Friday, July 31, 2009

Balyus

"FILTER YOUR LIFE."

Nabasa ko ang "mantra" na ito sa Twitter nung isang araw. Bigla tuloy akong napaisip. Hmmm... kailangan ko nga atang mag-FILTER ng buhay ko. Medyo naguguluhan na kasi ako. Madami ng complications.

May mga bagay na dapat alisin, dapat itapon. Lalo na 'yung mga hindi naman importante at hindi din nakakatulong sa pag-unlad ko bilang tao. Kailangang mag-focus at i-prioritize ang mga dapat i-prioritize. Gusto kong magkaroon ng simpleng buhay, may ngiti lagi sa labi at peace of mind.

Ano nga ba ulit ang mga bagay na importante sa buhay ko?

1. PAMILYA.

2. TRABAHO.

3. PAGTATAGUMPAY.

4. RELIHIYON.

5. KAIBIGAN.

Teka, nasaan na ang LABLAYP sa listahan ko? Mukhang kailangan ko ata munang mag-introspect ulit...

Monday, July 13, 2009

YEAR ONE (Part 1)


Isang taon na ako dito sa Singapore.

Hindi ko din inakalang makakayanan kong umalis ng Pilipinas at iwanan ang Nanay ko at mga kaibigan ng ganun katagal. Hanggang ngayon dinadala ko pa din 'yan sa aking dibdib. Nag-iisang anak kasi ako at walang kasama ang Nanay ko sa aming tahanan sa Novaliches. Iniwan ko siyang mag-isa.

Now it's been a year since I left, napapaisip ako: is it all worth it?

I have to admit, at first akala ko magiging madali. Malaki ang expectations ko sa pagiging isang OFW. Akala ko dati kapag nagtrabaho na ako sa ibang bansa, masosolusyunan ko na lahat ng problema ko, pinansyal man o hindi. Halos lahat kasi ng OFWs na nakikilala ko sa Pilipinas, parang magaan at maginhawa ang mga buhay nila. Nakakatulong talaga sila ng malaki sa kanilang pamilya pati na din sa mga kamag-anakan nila. Lagi silang makikitaan ng ngiti sa kanilang mga labi at mababakas mo sa kanila ang matatawag na 'improvement' sa kanilang mga buhay.

Pero mahirap din pala talaga. Marami kang kalaban. Lungkot. Pangungulila. Recession. Culture clash. Competition. High cost of living. Mga kabayang pasaway. Sarili mo mismo.

Ano na nga ba ang mga naging 'improvements' sa buhay ko simula ng pumunta ako dito sa Singapore para magtrabaho? Am i a better man now? Kaya ko na bang pag-aralin sa Ateneo at Poveda ang mga magiging anak ko kung saka-sakali?

Parang gusto kong mapahagulhol sa naiisip kong sagot sa mga katanungang ito.

(Itutuloy)

**********

Birthday pala ng Popski Wopski ko ngayon. Happy Birthday Papa! Gusto mo ba ng picture greeting? Magpainom ka naman kina Bro at sa mga dabarkads mong angels d'yan. 'Wag pairalin ang pagiging Ilokano sa langit. LOL

Friday, July 10, 2009

Whitney, The All-Black One


I have a new baby. Her name's WHITNEY*.

Dahil nga nailagay ko sa washing machine 'yung luma kong cellphone, I had no choice but to buy a new one. At first I couldn't really decide on what to purchase, but I had already some models in mind:

Nokia 6300

Nokia E63

Nokia E71


HTC Touch


In the end, I settled for a Nokia E71. The all-black one! Astig sa itsura, parang Knight Rider! Wala naman talaga akong balak bumili ng high-end na phone kasi wala naman akong masyadong katawagan at ka-text dito sa Singapore. (Hahanap pa lang. LOL) Masaya na ako sa cellphone basta nakakatawag, nakakatext, nakakapaglaro ng games, at nakakapag-picture picture ng onti. But I heard that this E71 is a good phone. It also has a QWERTY keyboard like my old SE P990i. Tapos pwede pa mag-Internet. Tapos pwede ding makinig ng MP3. Tapos pwede ding mag-install ng iba't-ibang applications. At 'eto pa, nakakapagsalita 'tong teleponong 'to! O-ha! O-ha! = D


I'm still in the process of learning more and maximizing this phone's fullest potential. Hindi pa ako marunong mag-install ng games at ibang apps. Nangangain pa naman ng tanga 'tong si Whitney. LOL

(* Sabi ni Rosa, kailangan daw may pangalan ang cellphone. Pinangalanan kong "Whitney" kasi all-black 'tong E71, it reminded me of Whitney Tyson. LOL)