Monday, September 28, 2009

Home is where YOU are.


One thing I don't like about falling for someone is that feeling of vulnerability.

Nakakabaliw. Nakakapraning.

I guess I should take it easy, and just focus on the positive aspect of it kahit alam kong marami pang hurdles ang dapat suungin. Bihira lang ako magkaganito, and the feeling is just GREAT! Inspired ka bawat minuto, bawat segundo.

I need to see her again. Malapit na. Malapit na akong umuwi sa kanya.


**********


I'm deeply saddened by the recent tragedy that struck my home country.

What had happened also served as a wake-up call. I've always supported the administration, despite its string of controversies and infamous governance. Kung sino man ang namumuno, nasa kanila ang suporta ko.

But this time, I dunno, I'm really starting to doubt. Nasaan sila nung kailangan sila ng sambayanang Pilipino? Nasaan ang pondong nakalaan para sa mga sakunang tulad nito? Totoo bang namimili ng alak si Mikey Arroyo sa Rustan's habang nagaganap ang trahedyang ito? Shit GMA, I've always respected and supported you, but this time, you have a lot of explaining to do.

Still, I will continue to pray for my fellow Filipinos.


23 comments:

  1. it's a good thing na realize mo ng walang silbi talaga ang administrasyong ito. mukhang mas makakatulong pa ang mga NGO at Foundations kesa sa kanila. Pano, ang perang pambili ng mga gamit pangrescue, mukhang nadekwat na naman ng pamilyang klepto.

    ReplyDelete
  2. Naku LDR ba ito bro? When are you going home?

    ReplyDelete
  3. Oo nga medyo sobra nga talaga ang nangyari sa atin! Awa ng Dyos okay naman ang pamilya ko sana nasa magandang kalagayan din ang pamilya lalo na ang nanay mo.

    Ingat

    ReplyDelete
  4. gasul. sa panahong ito, wag muna magsisihan. tsaka na siguro pag ok na ang lahat. eye opener din ito sa ating lahat. maraming napatunayan ang trahedyang ito sa mga Pilipino, may mabuti at maganda, may masama at di mainam. ang dapat unahin ngayon at trabahuhin ay ang rescue operations, relief at ang rehabilitation. sama sama muna. tsaka na yung sisihan na yan. :)

    ReplyDelete
  5. @ R-yo: Kakalungkot ano? Pero tayo din naman kasi ang nagluklok sa kanila. Sana maging matalino na ang mga Pilipino sa pagboto ngayong darating na election.

    ReplyDelete
  6. @ Marvin: Haha no comment muna. Going home where? ;-))

    ReplyDelete
  7. @ Drake: Kanina ko lang na-contact si Momski Womski! Buti naman at mataas ang lugar namin sa Novaliches at hindi kami inabot ng baha. Thank God!

    ReplyDelete
  8. @ Popoy: Wala naman akong sinisisi. Disappointed lang ako sa efforts ng gobyerno.

    ReplyDelete
  9. alam ko ang pakiramdam ng isang nakaranas sa trahedyang katulad ng nangyari sa manila. last year ay bumaha din dito sa aklan. first time yun in the province's history na bumaha ng tubig at putik na lampas-tao. napakahirap ng sitwasyon non.

    katulad ng marami, may mga kamag-anak din kami sa manila na naapektuhan.
    let us all pray na makaahong muli ang mga taong nasalanta ni ondoy.

    ReplyDelete
  10. kawawa ang mga nabiktima...

    sana magsilbing aral na din sa bawat isa ang kalinisan ng kapaligiran...isa ang mga gabundok na basura ang sinisisi ko nangyaring yan...walang nadaanan ng maayos ang mga tubig kaya bumabaha!

    ReplyDelete
  11. sa mga panahong ganito, di maganda ang manisi... tulungan na lang natin ang ating mga kababayan or magvolunteer... awla rin mararating kapag bumato lang tayo ng mga sisi...

    ReplyDelete
  12. Baket wala ang comment ko?! LoL

    ReplyDelete
  13. I cant believe my eyes as well sa mga pictures na naglalabasan. hindi ko akalain na ganun kalala sa pinas ngayon. all we can do is pray.

    at abt dyan sa ano mo, iwas tagyawat! lol

    ReplyDelete
  14. NDCC is hilarious. After ng kasagsagan ng bagyo at baha saka sila nagpapakita ngayon. Aanhin pa ang mga rubber boats! haha

    ReplyDelete
  15. hmmm... onga mejo un nga mahirap pag in love ka...


    ----


    same here dude... i'm happy your family's safe...

    hay... i do hope that this time, super ausin na ung paglalaan ng budget at paggamit nito. =(


    keep on praying... God is still with us

    ReplyDelete
  16. wake-up col nd lesson learn narin i2 for us ol..
    i guess ol of us must be blame after ol..

    glad u hear from ur mom narin..

    ReplyDelete
  17. tumambling man tayo at mag split split sa paninisi sa gobyerno wala ding mangyayari... isa ka lang sa milyon milyong tao na lubos na nasusuklam sa kasalukuyang administrasyon... oo nga at lahat ng pulitiko eh kurakot, pero ang gobyernong arroyo eh garapal...pero wala ding mangyayari dahil talagang lubos na makapal ang apog ng pamilya nya....

    tama si popoy, mas kelangan natin ngayon ang pagkilos...kumbaga kulang na maawa lang tayo sa mga biktima, ngayon natin dapat ipakita na sa pagtutulong tulong at pagsasama sama, hindi na natin kelangang umasa sa gobyerno...

    sa maliit nating paraan makatulong tayo... kahit papano, kung me kakayanan naman tayo...

    ReplyDelete
  18. gma spent the "emergency funds" for travel abroad..oh, i guess alam na ng marami yun. tsktsk.

    tigil muna tayo sa turuan, sana maging mabilis ang lunas sa mga nasalanta.

    ReplyDelete
  19. hinlab ka pala kuya. huwaw naman. uuwi ka na. :)

    ReplyDelete
  20. hindi dapat naiisolate sa GMA administration ang lahat ng ito. wala pang administrasyon sapul ng naging malaya ang Pilipinas na nagbigay ukol sa mga proyektong magbibigay ng proteksyon sa ating bansa sa mga kalamidad. 1970's pa dapat isinaayos ang maayos na urban planning ng metro manila, walang plano.

    yung mga proyekto ngayon sa urban manila para sa mga ganitong klaseng sakuna ay mga "NAGHIHINGALONG GAMOT" na lamang. kung noon pa man kinilala na ang mga lugar na dapat ay hindi hinayaang pagtayuan ng mga gusali, kung noon pa man ay naniwala ang gobyerno sa mga assumption ng baha, kung noon pa man ang isinaayos ng maiigi ang naghihingalong drainage system... naiwasan sana to.

    pero bakit ba tayo maninisi diba? eh lahat ng mga ito, walang may gusto. pero sana'y naiiwasan.

    kuala lumpur, maganda ang plano nila dyan. look at their Smart Tunnel. syetness. inde talaga pera ang kalaban dito. isang matinding urban plan lang. pwede pa.

    kaso, talagang matindi si ondoy, matindi talaga ang tubig na dala. saturated pa ang mga lupa prior to his arrival.

    hindi dapat isisi sa climate change yan, dahil for billions of years, continous ang pagbabago ng klima ng mundo, ang nangyari lamang ngayon eh bumilis ang rate nito. paksyet.

    - Tingol Magalona

    ReplyDelete
  21. Im happy to hear about your new inspiration aheheh.. sino kaya itong girl na ito?

    ReplyDelete
  22. parekoy,i need your help pls...vote for me in the philippine blog awards!#35-flamindevil..pls click the link then you can see on the left side there’s a voting area.click#35 then submit vote.thanks in advance...this means a lot to me. :p

    btw, bonistation is number 33 and topexpress is number 34..u can vote 3 people at the same time. thanks po.

    http://pinoyexpatsblogawards.com/

    ReplyDelete
  23. Hey,good afternoon. Wanna have a bet over how soon Filipinos will forget this tragic event? I am guessing 3 weeks is enough, then Filipinos resume texting unstoppably.

    57 bodies down the memory lane.

    So,do we have a deal?

    ReplyDelete