Wednesday, September 9, 2009

Five Random Thoughts


1. Nakakita ako ng multo sa elevator ng office building namin nung isang araw. Hindi talaga nakabukas ang third eye ko kaya natakot din ako. First time kong makakita ng multo! Isa siyang babaeng lagpas-balikat ang buhok, pero hindi ko nakita ang mukha. Sigurado akong nakita ko siyang sumakay ng elevator, pero nung humabol ako para sumakay din, biglang wala na 'yung babae. Parang ayaw ko na tuloy sumakay ng elevator.

2. Sobrang busy ko ngayon sa trabaho. Nabanggit ko dati na naka-close ako ng isang malaki-laking account, at kailangan talaga itong tutukan at bigyan ng atensiyon. Kaya tuloy pati ang binabalak kong paglipat ng trabaho ay mapupurnada muna. Meron akong 2 bagong job offers ngayon, pero palalagpasin ko muna at saka ko na lang ulit pag-iisipan. Sa ngayon, OK pa ako sa trabaho ko.

3. Meron akong maliit na aquarium sa office desk ko, at nasa loob nito ang isang bagong alaga: isang napaka-cute ng fighting fish! Pauso ito ng isa kong colleague na mahilig sa isda, at nahikayat naman kaming lahat na bumili. Hindi talaga ako mahilig sa isda (as a pet, but as a delicacy, oo. LOL), pero ngayong nararanasan ko ng mag-alaga, parang masaya pala. Ang problema ko ngayon, wala pa akong naiisip na pangalan para sa bago kong alaga. At parang gusto kong bumili ng mas malaking aquarium.

4. Nakakalungkot isipin na may mga dumadating sa buhay natin na hindi nagtatagal at nawawala din agad. 'Yung tipong akala mo magiging maayos ang lahat, pero all of a sudden, magkakaroon ka ng realization na hindi pala ito makakabuti para sa 'yo. Ang mangyayari tuloy, kailangan mong gumawa ng isang desisyon na i-giveup na lang ang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng mas nakararami. A habit is not a need, sabi nga ni Paulo Coelho, so I guess everything would be OK. But I must admit, I'm missing the friendship now.

5. Pero sabi nga nila, kapag may nagsasarang pinto, may bumubukas na bintana. Araw-araw, may mga dumadating sa atin na bagong biyaya. May mga bagay din na nagbibigay ng bagong inspirasyon at nagbibigay-ngiti sa ating mga labi, tulad ng mga bagong kaibigan, bagong kakilala, at mga bagong karanasan. Kaya ngayon, walang rason para maging bitter sa buhay dahil we're all blessed at kailangang magpasalamat.

22 comments:

  1. @ Insan Ardyey: HINDE! Haha where'd you get that idea? LOL

    ReplyDelete
  2. 1. naimagine ko ung babae sa elevator. nakakatakot. buti nalang kahit may multo d2 sa ofis wala naman kaming elevator.

    2.congrats sa achievements! at may nag aantay p palang 2 job offer. anlufet!

    3.kahit anong pilit, hindi talaga ako nahilig sa hayop.

    4.ganun talaga, people come and go. pero sa pag-alis naman nila, naiiwan naman ang memories sa ating forever.

    5.we are all blessed. at dapat itigil ang pagka-emo at mabuhay ng masaya. positivity!

    ReplyDelete
  3. kuya, kelan ka ba pipirmi sa isang trabaho? sau ata ako nagmana, hehehe. i-enjoy ang buhay!.. ingat ka jan lagi.. sana ay madalaw kita jan.. kapag nagpunta ko jan, kaw na bahala sken ah, hehehe. imisu! -eLai-

    ReplyDelete
  4. Naks,

    tungkol sa multo, namalikmata ka lang pre.

    Suggestion sa alaga mong isda, bakit ang hindi mo ipangalan sa isda mo ay ......."FISH". Unique yun!hahahha

    Ingat

    ReplyDelete
  5. nakakatakot naman yung sa elevator, naiimagine ko... ayoko makakita ng ganun...

    tapos susundan ka pauwi... then malalaman mo nasa likod mo na lang palagi...

    scary!!!

    at congrats sa iyong nasarang deal!!

    ReplyDelete
  6. mahirap mag maintain ng aquarium. para ka ring nag-aalaga ng relationship. heheh

    ReplyDelete
  7. speaking of multo... finally, tumagal na ako rito sa alabang pero sa tagal nang hindi ko pagtulog sa kwarto ko e tila ba'y may kasama ako sapagkat palagi akong napapahalf-awake half-asleep (at hindi naman siya bangungot) kumbaga nasa alpha mode ako (mjo nag-aral kasi ako nung silva mind control method haha pero hindi siya para makakita ng multo kundi para maging alert ang subconscious mo pero sideeffect ata e ma-alert na lahat ng senses haha) at may babaeng nasa pintuan ko. lagi nalang siya sa bawat gabi na nagaganon ako. nangyari toh last May. recently may pumunta dito na friend ko at bagamat ayaw niang ipaalam sakin e nalaman ko pa rin na may nakita siyang babae sa isang kwarto sa baba. okay lang. pero nagpaparamdam na ulet siya ngayon. kakaibiganin ko nga. mukhang nice naman


    alam mo ung people come and go... hay nga. pero isipin nalang natin na may naging role rin sila sa'tin para maging wiser. sabi ni christina aguilera "after all u put me through... u think i despise u... but in the end, i wanna thank u cos u made me so much stronger *pasok bigla ang pagkanta nia ng: thought i..thought i knew u thinking that u were true... * " (kung d mo nagets--FIGHTER ung kanta hahahhaa)

    sa fighting fish mo,aus. sige mas malaking aquarium. hahahhaha. feel nia ocean na yan :D

    ReplyDelete
  8. eskeri naman nong babae sa lift!

    dati mahilig din akong mag isda...pero wala silang hilig sa akin kasi lagi akong namamatayan...pag hindi sobrang pakain eh kulang sa pagkain!

    ReplyDelete
  9. 5 Random feedback

    1. Uso din pala ang multo sa busy country na SG?!. Ang sabi ng tita kong mangkukulam kapag na kakakita ka ng Multo mag papakita daw ulit yung habang na liligo ka. One week after mo syang makikita the first time.

    2.Ang galing mo naman at na ka close ka ng malaking account. Pero kung mas mataas ang offer ng ibang company lipat na, pera pera lang yan :-D Suggestion ko lang naman yun pero nasayo parin ang last say :-D

    3. Gusto ko rin ng maliit na aquarium sa desk ko sa office. Ang suggestion ko sa pangalan ng fish mo ay Athena. Sabi kasi sa Greek Mythology Goddess of Wisdom daw sya. Para mag karoon ka pa ng maraming wisdom sa work mo gamitin mo ang pangalang iyon. Suggestion lang naman ulet.

    4. Vague po ang # 4. Please explain. Jowk! Minsan pag nag gigiveup tayo dapat i double check natin kung sa kapakanan ba talaga ito ng nakararami? wala lang akong masabi dito.

    5.Amen. We are all blessed. Love na love tayo ni Papa Jesus. Kaya dapat i-share ang blessings sa mga less fortunate like street Children na katulad ko.

    Ingats!

    ReplyDelete
  10. Takot ako sumakay sa elevator ng magisa, lalo na pag gabi. I always remember that elevator scene sa The Eye eh! o_O;;

    Stay positive! :)

    ReplyDelete
  11. napakalalim ng no.4 mo parekoy.. diko mahukay...
    at sa no.5
    parang may iba akong interpretasyon dyan..hehe

    ok lang yan parekoy..nag-eemo ka na naman..nakakahawa yan parekoy..lols

    ReplyDelete
  12. Eskeri naman ung mumu sa elevator! Baka siya ang itinadhana sa iyo? Hehe.

    ReplyDelete
  13. Maganda ang post mo! HEto ang aking komento. Iisa-isahin ko ito, para sayo...

    1. Kaugnay ng nabanggit mo sa ikalawang "iniisip/naiisip" mo nagyon, baka naman masyado ka lang pagod at maraming iniisip at baka parte lamang iyon ng iyong malawak na imahinasyon. Hindi mo na ba ipinagpatuloy ang pagsakay sa elevator nung araw na iyon nung makita mo ung babae? kayo lang ba 2 ang tao sa paligid ng lugar na iyon. Maraming maaaring dahilan. Hindi pa ako nakakakita ng multo. Kaya hindi ako naniniwala dito. Pero natatakot ako.

    2. Sang-ayon ako, kasi ganun din ako dito sa trabaho ko. Hindi man sobrang ok, tiyaga tiyaga muna..

    3. Nakakatuwa naman at nahikayat ka ng colleague mo at ngayon nga ay gusto mo pang palaguin ito. Sa pagbibigay ng pangalan, e kumunsulta ka rin sa iba para matulungan ka sa bagay na iyan.

    4. "Nakakalungkot isipin na may mga dumadating sa buhay natin na hindi nagtatagal at nawawala din agad...I'm missing the friendship now"

    Friendship ba ang tinutuloy mo dito? Kung iyon nga ay ganun talaga ang batas ng buhay..sabi nga, "friends come and go..some may leave you and some may stay."

    "Ang mangyayari tuloy, kailangan mong gumawa ng isang desisyon na i-giveup na lang ang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng mas nakararami."

    Sa pangungusap mong ito ay dama ko ang kabutihan ng iyong puso. Napakabuti mong tao para isipin ang kapakanan ng mas nakararami.

    5. At sa pinakahuli, hayaan mong iwanan ko ang text message na ito na aking natanggap mula sa isang kaibigan, "there are reasons to become bitter but there are no reasons to stay bitter." Pero hindi ko sigurado kung sasang-ayon ka dito.

    Salamat sa post mong ito!

    ReplyDelete
  14. basted ka daw sabi ni ardyey
    asan na ang axe effect?
    haahaha

    never ko sinubukan
    magalaga ng isda
    ewan ko
    i find it boring
    tititigan mo lang siya
    tapos people find serentiy?
    blah blah blah
    hahahaha

    pero kanyakanyang trip lang yan
    diba?

    ahm
    hindi nawawala ang mga tao
    sa buhay natin
    they just the change roles that they play

    karir muna
    kita mo?
    kapag malakas ang karir
    mahina lablayps
    :D
















    .xienahgirl

    ReplyDelete
  15. gasoline dude...ang galing mo...i think ur going to be one of those blogs na talagang susubaybayan ko...ill follow ha. tnx. Godbless!

    ReplyDelete
  16. You're a blessed man Dude..

    Di ko na tinapos yung number 1.. I'm a scaredy cat, mahina ako sa mga ganyang kwento..

    I enjoyed reading your 4 and 5..

    Marami pang darating at mawawala.. The thing is you get to treasure them for the rest of your life..

    ReplyDelete
  17. Bakit nga ba karamihan ng multo na nakakatakot may mahaba na buhok?

    ReplyDelete
  18. patambay din pare, napadaan narin lamang :D

    Gusto ko rin magkapet ng isda :D

    ReplyDelete
  19. 1. katakot.sobra.yoko makakita ng kahit anung uri ng multo.nyak

    2. basta always keep in mind,everything happens for a reason. there's no coincidence in this world.

    3. hindi ko maimagine sarili ko na may pet na kahit ano.maybe it's just me.hehe

    4. A habit is not a need - tama nga naman

    5. tama. you have a choice. either you become better or bitter.

    ReplyDelete
  20. napadaan ako sa blog mo...mapapa dalas ako sa pagdalaw d2! i felt sad sa # 4... may nami miss din ako :(

    ReplyDelete