Monday, February 23, 2009

Pareng Radiskull


Bad news after another.

I learned from someone just minutes ago that a friend of ours just passed away. Ang naging reaction ko: “WTF??? AGAIN???” Kakamatay lang ni Lola nung isang araw, tapos ngayon kaibigan ko naman? Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko sa mga nangyayari. = C

Tawagin na lang natin ang kaibigan kong ito sa pangalang “Radiskull”.

Na-meet ko si Pareng Radiskull sa Grand EB ng Good Times with Mo sa Libis. (Hehe dati pa lang mahilig na ‘ko sa EB, pasens’ya naman. *LOLz*) ‘Yun ‘yung sikat na radio program nina Mo Twister, Mojo Jojo at Andi9 sa Magic 89.9. Tanda ko pa, tumakas pa ako kasi bawal talaga akong umalis ng gasolinahan nun. Mula Laguna, ni-drive ko gamit si Maningning hanggang Libis.

Wala naman talaga akong pakialam ke Mo Twister. Libre daw kasi ang pagkain sa EB, tsaka gusto kong makita ng personal si Andi9. Crazz ko kasi ‘yun sobra, naglalaway-laway pa. Kaya din ata nagpunta si Pareng Radiskull dun eh dahil ke Andi9. Dahil nagkasundo kami kaagad, after the EB eh nagka-ayaan pa kaming mag-inuman sa Sidebar sa me El Pueblo, Ortigas kasama ‘yung barkada niya.

Si Pareng Radiskull ang nag-introduce sa ‘kin sa Single's Scene ng PinoyExchange. Isa itong set of forum threads sa PEx para sa mga singles na katulad ko (Single once again. Hehehe.). Medyo nakuwento ko kasi sa kanya ‘yung kalagayan ko dati sa gasolinahan. Sabi niya, mag-active daw ako sa Single’s Scene para daw madami akong makilalang mga bagong kaibigan. Atsaka, siya din ang nagsabi sa ‘kin na madaming chicks daw sa area ko: sa South. Woot! = D

At tama siya! Totoo ngang madaming chicks sa South! Totoo ngang madami akong naging kaibigan thru PinoyExchange. Kaya naman malaki din ang pasasalamat ko sa kanya.

Parekoy, hindi ko talaga alam kung ano ang totoong nangyari. Ayaw nilang sabihin kung anong cause eh. Pero ganunpaman, gusto kong malaman mo na sobrang nalulungkot ako sa pagkawala mo. Sayang talaga, ambait mo pa naman (kahit medyo bulol ka. Peace tayo Parekoy! Hehehe.). Hindi na tayo ulit nagkita after nung berdei ni Eych dahil nga umalis na ko agad papunta dito sa Singapore. Kung alam ko lang eh ‘di sana nagpa-inom man lang muna ako sa inyo, me pulutan pa. Nakakapanghinayang talaga.

Ipagdadasal kita, 'wag kang mag-alala. 'Wag mo din akong mumultuhin ha! = P

Life is indeed too short.




PAHABOL:

As I am writing this, I just got a message from Eych, a common friend of ours, and learned about the real cause of Pareng Radiskull's untimely demise.

Parekoy, hindi ko alam. Sana pala dati pa lang eh naipagdasal na kita. =_ C

Saturday, February 21, 2009

La Vida Lola


My Lola just passed away yesterday. She’s 93.

Hindi talaga ako masyadong close sa Lola ko. Even with most of our relatives on my father’s side. Once in a blue moon lang kasi ako umuwi ng Tarlac. Malayo kasi sa Manila.

Pero naalala ko a few months before I left for Singapore, napauwi kami ni Momski Womski sa Tarlac kasi daw me sakit nga si Lola. Everyone was expecting na matutuluyan na siya nun. There was even a time daw na akala ng buong baranggay sa Camiling eh patay na si Lola. Pero ewan ko ba, mukhang matindi din ang fighting powers nun eh. Hehehe. = D

Merong isang kwento dati na talaga namang tumatak sa ‘kin. Kinukuwento ng isa kong aunt na minsan daw eh naririnig nila na binabanggit ni Lola ‘yung pangalan ni Popski Wopski na para daw me kausap ito kahit wala naman daw silang nakikita. (Waaahhh!) Kaya daw inisip na lang nila na baka daw dinadalaw ni Popski Wopski si Lola at binabantayan.

Ang problema ngayon, baka hindi ako makauwi ng Pilipinas para makapunta sa burol o kaya sa libing ni Lola. Madami pa kasing problema dito na kailangang asikasuhin. Maliban sa problemang pinansyal (hindi naman kasi ganun kadaling humugot ng pera para pambili ng ticket pauwi ng Pinas), nabanggit ko na din dati na nagkakaroon ng reorganization sa company namin ngayon kaya madami kaming tinatrabaho. Isa pa, wala akong Bereavement Leave Benefits kaya hindi din ako sigurado kung papayagan akong umuwi.

Kinausap ko na si Momski Womski tungkol dito. Magpapadala na lang ako ng pera para pandagdag din sa mga gastusin sa pagpapalibing. Siya na daw ang bahalang magpaliwanag sa mga kamag-anakan namin dun.

May you rest in peace Lola. At least ngayon tapos na po ang mga paghihirap niyo. Magkakasama na din po kayo ni Popski Wopski sa langit. Sana lagi niyo pa din po kaming gabayan dito.

Atsaka po pala, hindi niyo na po ako kailangang dalawin dito. Takot po ako sa multo eh baka himatayin po ako. *LOLz* = P


Wednesday, February 18, 2009

The Gasoline Dude is Busy



Merong ‘phone-in question’ thru C-Box galing kay Luksong Tinik. Tinatanong niya kung busy pa din daw ba ako.

Napansin niya siguro na hindi na ako nakakadaan sa blog niya. Nyahaha! Pasensiya na Mel at tama ka, medyo busy pa din ako ngayon. Hindi ko na nga masyadong nabibigyang oras ang pagba-bloghop. Akala ko nga eh pagkabalik ni Momski Womski sa Pinas eh mas magkakaroon na ako ng mas maraming free time. Hindi pa din pala.

You may be wondering, ano na ba ang mga pinagkakaabalahan ng poging-pogi na si Gasoline Dude ngayon?

Una, trabaho. Siyempre dito ko kinukuha ang pantustos sa mga bisyo pangangailangan ko kaya kailangang i-prioritize. Medyo kelangan kasing magpakitang-gilas ngayon. Mahirap nang mapag-iwanan. Dahil apektado kami ng global economic crisis at bumababa ang profits & revenues ng company, medyo worried ang mga Bossings. Kung anu-ano na tuloy ang mga naiisip nilang strategies para maka-cope up. Balak pa nilang mag-reorg ngayon, which would only mean one thing: MORE RESPONSIBILITIES, MORE WORK! Kaya ayun, me meeting na naman kami sa Friday para pag-usapan ‘yan.

Pangalawa, isang bagong venture. Meron kaming nilulutong business ng isang kaibigan ko dito sa Singapore na balak naming simulan anytime soon. Ano ito? BEER BUSINESS! Hehehe. Medyo astigin ang concept at malakas din kasi akong uminom kaya naman napa-oo kaagad ako when he offered me this. I won’t give that much details for now. Basta lalamigin na lang kayo ‘pag nagkataon kasi BELOW ZERO na ang uso. *LOLz*

Pangatlo, pagbabasa ng libro. Medyo napadami kasi ang nabili kong libro in the past few weeks. Tapos may isang kaibigan pa ako na nagbigay sa ‘kin ng mga bagong libro na dapat daw eh ido-donate niya na lang sa Salvation Army. Bigla lang niya akong naisip at alam niyang mahilig ako sa libro kaya binigay na lang niya sa ‘kin.

Ang problema, mabagal akong magbasa. Ninanamnam ko pa kasi ang bawat salita para naman lubos kong maintindihan ang binabasa. Eh kailangan kong makahabol dito kasi baka masayang lang ‘yung mga libro na nagsisimula nang mangolekta ng alikabok ngayon.

Pero ang totoo niyan, nakakatulog lang talaga ako habang nagbabasa kaya matagal bago ko matapos ang isang libro. *LOLz* Ngayon eh hindi ko pa din natatapos ‘yung binabasa kong CHOKE ni Chuck Palahniuk. Excited na din akong matapos ‘to kasi gusto ko nang panoorin ‘yung movie version. Hehe. = P

Pang-apat, panonood ng mga pelikula. Medyo updated kasi kami sa mga bagong movies ngayon, salamat sa hausmeyt kong kamote na mahilig mag-download sa Torrent. *LOLz* Minsan nga eh inaabot ako ng 2AM sa panonood kahit me pasok ako kinabukasan. Mukhang adik lang, ‘di ba?

Kaya pasensiya na sa mga kaibigan kong bloggers at hindi ko na masyadong nabibisita ang inyong mga kabahayan. Nakita niyo na naman siguro kung gaano ka-hectic ng schedule ko. Hayaan niyo at gagawa ako ng paraan para naman mas mabigyan ko kayo ng oras.

Pero gusto niyo ba talagang malaman kung bakit hindi na ako masyadong nakakapag-bloghop ngayon?
Ito ang totoong rason.

Saturday, February 14, 2009

Booted Out


Nabalitaan kong babalik na siya ng Pilipinas.

Hindi ako sigurado sa totoong nangyari. Nag-resign kaya siya? End of contract? Na-retrench dahil sa recession?

Basta ang alam ko in a few weeks time eh aalis na siya dito sa Singapore.

Ngayon pwede na akong mag-celebrate ng Balentayms. Hehehe. = P

Seriously speaking mga Repapeeps, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasiyahan sa balitang ito. Bittergourd man akong maituturing, pero simula nang makatuntong ako dito, iwas na talaga akong mag-kurus muli ang landas naming dalawa dahil alam kong nandito din siya.

Pero ngayon, masaya ako’t hindi ko na kailangang magtago pa sa kanya (kahit alam kong hindi naman niya talaga ako hinahanap). Ayoko muna kasi sana siyang makita. Tulad ng paulit-ulit na sinasabi ko dito, gusto kong magsimula ng panibagong buhay dito sa Singapore. But this is just too small a country for the both of us.

I wish her well. Magkikita rin kami ulit at magkakausap ng maayos.

But not now. Not here.

Sunday, February 8, 2009

Hu-EMO-r


Pagkatapos ng tatlong linggong pagbabakasyon dito sa Singapore, bumalik na sa Pilipinas si Momski Womski lulan ng isa sa mga eroplano ng Cebu Pacific kahapon. Nakakalungkot kung tutuusin dahil napakabilis lang ng tatlong linggo. Kulang na kulang para sa aming dalawang matagal-tagal ding nangulila sa isa’t isa.

Isang dahilan kung bakit ko pinapunta si Momski Womski sa Singapore ay para makita din niya ang uri ng pamumuhay dito. Iniisip ko din kasi na dito na lang siya patirahin at iwan na niya muna ang buhay sa Pinas para lang magkasama na kami ulit. Hindi lang ako sigurado kung kakayanin niya ang lungkot dito 'pag nagkataon. Miss Congeniality din kasi si Momski Womski. Aktibo sa mga proyekto ng komunidad at simbahan. Sobrang dami ng kaibigan. Takbuhan din siya ng mga naaapi at nagdaramdam na kumare. Kapag nagkataon, maiiwan niya ang kanyang mga amigas con chikadoras na ginagawang headquarters ang harap ng tindahan namin sa Novaliches. *LOLz*

Ilang araw bago siya bumalik ng Pinas, tinanong ko pa din siya kung gusto ba niyang dito na lang manirahan kasama ko. Tinanong ko siya kahit medyo alam ko na ang isasagot niya. At tama ako. Hindi niya ipagpapalit ang kanyang mga amigas con chikadoras kahit ako ang kaisa-isa niyang anak. Ahuhuhu. =_ C

Pero alam kong wala akong dapat ikabahala masyado. Hindi magtatagal ay magkakasama kaming muli ni Momski Womski. Kahit magkalayo na kami ulit, hinding-hindi ko pa din siya pababayaan. Pinangako ko ata ‘yan dati sa namayapa kong Popski Wopski na kanyang kabiyak!

At dahil na din ito sa sobrang pagmamahal ko kay Momski Womski, ang pinaka-cute na Nanay sa buong mundo. Look at her in a helmet! Hangkyut! = D




**********



Gusto ko palang magpasalamat kay Greenpinoy dahil SA WAKAS!, ginawa na din niya akong Pilipinong Makulit op da Month! Bilis, click niyo 'to! Woot woot! = P

Effective pala talaga ang magtampo. At akala ko, kailangan ko pa siyang daanin sa dahas para lang i-feature niya ako sa site niya. *LOLz*

GP, me pasalubong pala ako sa ‘yo. Ipapadala ko na lang d’yan sa opis mo. Hehehe. = P




*(Ang titulo ng blog post na ito ay nanggaling sa isa ding kaibigang blogger. Itago na lang natin siya sa pangalang FerBert. Salamats!)

Monday, February 2, 2009

Indonesia Getaway


Hello Indonesia!

Mukhang masyado kaming naaaliw sa paglabas ng Singapore tuwing may pagkakataon. Wala na kasing ibang mapuntahan sa sobrang liit ng bansang ito, at ang pagpunta sa mga karatig-bansa ay para lamang ding pagluwas sa mga probinsya kapag nasa Pilipinas ka. 'Yung tipong isang tambling lang (tapos sinundan ng isang cartwheel) eh nandun ka na at magkakaroon na ng panibagong tatak ang passport mo. Tapos ang maganda pa, hindi ka pa masyadong gagastos ng malaki.

Last Chinese New Year, naisipan naming pumunta ng Indonesia at doon mag-celebrate ng holiday ng mga Intsik. 'Yun nga lang hindi sa capital city nilang Jakarta kundi sa isa lamang sa mga islands nito na ang pangalan ay Batam. Naging isa sa mga paboritong bakasyunan ito ng mga taga-Singapore dahil na nga sa kalapitan ng islang ito sa bansa. In 40-45 minutes eh mararating na ito sakay lamang ang isang ferry.

Kung tutuusin, there's really nothing special about the island itself. Walang masyadong breath-taking sights na mapupuntahan. (Puro malls at massage parlors lang ata ang nakita ko. *LOLz*) Tumuloy kami sa Nongsa Point Marina na isa sa mga resorts doon na parang katulad din ng mga resorts sa Pinas.

But what makes this memorable are the people with me on the said trip. Siyempre kasama si Momski Womski na nakabakasyon pa din dito sa Singapore, ang mga hausmeyts kong sobrang makukulet, at ang mga bagong kaibigang nakilala at nakasama na talaga namang nakadagdag saya at ngiti sa aking mga labi.

Panoorin niyo ang aking inihandang video sa ibaba. Inilapat ko din dito ang isa sa mga pinaka-paborito kong kantang pinapakinggan ngayon. Enjoy mga repapeeps! = D