Wednesday, January 6, 2010

Year Starter Post


Happy New Year everyone! Musta naman? Sobra atang napaaga ang pagsalubong ko sa Bagong Taon. LOL

Papunta pa lang ako sa opisina ngayon habang sinusulat ko ito. Nasa bus, at kailangang sumakay ng train pagkatapos. Sinisipag ako ngayong gumawa ng blogpost dahil naging maganda ang gising ko. Maaga akong nagising, nakapag-breakfast ng cereals with milk, nakapag-jerbaks at nakapag-hot shower for 30 mins. Kaysarap talaga ng umagang ito.

Matagal-tagal na din akong hindi nakapag-update ng blog. Kahit nga 2nd Anniversary namin ng blog ko last November eh hindi ko nagawang i-celebrate. Wala din akong naging Christmas post. Busy-busyhan kasi ako (kunyari) sa sex life trabaho. Atsaka, masyadong naging preoccupied ang utak ko sa ibang mga bagay-bagay. Marami talaga akong gustong isulat, pero ewan ko ba, hindi ako makagawa ng matinong blogpost nitong mga nakaraang buwan. Puro drafts, wala naman akong nai-publish.

Hindi na din ako masyadong nakakapag-bloghop. Sorry naman, pero laking pasasalamat ko sa mga kaibigan ko sa blogosperyo na kahit hindi ko nadadalaw ang mga blog nila eh patuloy pa din ang kanilang pagsuporta. Hayaan niyo, kasama sa mga resolutions ko ngayong taon ang pagiging aktibo ulit sa blogging at bloghopping. (Salamat din pala sa mga patuloy na nagbabasa ng blog ko kahit wala silang sariling blog. Nakaka-inspire ang mga comments at personal emails niyo.)

Kumusta naman ang 2009 para sa inyo? Ako, hindi masyadong naging maganda ang nakaraang taon para sa akin. Maraming rason, isa na dito ang pagkakatanggal ko sa una kong trabaho dito sa Singapore.

(Itutuloy)

38 comments:

  1. ang sakit sa puson. BITIN kasi.lols

    ReplyDelete
  2. naiintindihan ka kasi ng mga fans mo pare. bilisan mo pag post ng part 2 nito ha. nkakabitin eh.

    happy new year!

    ReplyDelete
  3. Sobrang Suspense, hawak ko na nga yung picnic tsaka coke habang nag babasa tapos itutuloy kagad!

    Happy New Year Brad!

    ReplyDelete
  4. Uy buti naman at nakapag-update ka dito ulit. It's been awhile Gasul!!!

    Happy New Year!!! Nawa'y matupad yang resolution mong more blogposts.

    ReplyDelete
  5. yay..
    happy new year muna!

    at tama ka sa mga plano mong gawin sa buhay mo ngayung 2010! magblog ka!
    magbloghop---magkwento--tumula atbp.

    hehehe. ayus lang yan!
    sa nakaraang post mo, sabi mo hindi ka nagrereklamo...pero parang puro reklamo yung laman nun..
    (peace:D)

    ReplyDelete
  6. @ Popoy: LOL. Talaga bang 'yan ang rason kaya masakit ang puson mo? Haha. = P

    ReplyDelete
  7. @ Kuri: Hapinuyir din. Within the week i-post ko ang Part 2. Baka nga me Part 3 pa. Haha. :)

    ReplyDelete
  8. @ Jepoy: LOL. Talagang me pagkaing hawak? Haha. = P

    ReplyDelete
  9. @ Gillboard: Bilib nga ako sa 'yo eh. Ang tyaga mong mag-blog at bloghop. Wala kang kupas! :)

    ReplyDelete
  10. @ Kosa: Pansin ko lang, laging kang nang-aaway sa mga comments mo. Suntukan na lang kaya. Haha. Hintayin mo kasi 'yung PART 2! LOL

    ReplyDelete
  11. ayos pala dito, ah
    pers tym visitor here
    sana nga maging maganda ang pasok ng tao para sa lahat
    see ya around

    btw, may discount ba pag santo nagpagas?
    hehe

    ReplyDelete
  12. @ Raft3r: Para sa 'yo libre. Dalhin mo lang kotse mo dito sa Singapore. Haha. Salamat sa pagdaan. :)

    ReplyDelete
  13. pinyuyir pre! andito ako para singilin na yung ipinangako mong taba. haha! buti ikaw mabilis makahanap ng bagong work.

    ReplyDelete
  14. pre, nakita kita last monday or tuesday ata dun sa may kallang place malapit sa tulay nag-aabang ka ng bus... dun ba sa area na un work mo? sa ingram micro ba?

    ReplyDelete
  15. Hahah! Ganun pala ang pinagbubusyhan mo ha...

    Happy New Year!

    ReplyDelete
  16. @ Gasti: Mabait ang Diyos eh. Teka sa Part 2 pa 'yan ng Year Starter Post ko. LOL

    ReplyDelete
  17. @ Anonymous: Mwahaha sino ka?! Hindi ako sa Ingram Micro. :)

    ReplyDelete
  18. @ Mangyan Adventurer: Hapinuyir din. Salamats sa pagdaan. :)

    ReplyDelete
  19. Buti ka pa busy sa sex life este trabaho...

    ReplyDelete
  20. oo nga, grabe sa aga ng post mo... lolz

    at ang picture... tsk tsk...

    ReplyDelete
  21. Pareho palla tayong nagstart magblog, Nov2007 din. Apinuyir. Update more! Ü

    ReplyDelete
  22. lurker lng pre... mahilig lng magbasa ng blog pero alang sariling blog... actually, one time nakita ko din si lyzius sa may singapore post centre... sige pre keep on writing...

    ReplyDelete
  23. ayay..busy daw sa sex life..ahahaha.
    blog regularly lang bossing...happy new year!

    ReplyDelete
  24. nakakatuwa ang mga pwet.

    happy new yr din mr famous gasoline dude. napadpad lang sa yong blog. akalain mo nga namang wala kang maisulat. lols

    ReplyDelete
  25. aabangan ko ang susunod na kabanata... hapi valentine na pala hahaha

    ReplyDelete
  26. paano ba magsulat habang papunta sa trabaho? ang galing mo kuya, hindi ko kaya yun. kailangan ko ng matinding concentration kahit na wala lang ang susulatin ko. yay.gusto ko na din magblog ulit!



    happy new year!

    ReplyDelete
  27. @ Glentot: Oonga, busy ako sa sex life este sa trabaho pala. Haha. :)

    ReplyDelete
  28. @ Axel: Sorry naman. Na-arouse ka ba sa picture? LOL

    ReplyDelete
  29. @ Chyng: Oo, pipilitin kong mag-update lagi. Pati pagsagot sa comments. Haha. :)

    ReplyDelete
  30. @ Anonymous: Kapag nakita mo ulit ako, magpakilala ka. Mababit naman ako, at hindi nangangagat. Hehe. Salamat sa pagdaan. :)

    ReplyDelete
  31. @ Maldito: Haha idol nga kita eh. Laging updated ang blog mo. 'Yung mga kasabayan mo nawala na parang bula.

    ReplyDelete
  32. @ Pablong Pabling: Haha hindi ako famous! LOL. Salamat sa pagdaan. Hindi naman sa walang maisulat. Wala lang minsang oras. :)

    ReplyDelete
  33. @ Chingoy: LOL. Napaaga ata pag-greet mo ng Happy Valentines. Haha. :)

    ReplyDelete
  34. @ Buninay: Ganyan talaga kapag laging mahaba ang biyahe papuntang opisina. Sa cellphone lang ako nagsusulat ng blogpost, tapos tina-transfer ko na lang.

    ReplyDelete
  35. oo na-arouse ako, natae ako sa sobrang arouse... ahahaha

    ReplyDelete