Monday, January 11, 2010

Survival


I survived 2009.

Last year was a whirlwind of experiences, with both good & not-so-good memories. Madaming struggles. Umapaw ng sangkaterbang pagsubok.

But here I am. Still alive and kicking.

It was last year when I lost my first job in Singapore. Kung meron mang dapat ikatakot ang isang OFW na tulad ko, iyon ay ang mawalan ng trabaho. Masakit sa bulsa. Apektado ang pamilya. Isang malaking sampal sa ego.

But God is good. He didn’t leave me alone. After three weeks, nakahanap ako ng panibagong trabaho. And a better one at that.

For the whole year last year, hindi din ako nakauwi ng Pilipinas. Hindi pa ako nakapag-bakasyon since July 2008. Bakit nga ba? Lagi kong nirarason ang kakulangan ng perang panggastos. Totoo naman, I've always been broke. Napupunta ang suweldo ko kada buwan sa renta, sa tubig, sa kuryente, sa pagkain. Isama na din dito ang pambayad sa utang na naiwan sa Pilipinas.

But that’s not the only reason.

I just felt I’m not yet ready to go home.

Pakiramdam ko kasi hindi ko pa nakukuha ang tagumpay na inaasam-asam ko. I left my country with so much idealism. But now as I look back, I began to doubt myself & start to reconsider other options. Kaya ko pa ba? In a couple of years, I’d be reaching my 30s. Hindi na ako bata (gwapo lang), and so far, what have I accomplished?

Wala. Wala pa talaga. Malayo pa ang aking lalakbayin.

Kaya naman maraming beses din akong tinopak. Lagi akong nagkukulong sa kuwarto at nagmumukmok. Gumawa ako ng sarili kong mundo. Pakiramdam ko kasi walang makakatulong sa ‘kin kundi sarili ko lang. May mga oras din na hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak. (Salamat pala sa ilang kaibigang naiyakan ko na.)

But good thing, I’m still emotionally and mentally stable. Hindi pa naman ako bumibitaw. Malaki ang naitulong ng pagbabasa, at pag-introspect. Malakas din ang support group ko. Si Momski Womski, mga offline at online friends, at ilang taong nagbibigay inspirasyon. Naging therapy ko din ang blog, pati ang Plurk, Twitter, Tumblr, at Facebook.

Despite all the struggles last year, blessed pa din ako.

38 comments:

  1. see? everything in the end will fall on its proper places.

    just always take note that everything that happened that year, including losing your job, has enough reason for you to go on and continue.

    have a nice year ahead of you.

    ReplyDelete
  2. isang tumatanginting na congratulations and palakpakan sayo for surviving 2009. :) jusko, ang 2009 ko, disaster din. daig ko pa ang natamaan ng bagyong ondoy, pero keri lang. God is really good! tuloy ang buhay! :)

    ReplyDelete
  3. hmm... interesting... dahil sa shinare moh eh marami kang naiinspire.. at the same time... nakaka-comfort ka nang tao.. dahil they realized na nde lang palah silah ang naggo-go through sa mga ganong stuff... teka.. sinong they?.. baka akoh lang palah?.. haha... kinda relate sa sinabi moh a little bit... there are times na i feel like i haven't accomplish anythin'.. pero hey... ayos lang yan... keep prayin' 'bout your dreams.. for sure God will give it all to yah in His time...probably not exactly what you asked for... but way better than you wanted... May God bless yah always... have a blessed new year kuya Dude! =)

    ReplyDelete
  4. Nakaka-relate ako sa post na ito, lalo na doon sa point tungkol sa tagumpay sa ibang bayan. Ayaw ko rin sanang umuwi muna habang wala pang narating... Pero ang hirap.

    First time kong mag-iwan ng comment dito, pero palagi akong nagbabasa rito. Alam ko ang 'yong kwento tungkol sa nawala mong trabaho last year. Hindi ko nga pala nasabing nang dahil du'n binanggit kita sa PEBA 2009 entry ko (The Keynote, May 2009 post).

    Maganda ang Singapore, pero hindi rin pala madaling mag-work dyan.

    Gusto ko ang panghuling pangungusap ng post mong ito. Very positive! o",)

    ReplyDelete
  5. anuman ang magyari sa future ang importante e harapin natin ito ng buong loob at buong tapang.

    ReplyDelete
  6. @ Andrei Alba: Thanks. I'm quite optimistic this year. :)

    ReplyDelete
  7. @ Buninay: Haha oonga, naiisip ko nga, swerte pa din ako kasi alam kong merong ibang tao na mas masaklap ang dinanas kesa sa akin.

    ReplyDelete
  8. @ Dhianz: Amen to that! Salamat sa pagdaan ulit. Tagal ko na 'di nakabisita sa blog mo pala.

    ReplyDelete
  9. @ RJ: Talaga?! Nabanggit mo ko?! Haha salamat. Hindi ko alam, teka hahanapin ko muna sa archives mo. Hehe. :)

    ReplyDelete
  10. @ Kuri: Oo, a-tapang a-tao naman ako. Hehe salamats Pards. :)

    ReplyDelete
  11. yes you are so blessed brod. ;)

    ReplyDelete
  12. congratulations pare at welcome sa 2010! ngayon lang ako naligaw dito.

    ReplyDelete
  13. we are all blessed kasi buhay pa tayo. btw, we are our own worst critics. we sometimes feel that we are a disappointment. pero sa iba, successful ka na.

    keep on blogging!

    ReplyDelete
  14. we are all blessed kasi buhay pa tayo. btw, we are our own worst critics. we sometimes feel that we are a disappointment. pero sa iba, successful ka na.

    keep on blogging!

    ReplyDelete
  15. just enjoy the journey. lahat naman may disadvantages. ako dito kahit papano may naiipon naman, pero isolated at work work work 28 days a month. at mahirap puntahan ng mga mahal sa buhay. unlike diyan.

    tama na drama. magkita tayo next next week! :D

    ReplyDelete
  16. @ The Scud: 100% agree! Minsan naiisip ko, am I being too hard on myself? Siguro medyo unrealistic lang mga naging expectatinos ko dati. Oh well...

    ReplyDelete
  17. @ Insan: Haha tumatak sa utak ko 'yung opening line sa comment mo. ("Enjoy the journey."). Salamat. Kitakits next month! :)

    ReplyDelete
  18. di rin maganda ang loveteam namin ni tutawsan nine... halos lahat ng sinabi mo ay makikita mo sa listahan ng karanasan 101 ko... ang hirap din ng buhay dito sa dubai, halos halaf ng sahod ko napupunta lang sa mga expenses ko dito sa dubai, ang masaklap pa dito aging delay ang sahod... haizzz pero ganunpaman sa awa ni Bro nakakaraos din... sana this time ngaung 2010 mag-iba ang ihip ng hangin... :P nice blog!

    ReplyDelete
  19. And life goes on. So might as well wag ka din huminto. And agree, there's a lot more to be thankful for! Ü

    ReplyDelete
  20. hindi ako nawawalan ng tiwala at pagasa para sa iyo gasul. i know you can make it. cliche as they say, pero yun yun eh. kumpara mo naman sa naachieved mo sa naachieved ko? but still, happy ako kung nasan ako ngayon. malakas ka at matapang, naniniwala ako dyan. life goes on, and on and on. dirediretso lang yan. kaya tayo nabuhay sa mundo, may purpose, may mga dapat gawin. at sa tingin ko nagagawa mo naman yung mga dapat mong gawin bilang tao. di sayang ang pagpapalaki ng magulang mo sayo.

    wag kang emo this 2010. laki laki mong tao. hehehe. APIR!

    Popoy

    ReplyDelete
  21. @ Joyo: May awa ang Diyos. Hindi Niya pababayaan tayong mga OFWs. :)

    ReplyDelete
  22. @ Popoy: Nakanaman sa compliments! Wala akong pera! Nyahaha jowk lang. Salamats! :)

    ReplyDelete
  23. I haven't been in home since 2004. Not much to go back to though. Just hungry mouths who can't be satisfied. You probably know what I'm saying.

    But congratulations on surviving 2009. But don't be hard on yourself for being 30 and not accomplishing things. 30 is still young (just saying that because I'm turning 30 this year).

    ReplyDelete
  24. @ Skron: Thanks. I'll try to enjoy the journey more next time. And yes, 30 is not a bad number. :)

    ReplyDelete
  25. that is awesome, always positive in making life great. God bless you sir!

    ReplyDelete
  26. wow.. yan yung tinatawag na positibong pananaw.

    tama ka dun sa isang sinabi mo na kapag may nawala may mas magandang dadating.

    tama ka din dun sa.. sinasabi mong minsan kahit anong pagpupursige mo parang di mo pa rin maabot yung ninanais mo.

    ako nga 2 years na sa work this coming 21st, nakakalungkot kasi hanggang ngayon wala pa din akong matinong savings., ipapatabi ko sa banko kukuhain ko din naman agad.

    haaaaay..

    marami pa namang taon.. tiyaga lang. makakasurvive uli tayo sa 2010 :)

    ReplyDelete
  27. @Gasdude Nakaka relate ako ng sobra sa post mo. Madalas din akong mag kulong sa kwarto para mag basa nalang ng books at mag mukmuk. Buti nalang nakilala ko si Cha-cha (Charot!)

    Kaya natin to. Tama ang ginagawa mo count your blessings and give regards to your support system. Ingats gasul at pag uwi mo ng Pilipinas Ilibre mo ko hihihihi

    ReplyDelete
  28. kahit pa sabihing maraming challenges sa'yo noong nakaraang taon, isipin mo na lang na mas marami ka paring biyayang natanggap. Yang nandyan ka sa Singapore at nagtatrabaho eh sapat na, lalo't ngayong maraming hirap dito sa Pinas...

    hopefully, all will be well para sa atin ngayong taon!!!

    ReplyDelete
  29. @ Otep: Sana nga mas maganda ang taong ito para sa 'tin. :)

    ReplyDelete
  30. @ Jepoy: 'Yan ba talaga ang rason kaya ka nagkukulong sa kuwarto? Nyahaha. :)

    ReplyDelete
  31. @ Gillboard: Ganun naman talaga. Focus ako sa mga blessings as much as possible. Pero siyempre minsan hindi mapigilang maging EMO sa mga bagay-bagay. Hehe. :)

    ReplyDelete
  32. Kapit lang... madaming pahulog ang post ngayong mga unang araw ng 2010 ah.. sana mging ok.
    Hanggang sa sunod na daan namin.

    ReplyDelete
  33. pareho tayo ng naiisip. although andito lang naman ako sa pinas pero we both want to prove our points although we kinda feel that we are at a losing end.

    i want to be positive thinking and i know you do too.

    you were able to see pa nga na God has been good to you the past year.

    ReplyDelete