dyan gasul. HAPPY NGA BA? mukha namang OO, though alam ko may mga struggles ka parin sa araw araw at may mga problema pa ding dumarating. ipagpasaDIyos mo lang ang lahat ng yan. parang seminar lang ng buhay yan. diba sa seminar may natututunan ka? o eh di yang seminar na yan eh may matututunan ka din. Diyos naman ang may bigay ng lahat ng yan kaya sige lang.

    wag ka magalala at sa tingin ko naman si mommy mo ay maayos naman ang kalagayan. hindi naman siguro papabayaan yun ng mga kaibigan nyo at ng ibang kamaganak.

    at sana after pa ng isang taon o 2 taon o kahit gawin mo pang 3, yang tanong mo eh sana masasagot mo na, at ibabalita mo na din sa amin na UUWI KA na, at ililibre mo na kami ahihihi.

    HAPPY 1st Anniv bilang OFW gasul!

    ReplyDelete
  3. Wee, may update!

    Kala ko ever since jan ka talaga based sa SG. Anyway, wishu more fruitful days jan. Ingat! ;D

    ReplyDelete
  4. aba oo nga pala noh? last year july 13 nung nag eyeball tayo sa novena station...suot mo pa nga ang arab scarf mo na green... nagkawalaan pa nga tayo sa simbahan nun di ba? pero after ng mass nagkita din tayo...

    di ba nilibre pa kita ng noodles sa novena square? hahahaha ako naman ilibre mo dapat ngayon....biglang naningil noh? hahahaha... joke lang yun...

    alam mo sa first few years bilang OFW mo mararamdaman lahat ng hirap...eventually makakabawi at makakatulong ka na rin sa family mo in God's grace...syempre sa tulong din yan ng diskarte di ba?

    pero natawa ako sa huling bilin mo sa papa mo... whats wrong with being ilokano ha? na di dapat pairalin sa langit??? hehehehehe...

    o sha sha...wag mo sana kalimutan na andito pa ako... para kasing ganun na eh...hahahaha...nagmomoments...

    ReplyDelete
  5. happy birthday to your dad... i know he's happy now sa nakikita nyang status mo...

    & happy anniversary sayo at sa Singapore! lolz!

    parang ung sequel neto... pwedeng gawing entry sa PEBA... personal touch... personal improvements... personal experience...

    aabangan ko...

    ReplyDelete
  6. Hapi pers anibersari sa iyo at hapi bertdey sa tatay mo!

    Ingat pre!

    ReplyDelete
  7. happy anniversary gasul!
    alam mo, bilib ako sa kagaya mong kayang magsakripisyo para sa mga mahal sa buhay. alam kong hindi madali ang magtrabaho sa ibang bayan. saludo ako sa iyong tyaga at katatagan.sa mga kwento ng kagaya nyo ako kumukuha ng inspirasyon, di rin kasi malayong maging OFW din ako balang araw.
    goodluck sa iyo dyan!

    P.S.
    Happy Birthday narin sa Tatay mo! :)

    ReplyDelete
  8. aba'y kita mo nga naman ano. isang taon na pala yun. parang kailan lang eh humihinga ka pa sakin na ang pinakamalaki mong problema ay ang magkalayo kayo ni... we-know-who. ambilis.

    yung iba taon ang binibilang bago ka makaahon dude. kaya take things slowly. hehehe. kaya natin 'to. =D

    hindi mo pa rin ba sinusunod yung bilin ko sayo para kumita ng mas malaki diyan sa SG? (yung tumambay sa geylang at tanjong pagar)

    ReplyDelete
  9. Naks..hanga naman ako sa iyo at nakatagal ka ng 1 year...more years to come tol...

    ReplyDelete
  10. Happy anniversary!!! You should really be grateful na you stayed that long there and nakakahanap ka ng trabaho. 3 kaibigan ko just came back kasi di na sila nakahanap ng work dyan sa Singapore.

    ReplyDelete
  11. Congrats you survived a year of homesick and adjustments sa lifestyle.

    Mahirap talaga mawalay sa mga mahal sa buhay but you made a choice and somehow you took some risks. At least youve shown others how you managed the choice youve made. And for sure youve grown more as a person upon your stay there in Singapore! :D

    ReplyDelete
  12. isipin mo na lang kung walang growth kung walang pain. tama ba? hehe.

    mahirap na masaya ang buhay sa pinas. kaya sa ngayon dito muna ako. saka na ako lilisan pag mahirap at malungkot na. :D

    ReplyDelete
  13. Kuya Petron nakaka tats naman ang iyong istori dyan. Wag ka ng malungkot masyado at mag isip ng mga bagay na ikalulungkot mo lalo, at hapi bertdey sa papsi mo at happy one year din dyan sa singapore sayo. Isama mo nalang dyan Ermats mo kaya? suggestion lang. (Feeling close ulet)

    ReplyDelete
  14. Dude i have friends na same situation tulad ng nararanasan mo..Mahirap kung sa mahirap. Try not to tolerate your homesickness nakakasira yan ng flow..hanap ka ng outlet..tulad ko na iniwan ko mag-ina para makipagsapalaran sa Riyadh for about 3 years, and now i'm back, i can say na may katuturan ang pag-alis ko.

    Now habang andyan ka pa, make the most of it, make your mom as your inspiration, at wag kalimutan, mag-ipon diba? Goal nating OFW yan.

    Haba no? Nakaka-relate kase.

    ReplyDelete
  15. happy anniversary gazdude! thanks for dropping by and for linking.

    this post makes me want to evaluate my own life at present and what really motivates me to survive life's journey.

    short but sweet. good post!

    ReplyDelete
  16. Pabisita.

    Yan din napapansin ko e. Kahit sa mom ko, ganyan din. Ang saya saya niya kapag tumatawag at kapag dinedescribe nya ang buhay sa ibang bansa. Ibang-iba daw kesa sa Pilipinas. Pero syempre, alam ko naman nahihirapan din siya dun. Mabuhay ang mga ofw.

    Happy birthday to your dad. Sana nagkakilala sila ng dad ko para magkainuman sila dun. lol. haha

    ReplyDelete
  17. Happy Anniv! ingat ka jan..

    pati ba naman dito sa blog mo, ni-tira mo si ninong?! hehehe.

    Kelan uwi mo? Painom ka ah.. lagyan nlng ntin ng garbage bags paligid ng halaman ni ninang, hehehe.
    -eLai-

    ReplyDelete
  18. Wow congrats naka isang taon ka na, di mo naita2nong total of 4 years na ako as OFW and yes ang unang taon ang pinakamahirap.... So after that ok na masa2nay ka na.. Focus on the happy things na lang para wag ka emo and be glad na me work ka pa, o di ba...

    And of course wag ka2limutan mag-ipon para di sayang sacrifice...

    Kaya mo yan, lagi ka full tank eh....

    ReplyDelete
  19. NAHOMESICK ako sa first three years ko sa France, kahit me mga kaibigan ako.
    Iba pa rin yung home sweet home, lupang sinilangan.

    You will survive. If you dont because you dont want to.
    Soon, two years na, then three years na, you will be a better person capable of anything.
    ALL the best!

    ReplyDelete
  20. huwaw isang taon na! isipin mo na lang na..simula pa lang ng homesickness yan,hehehe

    hapi burtdey din sa papa mong ilocano,hehehe!

    ReplyDelete
  21. wow 1 year ka na jan and you're surviving... ang bilis parang yung binabasa kong entries mo lang dati yung sa dati mo pang work hehe

    happy beedar din kay daddy hehe

    wak ka na malungkot dude... :)

    ReplyDelete
  22. happy birthday kay itay. :D

    ReplyDelete
  23. ben an avid blog reader snce den,as much as i wanted 2 hav my own!..
    also ofw 4 almost 2yrs.
    ur absolutely korek!bt for as long as to wanted to help ur fmily and attain fulfillment for urself,ul endure and eventually immune urself sa lhat ng emotions on becoming an ofw...settle urself sa lam mong mka2gnwaha coz in the end its ol worth it..

    ReplyDelete
  24. LIFE IS WHAT YOU MAKE IT! ............. you've got the determination, i know you can do it!

    ReplyDelete
  25. kaya mo yan parekoy...at happy one year sayu dyan...ang bilis ng panahon no?he he he..

    ReplyDelete
  26. ilocano din pala papa mo. kung purong ilocano, patay tayo nyan [literally], hindi talaga sya magpapainom sa langit.

    ReplyDelete
  27. oi 1 year kna palang OFW bro..buti naman at nakayanan mo..

    i just stumbled upon your blog..buti naman..nice page ah..

    btw, newbie here..balik ako dito..

    ReplyDelete
  28. Congrats kabayan!

    tamo may pagpapalang katapat din yang pagsasakripisyo mo ngilang mga bagay para sa ikabubuti ng iyong pamilya!
    Mabuhay ka, dakilang kapwa-ofw!

    ReplyDelete
  29. hey dun be sad parekoy.kaya mo yan.

    i truly understand how you're feeling.ganyan talaga buhay natin.basta always think positive.there's always something to gain. tyaga tyaga lang tayo ng konti.sabi ko nga, happiness is a state of mind and I choose to be happy.

    unico hijo ka pala. :p

    ReplyDelete
  30. Just be positive...

    may magandang bukas na naghihintay sayo diyan sa Singapore. Maniwala ka. :) Just new here in the blogsphere.

    ReplyDelete
  31. prang same same ang feelings nating mga OFWs :)

    ReplyDelete
  32. kasi daw, the grass always looks greener at the other side. :)

    ReplyDelete
  33. good job gasul at naka isang taon ka kahit pa gano kahirap. basta hanggat happy ka diyan eh diyan ka pero pag hindi na eh di go home na.

    ReplyDelete
  34. HUWAW...parang kelan lang nag-uusap tyo ng diet chorvaness at paalis ka na at d man lng tyo nagkita. hahahaha... daya. haha... pero enjoy ka jan a!!!

    ReplyDelete
  35. happy anniversary Dude :p

    ei nabasa ko sa comment mo kay joshie may barn buddy ka so may facebook ka diba? haha

    add me up: rizzie.gabriel@yahoo.com

    pero walang nakawan ng tanim ha :p

    ReplyDelete
  36. I don't know much, dude. But you're still well alive and kicking. I think I could best say that you may weigh what you earned and what you've lost, in all aspects. And always remember the reasons for your sacrifice.

    ReplyDelete
  37. happy one year!

    naku papsy, eto share ko lang ko sa yo ang blog na ito ni Bo Sanchez (sana makatulong :)

    http://bosanchez.ph/how-to-have-a-breakthrough-in-your-life/

    ReplyDelete
  38. hey musta na parekoy?busy ba?

    dumaan lang para mangulit.hehe

    ReplyDelete
  39. wow, can't wait for your next post! (nambitin ka pa, haha)

    I'm planning to work in SIngapore din. Still thinking about it.

    ReplyDelete
  40. perhaps i'd never have the courage to become an OFW. going there seems hard enough, staying is even harder.

    ReplyDelete
  41. san ka na?

    ayan dumaan muli ako at magbabasa-basa

    ReplyDelete
  42. mia aka dakilangtambayJuly 31, 2009 at 12:58 PM

    hindi na tayo nagkita sa singapore. kumusta naman ang layo nyo sa amin. hahaha. nasa ang mo kio kasi kami e.

    sarap pala magshopping dun. babalik ako next year at mas madami na akong pera nun. hahaha:)

    ReplyDelete
  43. one year ka na pala jan sa singapore parekoy. ang bilis nga naman ng panahon. malaking achievement na rin yun na umabot ka na ng one year jan knowing that being an OFW is no joke. kahit na siguro di ganun kalaki ang improvement, you should still be proud of yourself. cheers!

    ReplyDelete
  44. wow..OFW ka rin po pala...napadaan lng at napabasa..^,^ naalala ko tatay ko bigla..


    ganun tlga yata pag malayo sa minamahal...ang saklap..-,- ingats jan, kuya ah..kaya mo po yan..God bless..

    ReplyDelete