Tuesday, January 27, 2009

Momski Womski in Singapore


My Mom is here!

She just arrived last Wednesday, together with my cousin-in-law and her friend. Kaya medyo busy-busyhan na naman ako ngayon kasi aside from work, kailangang i-devote ang time at attention kay Mama. Bawal ang mag-overtime muna sa opis at kailangang umuwi agad ng bahay para naman we could spend more quality time together habang nandito siya sa Singapore.

As my birthday treat to her (she just turned 65 last January 14), naisipan kong dalhin si Mama dito para naman makapag-bakasyon siya kahit papaano. Masyado din kasi siyang busy sa church at community services niya, aside from managing our small sari-sari store sa tabi ng bahay namin sa Novaliches. She definitely deserves this much-needed vacation away from home.

Atsaka, sobrang na-miss ko din si Mama. Six months din kasi kaming nagkawalay sa isa’t-isa from the time na umalis ako sa Pilipinas para maghanap ng trabaho. Kahit three weeks lang siya dito, okei na din ‘yun at least nagkasama na kaming muli. Hehehe. = D

Medyo marami-rami na ding napuntahan si Mama dito sa Singapore. Esplanade. Merlion. Singapore Zoo. Orchard. Sentosa. Nag-sidetrip din kami sa Indonesia last weekend to celebrate the Chinese New Year. (Hehehe meron akong separate post tungkol dito.) Naranasan na din niyang sumakay sa cable car at sky ride, kumain ng maaanghang na noodles, magbayad ng pamasahe na hindi barya ang ginagamit, at makakita ng maraming taong mukhang Intsik. Hanggang February 7 pa siya dito kaya siguradong marami pa kaming adventures ni Mama in the coming days.



Sunday, January 18, 2009

Wild Wild Wet Experience

It all happened yesterday.

Nagpunta ako kasama ang aking mga hausmeyts sa pinakamalaking water theme park dito sa Singapore, ang Wild Wild Wet. Parang title lang ng porn movie ano? Pero maganda naman ang place at sobrang nag-enjoy kami sa early summer getaway na ito. Just watch the video and see for yourselves. Woot woot!

Makikita niyo rin kung gaano ako kataba ngayon. =_ C

Thursday, January 15, 2009

"CULTURED" Bookworm


Busy-busyhan ako.

Medyo matagal-tagal na din pala akong walang update dito sa blog ko. 10 days to be exact. Mahabang panahon na ‘yun para sa ‘kin. Para pala akong nag-hiatus ah. *LOLz* Pati ang pagba-bloghop hindi ko na din masyadong nagagawa. Hindi ko na nga nagawang maalis ‘etong snow-falling effects dito kahit matagal nang tapos ang Pasko. *LOLz*

Naging busy din kasi ako lately. Sa trabaho. Sa pagpapapayat. Sa paghahanap ng lablayp. (Jowk lang. Hehehe.) Ang totoo niyan, medyo tinatamad lang ako magsulat ngayon. Meron naman akong mga posts na nasimulan ko nang sulatin para dito, pero ang problema, hindi ko natatapos. Mga drafts na hindi ko alam kung gusto ko pang tapusin. Bakit? Basta.

Hindi na din ako masyadong nakakapag-bloghop kasi meron akong ibang mga nababasa at binabasa. Aside sa mga messages sa Plurk at sangkatutak na resumes na natatanggap ko araw-araw, sinimulan ko na ulit magbasa ng mga libro. Isa kasi ‘yan sa mga resolutions ko para sa taong ito na gusto kong maisakatuparan: ang makabasa ng madaming-madaming libro at maging “cultured” na ulit (ika nga ni Rens).

Kakatapos ko lang basahin kagabi ng “The Road” ni Cormac McCarthy. Medyo natagalan akong tapusin ‘tong librong ‘to kahit parang kasing-kapal lang siya ng Hardy Boys. Hindi ko kasi maintindihan nung una (nosebleed!) pero seriously, hindi lang ako sanay sa style of writing ng author. Tuluy-tuloy. Walang chapters. Medyo naguluhan din ako sa simula kung ano na nangyayari dun sa mag-ama. Pero habang patagal ng patagal, napapamura na ko sa mga nangyayari sa istorya. Post-apocalyptic kasi ang tema. Basta basahin niyo. Highly recommended. Baka maiyak pa ‘yung iba sa inyo kapag nabasa 'to.

(Pasensiya na wala talaga akong kuwentang gumawa ng book review. *LOLz*)


Ngayon ang binabasa ko naman eh ‘yung “Underground” ni Haruki Murakami. Pucha! Non-fiction pala ‘to, ‘di ko alam! Sana matagalan ko. Hehehe. = P


Tapos marami pa akong nakapilang librong babasahin. Ayoko na tuloy pumunta pa ulit sa kahit na anong bookstore dito kasi napapabili lang ako ng mga libro. Tulad kanina, napabili na naman ako ng tatlo eh meron pa akong mga hindi nababasa. Good luck na lang sa ‘kin!

Pero mas okei na din ‘to siguro kesa sa mag-drugs ako. O kaya mag-EMO.


**********


So what made me purchase these titles? Some were recommended by friends. 'Yung iba naman, resulta ng pagre-research online. Hinanap ko pa 'yung mga lists of highly-recommended books ng New York Times, Washington Post, Kirkus Reviews at Amazon.com. Hehehe ADIK! = P









Monday, January 5, 2009

Dragon Boat Dilemma


Meron akong dilemma ngayon.

Nabanggit ko dati dito sa blog na balak kong sumali sa rowing o mas kilala sa tawag na "Dragon Boat". Naimbitahan kasi ako dati ng Bossing kong German na sumali sa Team Germany. Sobrang interesado ako dito, pero dahil na din sa katamaran dami ng trabaho, hanggang ngayon eh hindi ko pa nasisimulan ang pagte-training.

Noong unang kapanahunan, wala pang sariling team ang Pilipinas. Dahil na din siguro sa kakapusan ng budget, walang nag-iinitiate na mag-organize, at mahirap ding kumuha ng sponsors. Hindi din kasi madaling bumuo ng sariling team. Merong mga prosesong kailangang sundin at kailangang ipa-rehistro pa ito sa gobyerno ng Singapore. Kaya ang nangyari tuloy, naging kalat-kalat ang mga Pilipinong kasali sa Dragon Boat. Merong kasali sa Team Germany, meron sa Team Australia, Team Ireland, Team Italy at sa kung anu-ano pang bansa.

Pero ngayon, nag-iba na. Dahil na din siguro sa kagustuhan ng ibang Pilipinong kasali sa larong ito na i-represent ang sariling bansa, merong mga naglakas ng loob at nagtulung-tulong para bumuo ng sariling team na para lamang sa mga Pinoyski: ang Team Philippines.

Dito na pumapasok ang dilemma ko.

Napag-usapan na naman kasi ulit namin ng Bossing kong German ang tungkol sa Dragon Boat. Iniimbitahan na niya ulit ako para sa training sa darating na Sabado. Kaso 'yung isang opismeyt ko na dating kasama din sa Team Germany, tumiwalag na at sumapi na sa Team Philippines. Hinihikayat niya din akong sumali sa bagong tatag na grupo.

Ngayon, nahihirapan akong mag-decide kung saan ba talaga ako sasali: sa Team Germany ba o sa Team Philippines?

Kung tutuusin, dapat madali lang itong desisyon na ito. Siyempre dahil Pinoy ako, saan pa ba dapat ako sasali kundi sa grupong sariling atin, 'di ba? Pero kung titingnan ko din ang iba pang aspeto... Hmmm.

Bahala na. Meron pa naman akong limang araw para gumawa ng desisyon. Basta gusto kong mag-dragon boat para maiba naman. Kapag tinopak ako, sa ibang team na lang ako sasali. *LOLz*

Masaya 'to! Woot! = P

Singapore Encounter with Lea Salonga


Nakita ko si Lea Salonga kanina sa Marina Square!

Na-starstrucked ako ng sobra kay Idol. Nag-panic at kinabahan ng konti kasi nakalimutan ko ang Tagalog-English Dictionary ko sa bahay. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin, pero wala akong nagawa kundi ang mag-lakas loob na lapitan siya at magpa-picture. Hindi na kasi kinaya ni Lyzius after two failed attempts. (Basahin ang buong detalye sa blog post niya. Click here.) Napa-English tuloy ako ng hindi oras. *LOLz*

Hindi na ako nagtaka kung bakit nandito si Lea Salonga sa Singapore. Nagsimula na kasi dito ‘yung bago niyang musical na Cinderella. Naibulong niya sa ‘kin kanina na hanggang January 22 daw ang staging ng Rodgers & Hammerstein hit musical na ito kaya may panahon pa daw kaming bumili ng tickets. Hahaha. = D

For more details on Rodgers & Hammerstein’s Cinderella in Singapore, please click here.


**********

Nabanggit ko pala kay Miss Lea Salonga na nagbabasa ako ng blog niya. Blogger din kasi siya sa Multiply site niya. (Astig, ‘di ba? 'Eto link niya, check mo.) Likewise, we introduced ourselves as a group of Pinoy bloggers who are based here in Singapore. = D