Monday, September 28, 2009

Home is where YOU are.


One thing I don't like about falling for someone is that feeling of vulnerability.

Nakakabaliw. Nakakapraning.

I guess I should take it easy, and just focus on the positive aspect of it kahit alam kong marami pang hurdles ang dapat suungin. Bihira lang ako magkaganito, and the feeling is just GREAT! Inspired ka bawat minuto, bawat segundo.

I need to see her again. Malapit na. Malapit na akong umuwi sa kanya.


**********


I'm deeply saddened by the recent tragedy that struck my home country.

What had happened also served as a wake-up call. I've always supported the administration, despite its string of controversies and infamous governance. Kung sino man ang namumuno, nasa kanila ang suporta ko.

But this time, I dunno, I'm really starting to doubt. Nasaan sila nung kailangan sila ng sambayanang Pilipino? Nasaan ang pondong nakalaan para sa mga sakunang tulad nito? Totoo bang namimili ng alak si Mikey Arroyo sa Rustan's habang nagaganap ang trahedyang ito? Shit GMA, I've always respected and supported you, but this time, you have a lot of explaining to do.

Still, I will continue to pray for my fellow Filipinos.


Monday, September 21, 2009

Breakfast


Nagutom ako kanina.

Dahil sawa na ako sa instant noodles, naghanap ako sa aparador (?) ng makakain. Nakakita ako ng isang latang SPAM, kaya dumerecho ako sa kusina at nag-isip kung paano ko ito lulutuin.

Ito ang kinalabasan: SPAM ala GASUL

INGREDIENTS:

SPAM Lite
Canola Oil
Heinz BBQ Sauce
Fountain Smoked BBQ Sauce
Bacon Bits

PROCEDURES:

1. Maglagay ng konting Canola Oil sa kawali.
2. Ilagay ang 3-4 slices na SPAM Lite.
3. Hintaying maluto hanggang maging light brown.
4. Alisin sa mantika ang nilutong SPAM Lite.
5. Ilagay sa platito.
6. Lagyan ng Heinz BBQ Sauce.
7. Lagyan ng Fountain Smoked BBQ Sauce.
8. Lagyan ng Bacon Bits.



Kung mapapansin niyo, dalawang klase ng BBQ Sauce ang ginamit ko. Hindi ko kasi masyadong gusto ang lasa ng Heinz BBQ Sauce, kaya hinaluan ko ng ibang brand.

SOLB! Hangsarap ng breakfast! Pwedeng samahan ng kanin, pero kung nagda-diet ka, eat it as it is. = D

Wednesday, September 16, 2009

Booked for Bangkok


I'll be going to Bangkok next month.

It was one of those very few "spur-of-the-moment" decisions I've made. Merong nag-invite, so I thought about it, checked some airline websites, made calculations, and then grabbed the opportunity. Aalis na din kasi itong kaibigan ko sa Thailand kaya habang nandun pa siya, mas maganda na ang pumunta ngayon at least may travel guide pa.

Honestly, I'm not really fond of traveling. Hindi naman sa hindi ko nae-enjoy ang makapunta ng iba't-ibang lugar, but before I'd rather spend my money on other things. Pero dahil lumaki akong inggitero (LOL), unti-unti na din tuloy akong nahihikayat mag-travel. I would always encounter travel blogs, like that of Mr. Whattaworld and others, at nakakainggit lang ang mga travel experiences nila. Kaya naisip ko habang bata single pa ako, I might as well travel na din dahil baka hindi ko na 'to magawa kapag double na ko. LOL

This decision of going to Thailand also means that I have to delay my visit to the Philippines this year. Initially I was planning to have my vacation by either October or November, but now I'm targeting January of next year instead just in time for Momski Womski's birthday. Pasensiya na sa mga taong nag-aabang sa pag-uwi ko ng Pinas. Hayaan niyo't magkikita-kits din tayo ulit... sa takdang panahon.

Excited na akong makakita ng mga templo, kumain ng authentic Pad Thai, makabili ng Bangkok pills, at makasakay sa elepante! Woot woot! = D

Sana nga lang payagan akong mag-leave ng Boss ko for 3 days. Makapagpa-bibo nga muna sa opisina.

Wednesday, September 9, 2009

Five Random Thoughts


1. Nakakita ako ng multo sa elevator ng office building namin nung isang araw. Hindi talaga nakabukas ang third eye ko kaya natakot din ako. First time kong makakita ng multo! Isa siyang babaeng lagpas-balikat ang buhok, pero hindi ko nakita ang mukha. Sigurado akong nakita ko siyang sumakay ng elevator, pero nung humabol ako para sumakay din, biglang wala na 'yung babae. Parang ayaw ko na tuloy sumakay ng elevator.

2. Sobrang busy ko ngayon sa trabaho. Nabanggit ko dati na naka-close ako ng isang malaki-laking account, at kailangan talaga itong tutukan at bigyan ng atensiyon. Kaya tuloy pati ang binabalak kong paglipat ng trabaho ay mapupurnada muna. Meron akong 2 bagong job offers ngayon, pero palalagpasin ko muna at saka ko na lang ulit pag-iisipan. Sa ngayon, OK pa ako sa trabaho ko.

3. Meron akong maliit na aquarium sa office desk ko, at nasa loob nito ang isang bagong alaga: isang napaka-cute ng fighting fish! Pauso ito ng isa kong colleague na mahilig sa isda, at nahikayat naman kaming lahat na bumili. Hindi talaga ako mahilig sa isda (as a pet, but as a delicacy, oo. LOL), pero ngayong nararanasan ko ng mag-alaga, parang masaya pala. Ang problema ko ngayon, wala pa akong naiisip na pangalan para sa bago kong alaga. At parang gusto kong bumili ng mas malaking aquarium.

4. Nakakalungkot isipin na may mga dumadating sa buhay natin na hindi nagtatagal at nawawala din agad. 'Yung tipong akala mo magiging maayos ang lahat, pero all of a sudden, magkakaroon ka ng realization na hindi pala ito makakabuti para sa 'yo. Ang mangyayari tuloy, kailangan mong gumawa ng isang desisyon na i-giveup na lang ang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng mas nakararami. A habit is not a need, sabi nga ni Paulo Coelho, so I guess everything would be OK. But I must admit, I'm missing the friendship now.

5. Pero sabi nga nila, kapag may nagsasarang pinto, may bumubukas na bintana. Araw-araw, may mga dumadating sa atin na bagong biyaya. May mga bagay din na nagbibigay ng bagong inspirasyon at nagbibigay-ngiti sa ating mga labi, tulad ng mga bagong kaibigan, bagong kakilala, at mga bagong karanasan. Kaya ngayon, walang rason para maging bitter sa buhay dahil we're all blessed at kailangang magpasalamat.