Monday, October 5, 2009

ARTICLE ONE: ANG PANIMULA


Naikuwento ko na ba sa inyo na dahil sa blogging, naimbitahan akong magsulat para sa isang pahayagan sa Pilipinas noon? Isang itong oportunidad na hindi ko inaasahan dahil hindi naman talaga ako isang manunulat.

Sayang nga lang at hindi na ito natuloy.



**********


Ang gusto ko lang naman ay makapag-bagong buhay.

Iyan ang kauna-unahang dahilan kung bakit ako umalis ng Pilipinas papunta dito sa Singapore. Gusto kong talikuran ang lahat ng hirap, sakit, at hinagpis na dinanas ko noon. Maihahalintulad ako sa isang bilanggong tumakas sa kulungang dati niyang kinasasadlakan. Tulad nito, hangad ko lang ang makapag-simulang muli.

Pumunta ako ditong alam na wala talagang kasiguraduhan ang lahat. Oo, umalis ako sa Pilipinas ng walang trabahong naghihintay para sa akin dito. Dala lamang ang perang inutang sa magulang at isang pag-asa ng tagumpay sa bansang kilala sa pagiging mahigpit ngunit maunlad. Kahit na marami akong naririnig na balitang hindi maganda tungkol sa mga Pilipinong sumusugal dito, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Nagpakatatag ako kahit na alam kong karamihan sa kanila ay umuwi na sa Pilipinas ng luhaan.

Pero inaamin ko, may mga oras na hindi ko din napigilan ang sarili kong maluha at maging emosyonal. Walang oras na hindi ko inalala ang mga naiwan ko sa bansang kinalakihan ko. Lalung-lalo na si Mama. Siya na lang ang natitira kong magulang, at ako ang kaisa-isa nilang anak ng namayapa ko nang ama. Ngunit dahil sa pag-aasam kong magkaroon ng isang mas maayos na buhay para sa aming dalawa, nagawa ko pa ding iwan muna siya ng mag-isa. Kahit na alam kong ako na lang ang tanging sandalan niya, babalik pa din naman ako para sa kanya. Kasama ito sa maraming sakripisyong ginawa ko at gagawin ko pa. Masakit, pero kinakailangan.

Umalis ako ng Pilipinas hindi lamang para sa sarili ko, kung hindi para na din sa mga taong mahal ko. Para kay Mama. Gusto ko siyang mabigyan ng mas maganda at maayos na buhay. Isa ito sa mga pangakong sinambit ko sa aking ama bago siya inihatid sa kanyang huling hantungan. Gusto kong ipagmalaki nila ako bilang anak nila matapos ang lahat ng kanilang mga paghihirap mabigyan lamang ako ng magandang edukasyon.

Ngayon, dahil sa puspusang pagtitiyaga at paghihintay, tamang diskarte at pananampalataya sa Diyos, pinalad din akong mabigyan ng isang magandang trabaho dito sa Singapore.

Ito na ang simula. Simula ng panibagong buhay na inaasam asam ko. Simula ng isang mahaba-haba pang paglalakbay na aking gagawin. Simula ng pagpupunyaging makamit ang minimithing tagumpay. Para sa sarili ko. At para sa mga taong mahal ko.

Dito nagsisimula ang aking kuwento bilang isang OFW.

27 comments:

  1. mahirap ang buhay ng ofw, dahil kailangan mong maranasan ang hirap, pagod, pawis at kalungkutan malayo sa iyong mga minamahal.

    ReplyDelete
  2. eto ba dapat yung ipapasa mo gasul na article? ayos ah? inabangan ko kaya ito. sayang at hindi natuloy. buti at naisipan mong ipost dito sa blog mo. :)


    Popoy

    ReplyDelete
  3. @ Gillboard: Mahirap talaga. Kaya kung meron kang balak, pag-isipan mong mabuti.

    ReplyDelete
  4. @ Popoy: Oo, ito dapat 'yung first article. Naipasa ko na ito sa editor. Hindi ko pa din alam kung ano talaga ang nangyari. Pero OK lang naman sa 'kin.

    ReplyDelete
  5. ipapasa dapat saan?
    lols
    :peace:

    parang hawig tayo ng kwento parekoy.. at alam kong marami pa ang makakarelate sa kwento mo.
    at sigurado marami ang mai-inspire dito..

    aabangan ko ang kasunod

    ReplyDelete
  6. ito pala yun. kaya pala nagtataka ako bakit hindi ka na nagkuwento tungkol doon sa pagsusulat mo na nirekomenda ni Ella. hindi pala natuloy yon. kaya pala nagtataka rin ako na gurang ka na diyan sa singapore eh ngayon mo lang naisip magsulat ng panimula. hahaha!

    ayos lang yan dude. at least nadala mo na diyan si mama mo kahit saglit lang (dahil ayaw din naman nya kamo mag-stay). dalas dalasin mo na lang ang pagpunta niya diyan para iwas homesick, para pabiyahe-biyahe na lang mama mo. achievement na yun. hehehe.

    ReplyDelete
  7. Teka hulaan ko kung saang dyaryo yan.......uhmmmm TIKTIK ba?

    Speaking of OFW gusto ko lang ibahagi ang aking isinulat noon

    Marahil kung may maganda kaming pamimilian dyan sa pilipinas hindi kami aalis pa ng ating bansa. Kung maganda ang buhay sa atin hindi na kami magpapakagod dito sa ibang bansa na sila lang ang umuunlad at sila ang nakikinabang ng aming mga kakayahan at katalinuhan.Sabi ko nga ,mahirap ang malayo sa pamilya, pero mas mahirap ang wala kang magawa kung kumukulo na ang sikmura ng pamilya mo sa gutom. Mahirap mabuhay mag-isa sa bansang iba ang kultura , pero di hamak na mas pipiliin ko pang matulog mag-isa at mamuhay ng mag-isa kesa matulog ka na di mo alam kung paano ka mabubuhay kinabukasan. Mas mabuti na makaramdam ng pangungulila at lungkot kaysa namang makita mong naghihirap at naghihikahos ang pamilya mo. Ang pangulila at lungkot ay madaling solusyunan at labanan, subalit ang kahirapan ng buhay sa Pilipinas ay mahirap ibsan at kalimutan.

    ingat

    ReplyDelete
  8. ayos ang kwento mo ser. bilang isang nars, nangangarap din akong maging ofw asap. oo mahirap, pero kapag pamilya mo na ang pinaguusapan, maski kumain ng apoy, gagawin na para lang umayos ang lahat.
    (pero ayoko kumain ng apoy)
    ;p

    ReplyDelete
  9. Parang Kinurut ang Puso ko sa laman ng Artikulo mo. Nalathala man ito o hindi, sumikat man ang article na ito at naging daan para maging artista ka o hindi man sumikat eh ang masasabi ko lang ay ang lakas ng dating ng Article na ito para sa katulad kong gumagawa ng paraan para magging OFW din soon. Hindi ko ito blog para mag explain pero ang lakas talaga ng dating ng ganitong tipong article sakin and I'm 100% sher (sosyla pa yan) na hindi ako nag iisa sa ganitong feeling.

    Sir, Pwede mong ipag patuloy ang pag susulat dyan para makapag inspire ka ng maraming fifol at syempre para libre sulat mo narin dito sa blog mo LoL.

    CHillax!

    ReplyDelete
  10. hindi nga biro ang pagiging OFW.. kinakailangan nyong alis at iwan ang gma mahal sa buhay upang mabigayn sila ng mas magandang buhay.. kaya saludo ako sa mga gaya mong nakikipagsapalaran sa ibang bansa...
    pwede yatang PEBA entry yan gas dude.. hehehehe

    ReplyDelete
  11. nakakaiyak naman ito kuya. congratulations and palakpakan for you. :)

    ReplyDelete
  12. ei, ano trabaho nyo jan? ako magsisimula pa lang na maghanap ng work sa ibang bansa kaya nung nabasa ko ung entry mo eh lalo naman akong nainspire

    ReplyDelete
  13. masayang malungkot ang kwento pero naaaninag ko ang pag-asa at pagunlad mula sau. salamat sa pamamahagi ng kwentong ito.

    ReplyDelete
  14. marami pa sa pinas ang hindi nakakaalam ng dinadanas na sakripisyo at pagtyatyaga ng mga OFW..akala nila ganun ganun lang!

    sa bawat pag gising mo sa umaga eh nandon yung pagbibigay sa atin ni fafa jetut na makapagsimula at makapag bago kung ano ang mali sa ating buhay...

    natats ako..tats mo ako lagi ha,hihihi

    ReplyDelete
  15. swerte kpa kht panu kc npa2pnta mo mama mo jan singapore jaz hours away..bt 4 us,d hamak na nka2praning coz wer miles away from our family..
    sacrifice lng tlga kelengan 2 survive life..after ol,its worth nman our hardwork,db?
    kya for us ol working overseas,alhamdulilah ( in God's will )we'll hav our time to benefit from it..

    ReplyDelete
  16. awts...
    kung walang sakripisyo, di magiging matamis ang tagumpay :)
    hang on!

    ReplyDelete
  17. Kakatapos ko lang magbasa ng time travellers wife (hikbi! hikbi!). heto na naman ang isang kwento kung saan nakarelate naman ako...gaya mo, naglakas loob din akong sumugal sa isang bansa na iba ang kultura sa aking kinagisnan, ibang lengwahe at iba lahat, pero andito pa din ako for almost 6 years na. naalala ko tuloy ang nanay ko nung umalis ako ng 2003, kase nga naman hindi ako marunong ng lahat, maglaba, magluto at kung anu ano pa...tapos mag-iisa ako na tanging sarili, prayers at lakas ng loob ang kasama. umiyak ako nung una, pero gaya ng nasabi mo, hindi lang para sa sarili natin bagkus para din sa kanila ang pagalis ng bansang sinilangan. dito mas lalo akong natuto sa buhay, nagmatyur ng 0.5%, at mas lalong lumawak ang pagunawa ko sa lahat ng OFW. swerte ko n lang at maganda ang company na napuntahan ko. salamat lalong lalo na kay papa JESUS na laging naandyan sa tabi ko.

    ReplyDelete
  18. saludo ako sayo iho.
    swerte ni mama sayo.

    ReplyDelete
  19. wow, the fact na naimbithan ka magsulat, privelege na yun.

    pag ba duamlaw ako jan sa SG, ittour moko? :D

    ReplyDelete
  20. hi Gasoline Dude,
    i bumped into your blog via Blog ni Ella(after ng DSWD expose nya), nasa Blog roll ka nya. i like the way you write. meron ka bang kilala na gusto mag-blog at wala syang medium to do that. since i'm too busy as a website designer, i can't write regularly so kelangan ko lang contributors sa blog ko.. its www.mindspeaks.com if ok sau, pwede ka ba mag contribute ng article sa blog ko? ...hehehe kung meron ka kilala he/she can contact me at my site blog Mindspeaks.com or cell 09192991694. tanx Kibi

    ReplyDelete
  21. ramdam ko ang post mong ito gasul.

    ReplyDelete
  22. nakakaloko lang no.. pabata ng pabata ang mga nangingibang bansa.. lolz.. hindi na ung mga mukhang tatay na maraming gold na nakasabit sa katawan..

    nitong unang uwi ko, dumaan ako ng OWWA sa airport para sa OEC ko, pagpasok ko pa lang tumingin mga tao, naisip ko hindi ba ko mukhang OFW? lolz.. mukha lang ata akong maggagala.. ahahha

    mahirap nga maging OFW noh? lalo na pag emosyonal kang tao.. buti na lang minsan sa anim na buwan lang ata ako tamaan nyan.. ahahah

    so pano? ingat ingat na lang.. ^_^

    ReplyDelete