Thursday, June 25, 2009

First Time


The best things in life are free.

Last night, we went to watch an exclusive screening of "Transformers 2: Revenge of the Fallen" at Iluma in Bugis. And it's for FREE, courtesy of a friend's friend (na friend ko na din). Thanks Jam! = D

Kapag nga naman sinusuwerte ka, ano? Hindi kasi ako nanonood ng sine dito sa Singapore dahil sobrang mahal. Pinagtyatyagaan ko lang ang libreng streaming at downloads sa Internet para lang makapanood.

Libre na nga, Transformers pa! (San ka pa?!) Plus, I was with the company of such cool, fun peeps. It was definitely a memorable night! = D

Watch this movie! I don't get it why it's been getting such bad reviews in the US, but we all enjoyed it. Ang HAWT ni Megan Fox! = D


Tuesday, June 23, 2009

Quickie


I had to buy a new pair of leather shoes last night.

Badtrip! Natanggal ang suwelas ng sapatos na ginagamit kong pang-opisina nung isang araw. Kakabili ko lang nun last February.

Ganda lang ng timing. Kung kelan naman nasira din ang cellphone ko, saka pa nasira din 'tong sapatos. Ampf.

Papagawa ko na lang sana sa shoe repair shop dito sa Singapore. Inisip ko kasi na baka mas makamura ako. Naknang! Nung pumunta ako dun kagabi, tumataginting na $60 ang pagpapapalit ng suwelas. Halos dalawang libong piso! Mas mahal pa dun sa sapatos mismo! ($50 lang bili ko dun sa sapatos.)

Na-miss ko tuloy bigla si Mr. Quickie. Mura lang kasi ang pagpapagawa dun. = C

Sunday, June 21, 2009

Rest in Peace


Define STUPIDITY.

Kapag nailagay mo ang cellphone mo sa loob ng washing machine.

Goodbye and farewell, my Sony Ericsson P990i. Matagal-tagal din pala ang ating naging pinagsamahan. May you rest in peace. Sana'y madala mo ang amoy-labada mong bango sa kabilang buhay.

Monday, June 8, 2009

Don't Blog about Work!


Natapos ko nang basahin ang "Anonymous Lawyer"!

If you're a blogger, I highly recommend this book! Shyet na malagket! Matutumba ka sa kinauupuan mo kapag binasa mo 'to! And the ending? Hands-down! I was blown away! (Puro exclamation points. Ampf.)

After reading, this book made me realize two things:

First, as bloggers we usually make use of our right to free expression. But that doesn't mean we won't hold any responsibility for it.

Second, don't write about work and your employer! Well not in detail at least. Baka mapahamak ka sa huli.

(Teka, parang me gusto akong burahin na isang post ko dito ah. Hahaha.)


**********


Next book...

Junot Diaz's The Brief Wondrous Life of Oscar Wao.

Wednesday, June 3, 2009

Anonymous Lawyer


I'm starting to read... AGAIN.

Sabi ko nga dati, medyo naging busy ako sa ibang mga bagay-bagay kaya nakaligtaan ko na naman magbasa ng libro. Buti kanina sinipag ulit. Binabasa ko ngayon 'tong nabili kong libro sa Lucky Plaza. It's a blog book written by Jeremy Blachman, entitled "Anonymous Lawyer". Ayos 'to kasi SALE nung nabili ko, tapos blog book pa. San ka pa?! Hehe. = P

Habang hinihintay kong ma-release ang Work Permit ko sa Ministry of Manpower kanina (nag-halfday ako sa opis), sinimulan ko 'tong basahin. It's a story of a partner at one of the world's largest law firms na nagsimulang mag-blog.

Natatawa ako sa librong 'to habang binabasa ko kasi lahat na ata ng nangyayari sa law firm nila eh ini-blog na niya, pati 'yung tungkol sa mga taong kinaiinisan niya sa loob. He would call them names, like The Suck-Up, The Jerk, The One Who Missed Her Kid's Funeral, Lives With His Mom, Closet Lesbian, etc. Hanggang sa dumating 'yung time na may nag-email sa kanyang colleague niya sa law firm at tinatanong kung siya 'yung may-ari ng blog.

Patay! Huli!

Hanggang dun pa lang ang nabasa ko. Pero mukhang exciting ang story. The way it was written is also hilariously funny. Gusto ko na tapusin para malaman ko na kung anong nangyari kay Anonymous Lawyer.

'Eto nga pala 'yung blog kung saan hango ang libro. Click niyo na lang 'yung link: Anonymous Lawyer

Monday, June 1, 2009

Leaving my Online Life


I'm thinking of leaving my online life for now.

Not entirely naman. Just a part of it. Hindi ko ata kayang iwanan ang blogging. Naks! = P

Masyado na kasi akong active sa online communities. Name it. Plurk. Twitter. Tumblr. Facebook. Pinoyexchange. PinoySG. Meron pang Multiply, Friendster, DPP, Greenpinoy Forums, etc. Parang adik lang.

Parang gusto ko nang i-giveup 'yung iba. Nape-pressure kasi ako sa trabaho ko ngayon. Nawawala na minsan concentration ko. Kelangan ng focus.

Sana lang kayanin ko. Uunti-untiin ko.



**********


Nakakalungkot lang isipin na maraming magagaling na bloggers ang tila ba naglaho na ng tuluyan. Hindi na sila nagsusulat. Wala nang updates sa mga blogs nila.

Asan na kaya ang mga hinayupak?

Hindi na ako magbabanggit ng mga pangalan. Wala lang, sayang kasi ang talento.