Thursday, January 14, 2010

I'm Coming Home!


Excited na ko!

My 8-day vacation leave just got approved by my Boss! At long last, makakauwi na din ako sa Pinas!

Matagal-tagal ko na din itong hinintay. Inggit na inggit na nga ako sa mga kasamahan ko dito na nakakauwi sa Pinas twice or thrice a year. Hindi pa kasi ako nakapag-bakasyon simula ng dumating ako dito sa Singapore last July 2008.

Hindi din kasi madali. Una, magastos sa pamasahe pa lang. Buti nga at maraming promos ngayon ang mga budget airlines. Tapos kapag nasa Pilipinas na, siyempre mag-aabang na ang mga inaanak ko dahil dalawang Pasko na ang lumipas na wala ako. Kumusta naman ‘yun eh andami ko kayang inaanak. Ampf.

Pangalawa, mahirap ding mag-file ng leave. Alam kong entitlement naman ito, pero nakakatakot lang mawala ng matagal. Hindi naman din kasi kalakihan ang kumpanyang pinagta-trabahuan ko, at medyo mahalaga ang ginagawa ko. Baka pagbalik ko ng Singapore eh wala na ang mga cliente ko at wala na din akong trabaho.
But this time, siguro tama na muna ang pag-aalala. Sabi nga ni Insan Ardyey, try to enjoy the journey muna. Naks! :)

Marami sana akong gustong gawin sa bakasyon ko sa Pilipinas next month. Kailangang sulitin at walang oras na masayang. Siyempre, priority ko si Momski Womski. I want to spend quality time with her. Gusto ko ding magpasalamat at tumanaw ng utang na loob sa mga kapitbahay namin sa Novaliches. Sila kasi ang laging nakakasama at nakakapagpasaya sa Nanay ko habang wala ako.

Gusto ko ding makainuman ang mga kaibigan ko, lalo na ang mga kakulitan ko sa mundo ng Internet. Gusto kong dalawin ang dati kong kaharian – ang gasolinahang naiwan ko sa Laguna, pati na din ang mga dati kong tauhan na naging pangalawang pamilya ko na. Gusto kong magpa-tattoo at magpa-tongue pierce. Gusto kong magpa-spa at facial. Gusto kong magpa-medical checkup, baka kasi meron na pala akong sakit na hindi ko alam. (Mahal kasi ang magpa-konsulta dito sa Singapore, at ‘di hamak na mas magagaling ang mga doctor na Pinoy.) At marami pang iba.
Magawa ko nga kaya ‘tong lahat? Kahit 8 days lang ang bakasyon ko? Good luck na lang sa ‘kin.


**********


Birthday pala ni Momski Womski ngayon. Happy birthday Ma! I miss you. See you in a few weeks. :)


76 comments:

  1. sama ako sa pagpapatattoo mo kuya alex. gusto kong picturan. kailangan ko yan para sa project 365. haha

    ReplyDelete
  2. yesss!!!. welcome back to Pinas gasul. sunduin ka namin sa erport!!! hahaha.

    ReplyDelete
  3. hmmm. andito pa yata ako nun ah. parang gusto kong sumabit sa mga grand welcome party. hehehe

    ReplyDelete
  4. happy birthday sa iyong momski womski!!! congrats at makakauwi ka na rin!!! sana magpainom ka!!! hehehehe

    ReplyDelete
  5. Enjoy your vacation leave! Hinay hinay sa gastos...

    Happy Birthday rin kay Momski Womski I wish her good health para maalagaan pa ang mga future apo...

    ReplyDelete
  6. Happy birthday kay momsie at goodluck nalang sa mga plano mong gawin sa pag-uwi mo dito.

    Sana makasama imbitado ako sa painom mo. :)

    ReplyDelete
  7. sama ako sa inuman! kapitbahay lang pala tayo!

    ReplyDelete
  8. ingat at enjoy sa pag-uwi dude..

    God bless! =)

    ReplyDelete
  9. Kaya mong gawin lahat yan parekoy pero may kailangan kang isakripisyo! WAG KA NG MATUTULOG!!!

    Hehehe. Goodluck sa bakasyon! Alam kong kahit 8days Lang yan eh magiging sulit na sulit!

    Happy birthday Kay momski womski!!!

    ReplyDelete
  10. Kaya mong gawin lahat yan parekoy pero may kailangan kang isakripisyo! WAG KA NG MATUTULOG!!!

    Hehehe. Goodluck sa bakasyon! Alam kong kahit 8days Lang yan eh magiging sulit na sulit!

    Happy birthday Kay momski womski!!!

    ReplyDelete
  11. Good for you.
    Let me know where you wanna go for vacation, i'll help you arrange it. Ü

    ReplyDelete
  12. A new post?! Have I been gone for long?!?! Wow! You're having a vacation... inggit ako.

    Btw, Happy New Year po and God bless in your planned vacation. Hope you'll be able to do all your plans in 8 days as it is very short. But I'll take it myself if I have the chance.. ^_^

    God bless and Bon Voyage!

    ReplyDelete
  13. @ efbee: Sama ka! Baka kasama ko sina Popoy, Kuri at Aajao. Hanap muna ako ng OK na tattoo shop. :)

    ReplyDelete
  14. @ Popoy: Umaga ang dating ko. Mga 3AM. Game? LOL

    ReplyDelete
  15. @ R-yo: Ano number mo? Kitakits tayo! :) Balik ka pa ba sa Japan?

    ReplyDelete
  16. @ Gillboard: Kitakits! Send mo sa 'kin number mo, kontakin kita. :)

    ReplyDelete
  17. @ Jepoy: Hanap muna ako ng aanakan. Haha. :)

    ReplyDelete
  18. @ Kuri: Send mo sa 'kin number mo. Kitakits! :)

    ReplyDelete
  19. @ Chingoy: Saan ka nakatira? Novaliches din?

    ReplyDelete
  20. @ Kosa: Susulitin ko talaga! Minsan lang 'to eh. :)

    ReplyDelete
  21. @ Chyng: Salamats! Hindi ko alam kung makalabas pa ako ng Manila. Siguro ang pinakamalayong mararating ko eh Laguna. LOL

    ReplyDelete
  22. @ Shayleigh: Thanks. Ikaw, kelan ka uwi? Nagkita na ba kayo ni Goddess diyan sa Canada?

    ReplyDelete
  23. 3AM? sige kita kits na lang sa tattooan hahahaha.

    ReplyDelete
  24. i would love to say "meet tayo" pero di ko pa naman kita kilala masyado so sasabihin ko na lang na "enjoy mo ang balik pinas vacation mo"!

    ReplyDelete
  25. oo, quirino hway lang! lapit hehehe

    ReplyDelete
  26. Maniwala ka kulang ang 8 days!heheh! Basta enjoy mo lang bakasyon mo dahil sa sampung bagay na pinapalbo mo 3 lang dun ang mangyayari! kaya ako ayaw ko ng magplano nakakafrustrate lang! Sayang naman gasdude di man lang tayo nag-abot!heheh

    Ingat

    ReplyDelete
  27. Happy birthday sa Momsee mo....



    Welcome back sa Pinas dude!

    ReplyDelete
  28. dumaan ako dito kahapon, invite sana kita. thanks for dropping by and joining at UBERR.com =)

    ReplyDelete
  29. @ Jerick: Hehe kapag merong time sige kontakin kita. :)

    ReplyDelete
  30. @ Chingoy: Quirino Highway ka? Quirino Highway din ako. Hahaha. :)

    ReplyDelete
  31. @ Drake: Inggit nga ako sa 'yo at isang buwan ang bakasyon mo. Pero at least meron kaya pasalamat na din ako. :)

    ReplyDelete
  32. @ Uberr: Gawang Pinoy daw ang Uberr? Uberr FTW! :)

    ReplyDelete
  33. wow a ng sarap nman makakapag bakasyon na sia..ako kasi mag 2yrs ng di nakakauwi sa Pinas, sana Dis year makauwi ako for 1 month vacation.

    enjoy sa bakasyon...

    ReplyDelete
  34. wow sarap nman makakauwi na sia sa Pinas pra magbakasyon. ako kasi ay mag 2yrs ng di nakakauwi kaya mejo inggit, hehe..

    enjoy sa bakasyon :)

    ReplyDelete
  35. uy nakabasa na naman ako ng gustong magpa-spa! hehe... gusto ko rin yun. kahit wag na yung facial. ingat pag-uwi! sa dami ng gusto mong gawin sa loob ng walong araw, pansamantala ka munang magiging si SUPERGASDUDE!

    ReplyDelete
  36. wowowow! ang pagbabalik! sana magawa mo lahat ng gusto mo, para okay at recharged pagbalik sa trabaho! at happy birthday sa iyong mommy!

    ReplyDelete
  37. Okay 'yan, sir. Paniguradong sulit na sulit ang bawat araw na ilalagi mo dito. Maraming naghihintay sa'yo dito. :D

    ReplyDelete
  38. @ etchosera: Saan ka ba? Nakaka-miss din kasi ang Pinas. :(

    ReplyDelete
  39. @ aajao: Kitakits tayo nina Kuri. Sagot ko inom. Teka umiinom ka ba? Hehe. :)

    ReplyDelete
  40. @ prinsesamusang: Oonga sana nga magawa ko lahat. Pero nagdadalawang-isip na ko dun sa tattoo. LOL

    ReplyDelete
  41. @ Jake: Hehe maraming naghihintay na inaanak. LOL

    ReplyDelete
  42. enjoy sa bakasyon at goodluck sa mga plano...ahahahaha ako kasi walang nasusunod na plano tuwing umuuwi!

    belated hapi bertdey kay momski!

    ReplyDelete
  43. congrats. oo nga enjoy ka sa bakasyon. sana magawa mo un within 8 days.

    ReplyDelete
  44. gusto mo bang gawan kita ng iterinary??? hahaha....you know we are good at that

    ReplyDelete
  45. WOOOOOOOOOOW. Singapore! :D

    Astig lang. First time ako napadpad dito eh. Exciting naman niyan! HAVE FUUUUUUN! Miss ka na siguro ng Pinas! Haha.

    Keep writing! :D

    ReplyDelete
  46. 'la akong time magbasa eh... birthday nagn mommy moh?.. happy birthday sa iyong momski... ingatz lagi kuya dude.... happy new year den sau.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  47. uyyy cool! im sure you will enjoy your vacation here sa pinas. You should take your Mom with you to the spa. Happy birthday to her!

    ReplyDelete
  48. ei kuyah... have fun sa pinas... hangdmi mong gagawin in 8 days ahh... yeah gudlak nga sau... lolz.. but i know you'll have fun... i'm excited for yah.. akoh kayah when?... hmm... tic tac tic tac na lang... wehe... laterz and happy birthday sa mommy moh... enjoy... Godbless!

    p.s. btw yey naka-based ka last time sa entry koh... bihira sa earth 'un.. laterz kuyah =)

    ReplyDelete
  49. i sure hope to visit at the end of this year. hoping that i can make it a long vacation as well. yes, nagkita na po kami ni hipag goddess, sandaling oras last year. :)

    ReplyDelete
  50. good luck sa iyong bakasyon :) napadaan lang po sa gasolinahan nyo...

    ReplyDelete
  51. Hoy kuya, hindi lang inaanak mo naghihintay sau.. pati kinakapatid, hinihintay ka.. hahaha! See you in few days! ingat sa byahe.. gusto sana kita sunduin, kaso wla akong wheels. hehe... hindi mo ba tlaga papaalam kay ninang ang oras at eksaktong date ng uwi mo?

    ReplyDelete
  52. weeeeeee happy vacation!

    BTW If you wanna help the Haitians in rebuilding their community you can check here http://lovenashyboy.blogspot.com/2010/01/downlo..., you can download the music for free and you can donate any amount of money after :) let's help cheers!

    ReplyDelete
  53. maligayang pagbabalik dito gasul..
    pareho tayu..sakin nga lang 2 weeks ang leave ko..ahahhaa
    kaya hindi na ako makakaleave for the rest of the year...ubusan ng leaves!
    sana mag enjoy ka! you deserve it!
    patatoo na!dali!

    ReplyDelete
  54. maligayang pagbabalik dito gasul..
    pareho tayu..sakin nga lang 2 weeks ang leave ko..ahahhaa
    kaya hindi na ako makakaleave for the rest of the year...ubusan ng leaves!
    sana mag enjoy ka! you deserve it!
    patatoo na!dali!

    ReplyDelete
  55. @ Glentot: Sabihan ko kayo kapag merong oras. :)

    ReplyDelete
  56. @ P0kw4ng: Salamats! Mukha namang nag-enjoy ka din sa bakasyon mo kahit walang plano. ;)

    ReplyDelete
  57. @ Discobabe: Hahaha sana meron pa akong oras para makita ko kayo.

    ReplyDelete
  58. @ Dhianz: Akala ko ba mag-hiatus ka? LOL. Daan ako mamaya sa blog mo, teka lang. :)

    ReplyDelete
  59. @ Karissa: I'm not sure if my Mom would enjoy that. She's 60+ na, at makilitiin 'yun. LOL

    ReplyDelete
  60. @ Shayleigh: Kelan ka huling umuwi ng Pinas?

    ReplyDelete
  61. @ Elai: Hehe mas maganda kung surprise. Kitakits! :)

    ReplyDelete
  62. @ Nash: Salamats! Sige daan ako diyan mamaya. :)

    ReplyDelete
  63. @ Maldito: Nagdadalawang isip na ko sa tattoo. Hahaha! :)

    ReplyDelete
  64. Uy belated happy birthday sa mom mo! Parang ang ikli nga ng 8 days so make the most out of it! Nga lang baka pagkatapos ng bakasyon mo mas pagod ka pa kesa kung hindi ka nagbakasyon...

    ReplyDelete
  65. may follow-up question pala dun, d n ako nakabalik ulit.. :)
    since umalis po ako ng January 2007 di pa ulit ako nakauwi.

    ReplyDelete