Monday, December 7, 2009

Expenses Expenses


Akala ko dati kapag naging OFW ka, mas madali kang yayaman.

Hindi pala.

Kung gaano kabilis ang pagpasok ng pera, ganun din kabilis ang paglabas nito.

Hindi talaga madaling mamuhay dito sa Singapore. Ang hirap makaipon. Oo nga’t mas malaki ang kinikita ko ngayon kumpara sa dati, pero sobrang taas naman ng cost of living dito. Lahat na lang ng bilihin ay mahal. Renta sa bahay, pagkain, damit, transportasyon, gimik, bisyo. LAHAT. Kung hindi ka marunong magbudget, wala kang mapapala.

Napapaisip na tuloy ako. Hindi ganito ang ineexpect ko kaya ako nagpunta dito.

Something has to change. Something has to be done.


**********


Don’t get me wrong. I’m not really complaining.

Malapit na kasing matapos ang taon. I'm just starting to assess & evaluate what I have accomplished so far. Kailangan kong magplano. Kailangan kong pag-isipan ang mga susunod na hakbang na aking tatahakin.


30 comments:

  1. kaya pala ang busy mo gasul this past few days. i know, inaayos mo talaga ang buhay mo dyan, eh sana maayos naman ang pamumuhay mo dyan, at try mo na din magbudget next year. baka kasi ang gastos gastos mo? :P

    ReplyDelete
  2. sabi nga ng karamihan, kung hindi ka naman naghihikahos dito sa Pinas, huwag ka nang mangibang-bayan. tama yang sinabi mo. hindi komo't OFW ka, mapera ka. dapat din mabago ang isipan ng ilang kababayan natin na ang akala nila pag nasa abroad ka, mapera ka na.

    ReplyDelete
  3. same here...

    pero di kaya... homesick lang yan?

    ReplyDelete
  4. bakit kaya kapag magtatapos na ang taon eh andaming taong napapaisip tungko sa kanilang buhay? isa na ako dun. hehe. good luck kuya. ang mahal naman talaga mamuhay diyan sa singapore. at speaking of singapore.... may kasalanan ako sa'yo. hihi. :)

    ReplyDelete
  5. Sabi daw nila, hindi raw totoo na paglumalaki ang sweldo o pera ay lumalaki ang gastos! Di raw totoo, ang dahilan daw kung bakit ganun ay subconciously daw nagbabago ang lifestyle nya. Yun daw yun!

    Ingat parekoy! Ako din walang ipon!Pautang nga!

    ReplyDelete
  6. i wonder kung san nanggaling ang ideyang pag OFW, eh nahihiga sa salapi. ok, given na maraming pera, pero katumbas naman nito'y paglayo sa lupang sinilangan, at syempre mga kapuso at kapamilya. haaaay.... meri krismas!

    ReplyDelete
  7. good luck on the next move pards.

    ReplyDelete
  8. yan din ang akala ko dati pero tulad nga ng sinabi mo mataas ang cost of living sa ibang bansa, sa totoo lang dahil dyan ay kalahati lang ang naipapadala ko sa mga kapatid ko at diyus miyo ayoko ng sabihin kung ilang percent lang ang naiipon ko...

    ReplyDelete
  9. Atleast aware ka na at some point eh hindi nangyayari ang plan mo, so dyan makikita na meron kang action plan and you want do something about it. Importante dito ay meron kang "Plan" and at least mababawasan ang probability na magastos ang malaki mong sweldo hihihi.

    Bawasan ng bonggang bongga ang gimik, bawasan ang fine dinning, bawasan ang yaman-yamanan trip. Mag allot ng tamang gastusin sa bawat aspeto ng pamumuhay.

    *Parang ako nakakaipon eh hindi rin naman ahahahha*

    Meri Krismas Sir!

    ReplyDelete
  10. ^ I agree! Lifestyle changes with the income..

    Kaya tamang i-assess ang expenses..

    ReplyDelete
  11. december is always the time to look back at the year that will come to pass. most of the time you get disappointed and think of what needs to be done for the coming year.

    merry christmas!

    ReplyDelete
  12. ganun naman talaga eh, paglaki ng sweldo nagbabago din ang lifestyle natin kaya break even lang. dapat talaga maging maingat sa paggastos. sobrang hirap ng pera ngaun kaya dapat mpahalagahan lahat ng gastos.

    hinay hinay lang kasi sa gimik saka mga chicks. ;)

    ReplyDelete
  13. hindi lang plano ang kelangan mo kelangan mo din ng lablayp. lol

    merry chirstmas kuya alex!

    ReplyDelete
  14. thats why nga bossing planning is essential para sa ating nagtratrabaho.
    pareho din naman tayu, pero pinagkaiba lang may nakikita akong accomplishments..
    pero hindi para sakin.
    bili ka ng planner..set your goals gasul! a ra ra ra...a ses bomba!
    lols

    ReplyDelete
  15. kung gusto mo makaipon, kelangan talaga bawas lakwatsa. bawas gimik, bawas gastos (shopping, traveling,etc.). kahit naman kung andito ka e. di ka rin makakaipon if you're always out --- eating, drinking, gimik.

    the only way to save, is not to spend. hindi mo kelangan ng malaking sweldo para makaipon. hehe. ang kelangan ay maging kuripot. hahaha. good luck.

    ReplyDelete
  16. And here I am, also planning to give it a shot there in SG anytime soon. Ang plano ko lang naman e makapaghanap-buhay din diyan for a time, tapos babalik dito tapos titingnan ko kung may magagawa ako sa kung anuman ang mapundar ko.

    ReplyDelete
  17. hayzzzz...sinabi mo pa...
    sa 5 years ko pakikipagsapalaran dito, ang dami ko naring naipon...Yes, your heard me right (I mean you read that right) and dami ko ng naipong recibo..nyahahahahuhuhu. something has to be done, urgently! :)

    update mo kami your FGs for 2010..makakopya naman :)

    ReplyDelete
  18. Buti naman at di ka nagcocomplain. Tiis lang! Konting tipid. Wag muna luho. :D

    Try mong huwag kumain sa labas.
    Try mong magbaon ng lunch at kung anu-ano pa. Iwasan ang fastfood: mahal na, di pa healthy.

    Epektib saken yan. Dito kasi sa kolehiyo (at kahit palamunin pa ko) naiisip ko na dapat magtipid. Kung may carinderia lang diyan, WAGING-WAGI ka sa mura!

    ReplyDelete
  19. plano ko pa namang pumunta jan. so mahirap rin nga talaga makaipon jan noh?

    ReplyDelete
  20. well buti nlng di ka nagpapadala sa inyo.. or oo ba? apparently mas mahirap sa mga OFW na nagpapadala sa pinas kasi feeling ng mga naiwan sa bansa eh ang yayaman na nila so hingi ng hingi (nabasa ko yan sa madaming ibang OFW blog.. hehe)

    ReplyDelete
  21. ganyan ata talaga pag dumadami pera ganun din ang gastos. pero di mo naman pwede bawasan yung kinikita mo. hay...

    ReplyDelete
  22. nakakarelate ako sa entry na to. ako kasi ala ding napapala sa kakatrbaho. ilang araw lang kasi wala na agad ang pera.tsk tsk. isang malupet na new year's resolution ang kelangan jan parekoy! hehe. advance merry christmas!

    ReplyDelete
  23. hays, yan din akala ko, kapag nag abroad madami kang magiging pera, hindi pala, habang dumadami, dumadami din kailangan mu.. hays..

    padaan lang po.. :-)

    ReplyDelete
  24. Totoo yan Gasdude...It doesn't matter kung malaki ang kinikita mo what matters is kung magkano yung naitatabi mo. Spend wisely... ika nga!

    Meri Xmas Gasdude!

    ReplyDelete
  25. well, ganun talaga, mukhang proportional yata ang country's development sa standard of living nito. nagkakatalo na lang kung pano ka mag-invest ng pera.

    napadaan lang dito sa thumbs-up na blog mo.

    ReplyDelete
  26. andaming sacrifice pag ofw ... tama ka... sana maging okay ka sa papasok na 2010 ... alam ko kaya mo yan gasul ! :)

    ReplyDelete
  27. I have friends in SG sharing the same sentiments and I really admire all Pinoy OFWs for being strong and resilient.

    BTW,

    Tulungan natin ang ating mga kabataang Pinoy na makapag aral ng libre.

    Please take part in my first anniversary special: a blog campaign for Free College Education.

    Visit http://www.staceyavenue.com/2009/12/stacey-avenues-first-anniversary.html for details :)

    Thanks!!!

    ReplyDelete
  28. ganyan din akala ko. pero sarap kasi gumastos e, hehe. kita kits tayo sa feb ha.

    ReplyDelete
  29. That's true, man. You're earning dollars, but you're also paying in dollars. You really need to sacrifice some stuff.

    ReplyDelete