Monday, August 31, 2009

On Long-Distance Relationships


“What’s your view on long-distance relationships?”, someone asked me the other night.

Medyo natawa ako sa tanong. I dunno why, but maybe because I’ve been asked about the same topic quite too often. Pansin ko lang, laging nasasama ang LDR sa mga usapan lately. Is this a sign? Should I be expecting something that is bound to happen... again? LOL

I’ve had 3 LDRs in my entire lifetime. All didn’t work out, and the longest one lasted for 2 years. Well, almost. Sabi ng iba, hindi na daw ako natuto.

Hindi madali, I tell you. Sa simula, you’d have an idealistic approach on the relationship, thinking that with trust and love, everything will work out just fine. Pero sabi nga sa isang kanta, “Love… It’s just ain’t enough…” Naranasan kong pareho ang mang-iwan at maiwanan. Both sucks big time, but I have to admit, mas mahirap ang maiwanan. As you go through it, malulungkot ka dahil lagi siyang wala sa tabi mo. Problems in communication and misunderstandings would soon arise. You’d have more demands and more expectations. Kapag hindi na-meet ng partner mo ang mga expectations mo, sasama ang loob mo, to the point of starting to self-pity. The worst part is, you’d start to compare efforts as well. Sasabihin mo na you love your partner more than he/she loves you, and that you’re exerting much more. It may sound sweet at first, but actually, it’s quite unfair to the other person. Sampal sa mukha 'yun. For me, love cannot be measured.

Mas mataas ang ‘death rate’ ng long-distance relationships as compared to those regular, conventional ones. And it’s quite obvious why. As I've said, love isn’t enough. It’s definitely not the only formula to make a relationship work.

With this, does that mean I won’t go for another long-distance relationship again?

Hmmm, we’ll see. Who knows? I've been discouraged by some though. Maghanap na lang daw ako dito sa Singapore.

Basta ngayon, ayoko na munang magsalita ng patapos.

Saturday, August 22, 2009

The Hermit


In a few month's time, matatapos na naman ang isang taon. "What have I accomplished so far?", tanong ko sa aking sarili. Bigla na naman akong napaisip.

So far it has been a struggle. Not just in terms of career, but also in relationships. Life has been quite complicated lately.

I must admit, I'm having difficulties with my work now. Basically it requires me to bring in profits, and with the economic situation now & the niche market we cater to, hindi talaga madali. Buti na lang naka-close ako ng isang malaki-laking account the other week, which is sustaining me so far and keeps us busy.

Madami ding struggles pagdating sa relationships. I'm not talking just about those romantic ones, but also friendships. May mga conflicts. May complications. I won't put so much details here, pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na ayoko sanang mag-overanalyze. I just would like to go with the flow. Bahala na kung saan ako dalhin ng agos. Is it bad to have this kind of mentality (the "Bahala na si Batman" mentality LOL)? I dunno. Basta ang alam ko, ayokong mabaliw sa kakaisip.

Sabi ko nga dati sa isa kong shout-out sa Twitter at Facebook, "Do what you think is right, and I'll do my own thing." Matatanda na tayong lahat. Alam na natin kung anong tama at mali, kung anong makakabuti sa atin o makakasama.

So how do I cope up?

Buti na lang may mga piling kaibigan akong hindi lang nakakasama sa mga kasiyahan, kundi willing din makinig sa mga kuwento at drama ng buhay over some bottles of beer.

Pero kadalasan, gusto ko na lang magkulong sa kuwarto at magpaka-ermitanyo.

Monday, August 17, 2009

Panibago


Marami akong gustong isulat ngayon.

Pero ewan ko ba, hindi ko magawang sabihan ang aking mga kamay na isulat at ilagay ang mga ito dito. Hindi tulad ng dati na kapag may nangyayari sa ‘kin o kaya’y naiisip, maganda man o hindi, eh hayagan ko kaagad na naibabahagi sa inyo.

Masyado na kasing maraming nakakaalam ng blog na ito. Pati ilan sa mga kamag-anak ko at malalapit na kaibigan outside the blogging world eh alam na ang URL ko. Minsan tuloy kapag sinisipag na ako’t masisimulan na ang aking pagsusulat, bigla akong mapapahinto ulit at iisipin muna kung ano ang magiging reaksiyon ng ibang tao sa aking binabalak na susulatin.

Parang gusto ko na tuloy gumawa ng panibagong blog. ‘Yung tipong ako lang ang nakakaalam at ilang piling tao. Bakit nga ba hindi? Hmmm. Bahala na.

Pero isang bagay ang hindi ko talaga magagawa: ang mag-delete ng blog. Siguro mas mauuna ko pang burahin ang Plurk account ko kesa dito. Naiisip ko na din kasi ‘yun. High-maintenance kasi ang Plurk. Kakaubos na nga ng oras, bumababa pa ang karma mo. Parang isang relasyon lang.


**********

Meron pala akong nami-miss ngayon.

Tingin ka sa salamin. Makikita mo kung sino.

Hangkorni! Pero totoo.

Thursday, August 6, 2009

Saturday, August 1, 2009

Tonight I Give In


TANONG: Anong gagawin mo kapag wala ka ng maisulat na update sa blog mo?

SAGOT: Kumanta ka na lang (kahit hindi kagalingan ang boses). LOL

To you, my friend, I dedicate this. You know who you are! Salamat sa lahat, lalo na sa mga conversations natin. Good luck, and I'll see you when I see you. = D



Wanna listen to my very first COVER posted on a blog? (Wala lang, baka gusto niyo lang masira ang araw niyo. Hehe.) Check out my birthday greeting to Saminella. Click here.