Monday, August 17, 2009

Panibago


Marami akong gustong isulat ngayon.

Pero ewan ko ba, hindi ko magawang sabihan ang aking mga kamay na isulat at ilagay ang mga ito dito. Hindi tulad ng dati na kapag may nangyayari sa ‘kin o kaya’y naiisip, maganda man o hindi, eh hayagan ko kaagad na naibabahagi sa inyo.

Masyado na kasing maraming nakakaalam ng blog na ito. Pati ilan sa mga kamag-anak ko at malalapit na kaibigan outside the blogging world eh alam na ang URL ko. Minsan tuloy kapag sinisipag na ako’t masisimulan na ang aking pagsusulat, bigla akong mapapahinto ulit at iisipin muna kung ano ang magiging reaksiyon ng ibang tao sa aking binabalak na susulatin.

Parang gusto ko na tuloy gumawa ng panibagong blog. ‘Yung tipong ako lang ang nakakaalam at ilang piling tao. Bakit nga ba hindi? Hmmm. Bahala na.

Pero isang bagay ang hindi ko talaga magagawa: ang mag-delete ng blog. Siguro mas mauuna ko pang burahin ang Plurk account ko kesa dito. Naiisip ko na din kasi ‘yun. High-maintenance kasi ang Plurk. Kakaubos na nga ng oras, bumababa pa ang karma mo. Parang isang relasyon lang.


**********

Meron pala akong nami-miss ngayon.

Tingin ka sa salamin. Makikita mo kung sino.

Hangkorni! Pero totoo.

23 comments:

  1. Oh no, never delete blogs. Just hide it. haha.

    Pareho tayo, my mom, my uncles and aunts, my cousins and almost everyone in the family are reading my blog. That's why I can't write anything political, personal (which involves my family information) and everything that they say is "harmful". They're (especially my mom) like automatic filters. Whenever I post something and they don't like it, they ask me to put it down or at least edit it.

    We're starting to lose our "blogging freedom". LOL when my domain expires, I'm gonna change it too. Only a few will know.

    But as of the moment, let's enjoy our blogs. It's like having a best friend, right? ^^,

    ReplyDelete
  2. kapag may bago kang blog, bigay mo sken URL ah.. dko ipagsasabi sa mga kamag-anak ntin, pramis! :D -eLai-

    ReplyDelete
  3. I can relate. Noong nagsisimula palang ako mag blog at sa Blogger pa un blog ko, wala nakaalam. As in wala! Kaya wala rin comments etc. Then I switched to wordpress, got the idea that I want to promote my blog kasi maganda din pala na may nagbabasa nito, then eventually before I knew it alam na ng family ko, ng friends ko at ng co-workers ko. Noong una masaya kasi marami nagbabasa. Pero nagtagal, na censor narin ang mga pwede kong isulat. Di ko na maatim mag-sulat ng tungkol sa pamilya or sa work. Lalo na mga angst ko sa mga tao sa social spheres na to. Hai. Naisip ko nga rin na magpalit na ng blogs. Pero gusto ko un name ng blog ko eh.

    Tsk. tsk.

    Pag nagpalit ka ng blog sabihin mo kung saan ah! Di nman tayo magkakilala talga eh. Hehe.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Ok lang naman kung gusto mo gumawa ng isa pang blog na para sayo lang at piling mga tao ang access (sana kasama ako dun kahit wala ako sa blog roll mo lol).

    Two cents Parekoy, ung mga nasulat mo dati na punong-puno ng emotion na muka namang binuhos mo nga ang emotion mo doon eh pag nabasa ng ilan.

    Tulad ko 'nung una akong napad-pad sa blog mo at nag basa, marami akong natutunan. Aktuli, dito ko nga napulot basahin ang book na "The Secret" which by the way I learned a lot. So, kahit hindi mo man alam pwedeng merong impact ung mga previous experiences mo sa ibang tao na naligaw sa blog mo, tulad ko. Pero syempre ni-rerespeto ko/namin kung gusto mo ng personal entries lang para sayo at close friends and Family. Yun lang naman Sir!

    Have a good one!

    ReplyDelete
  6. Sabagay bro nakakapraning nga pag ang mga kamag-anak mo ay alam ang mga sinusulat mo, medyo nakakababa ng momentum sa pagsusulat. Sa totoo lang masarap ang feeling na may secret identity ka, parang si superman.Wala kang reservations, free kang magsulat kahit ano gusto moi. Kaya kung sakaling maisipang magbago ng blog eh ilink mo naman ako pre!hehehe!

    Ingat pre, kaso ang risk nga lang dyan pre sikat na kasi ang blog mo na ito syempre magsisimula ka uli.

    Ingat

    ReplyDelete
  7. ako natutuwa ako sa bago ko blog, kahit wala nagbabasa, araw-araw ako nakakapagsulat ng lahat ng gusto ko sabihin...

    pero nakakamiss din yung may nagcocomment tsaka nagbabasa...

    sigh

    ReplyDelete
  8. isa ring reason kung bat di na ako nakakapagupdate masyado eh dahil masyado nang madaming nakakaalam ng blog ko:P hehehe.. kahit mga pinsan kong hindi naman nakakaintindi ng Tagalog masyado eh nagbabasa na rin.. (nagtatanong sila sa Tita ko for translations)..

    wag magdelete ng blog! =) bawal! ^_^ sayang din kasi ung entries kuya... un nga, hide mo na lang =)

    ReplyDelete
  9. okay nga minsan ang blog pag alam ng mga kapatid mo eh. pwede ka dung magparinig na kailangan mo ng pera, shempre e-emo-han mo yung entry mo para maaawa sila, na hindi ka naman talaga humihingi.

    pwede ka ding magpakilala ng jowa na hindi sila pwedeng kumontra kasi madami kang friends na kinikilig sa lab story niyo. shempre hindi sila makakontra basta-basta, bwahahahahaha!

    wag lang si nanay ang makabasa ng blog namin. lagot na!

    ReplyDelete
  10. ito lang ang masasabi ko gasul...nag iinarte ka! hihihi

    sulat lang ng sulat! blog mo ito hindi sa mga kamaganak mo o sa mga kaibigan mo..nakikibasa lang sila ng sinasaloob mo...at dito ka nila makikilala ng lubusan!

    wag matakot..makibaboy!hihihi

    ReplyDelete
  11. ako din atras na sa plurk. paubos na karma ko he he.

    ReplyDelete
  12. that's the main reason why i chose to remain anonymous. only few close friends know my blog. relatives none. :D

    ReplyDelete
  13. blog ng blog bossing...kailangan yan sa makabagong panahon..

    ReplyDelete
  14. corny is true daw nyahaha

    regarding sa blog...ganyan din ako nung una kaya dati walang litrato, kalaunan nainggit ako sa mga blog na may litrato.

    awa naman ng diyos eh dalawa pa lang ang kakilala ko ang nakakaalam ng blog ko hehehe

    ReplyDelete
  15. parang meron tayong virtual mtrcb. hehehe. daming kailangang i-filter bago mapindot ang publish button. hehehe. =D

    ReplyDelete
  16. nauuuso yata ang ganitong feeling ah? si gilboard din ito ang emote eh hay ano ba yan. pero mahirap din naman talaga kung para kang artista LOL pero ako open din ang blog ko sa lahat eh, well liban na lang sa mga estudyante ko LOL

    ReplyDelete
  17. Naisip ko rin magbura ng blog ko. Pero naisip ko wala naman masyado nakakaalam ng blog ko. As if nmn it would make a difference in the world of blogging. Kya ayun, friendster na lang atska multiply n lang. ahehhe!!

    ReplyDelete
  18. totoo yan, minsan, it pays to be an anonymous writer/blogger. free ka kasing magsulat kung ano ang gusto mong isulat.

    ReplyDelete
  19. same here. parang gusto kong gumawa ng new blog. yung ako lang ang nakakaalam. :P

    ReplyDelete
  20. Been there, done that!
    Nakailanga blog and website na rin ako. Ang ending parati, "delete account". Sa umpisa kasi kapag wala pa masydong nakakaalam, lahat ng gusto mong isulat, nasusulat mo. Pero once na marami nang nakakaalam ng blog mo, kahit walang censorship napipilitan kang maging maingat sa sasabihin mo.

    Basta bossing, kapag may bago kang blog, share mo naman sa akin url (feeling close? hehe.)

    Nga pala, nasa Singapore rin ako and nakausap na yata kita sa "Singapore" thread sa PEx.

    ReplyDelete
  21. I came across your blog. Interesting stuff. Take care. I hope everything works out for you in terms of work, relationships and success in taking care of your Mom - and yes, let us know your "new" blog if you decide to delete this one.

    Maybe just put a password for those posts that may be considered offensive by the relatives.

    ReplyDelete
  22. hahaha... natawa ko, muntik ko nang gawin ung after ng ******* LOL

    ReplyDelete