Monday, October 26, 2009

Twitter Conversation with Gibo Teodoro


GIBO: News: Gibo-Gwen tandem emerging for Lakas.

GASUL:
Gwen who? Gwen Garci? Just kidding.

GIBO:
Close. Cebu Gov. Gwen Garcia actually. :)

GASUL:
Yeah I know. Read the article. You'd have a bigger chance of winning if you get Vilma Santos as a running-mate, IMHO.

Shit. Now I'm actually considering voting for him just because he replied to my Tweet. LOL

Friday, October 16, 2009

Bangkok Teaser



Mali ang hula niyo.

Wala ako sa Pilipinas. Hindi ako kasama sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy.

It was a shot taken in Bangkok!

I'm back from my 6-day Thailand vacation. At oo, maulan dun. At bumabaha. Hindi tuloy ako masyadong nakagimik. Bitin ang 6 days.

But it was one of my most memorable trips. Hehe secret na lang kung bakit. = P

Monday, October 5, 2009

ARTICLE ONE: ANG PANIMULA


Naikuwento ko na ba sa inyo na dahil sa blogging, naimbitahan akong magsulat para sa isang pahayagan sa Pilipinas noon? Isang itong oportunidad na hindi ko inaasahan dahil hindi naman talaga ako isang manunulat.

Sayang nga lang at hindi na ito natuloy.



**********


Ang gusto ko lang naman ay makapag-bagong buhay.

Iyan ang kauna-unahang dahilan kung bakit ako umalis ng Pilipinas papunta dito sa Singapore. Gusto kong talikuran ang lahat ng hirap, sakit, at hinagpis na dinanas ko noon. Maihahalintulad ako sa isang bilanggong tumakas sa kulungang dati niyang kinasasadlakan. Tulad nito, hangad ko lang ang makapag-simulang muli.

Pumunta ako ditong alam na wala talagang kasiguraduhan ang lahat. Oo, umalis ako sa Pilipinas ng walang trabahong naghihintay para sa akin dito. Dala lamang ang perang inutang sa magulang at isang pag-asa ng tagumpay sa bansang kilala sa pagiging mahigpit ngunit maunlad. Kahit na marami akong naririnig na balitang hindi maganda tungkol sa mga Pilipinong sumusugal dito, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Nagpakatatag ako kahit na alam kong karamihan sa kanila ay umuwi na sa Pilipinas ng luhaan.

Pero inaamin ko, may mga oras na hindi ko din napigilan ang sarili kong maluha at maging emosyonal. Walang oras na hindi ko inalala ang mga naiwan ko sa bansang kinalakihan ko. Lalung-lalo na si Mama. Siya na lang ang natitira kong magulang, at ako ang kaisa-isa nilang anak ng namayapa ko nang ama. Ngunit dahil sa pag-aasam kong magkaroon ng isang mas maayos na buhay para sa aming dalawa, nagawa ko pa ding iwan muna siya ng mag-isa. Kahit na alam kong ako na lang ang tanging sandalan niya, babalik pa din naman ako para sa kanya. Kasama ito sa maraming sakripisyong ginawa ko at gagawin ko pa. Masakit, pero kinakailangan.

Umalis ako ng Pilipinas hindi lamang para sa sarili ko, kung hindi para na din sa mga taong mahal ko. Para kay Mama. Gusto ko siyang mabigyan ng mas maganda at maayos na buhay. Isa ito sa mga pangakong sinambit ko sa aking ama bago siya inihatid sa kanyang huling hantungan. Gusto kong ipagmalaki nila ako bilang anak nila matapos ang lahat ng kanilang mga paghihirap mabigyan lamang ako ng magandang edukasyon.

Ngayon, dahil sa puspusang pagtitiyaga at paghihintay, tamang diskarte at pananampalataya sa Diyos, pinalad din akong mabigyan ng isang magandang trabaho dito sa Singapore.

Ito na ang simula. Simula ng panibagong buhay na inaasam asam ko. Simula ng isang mahaba-haba pang paglalakbay na aking gagawin. Simula ng pagpupunyaging makamit ang minimithing tagumpay. Para sa sarili ko. At para sa mga taong mahal ko.

Dito nagsisimula ang aking kuwento bilang isang OFW.