Monday, November 9, 2009

Post-Halloween-Post


Marami na akong utang na kuwento.

Hindi na din ako masyadong nakakapag-bloghop. Pati ang Plurk at Tumblr eh hindi ko na din nabibisita. Medyo busy kasi sa ibang bagay, lalung-lalo na sa Twitter Facebook trabaho.

Kaya pasensiya na sa mga dumadalaw at naliligaw sa blog na ito. Babawi na lang ako kapag nakaluwag-luwag na sa oras at meron ng panahon.


**********


Pumunta pala ako sa isang Halloween Party. Exciting kasi first time kong mag-dress up at magsuot ng costume. Wala naman akong balak gumaya sa kung sino mang demonyo o engkanto d'yan sa tabi-tabi. Basta bumili lang ako ng pekeng sungay at eyeglasses sa isang suking tindahan, pagkatapos ay naghanap ng pwedeng outfit sa aparador.

Masaya ang naging gabi kahit ang totoo n'yan, kakawala lang ng bagong cellphone ko. Remember Whitney, ang aking E71? Naiwan ko sa taxi on my way to the party. :(

Si Hellboy daw ang ginagaya ko. LOL

Kasama si Edward, Bella, at Shaggy

Kasama si Agent Will Smith at Scream (without the mask, but with an axe)

"We are the men in black... pants..."

From Hellboy to Harry Potter / John Lennon. LOL