Tuesday, February 9, 2010

In Manila and Sick


Nandito na ako sa Pilipinas!

I'm currently enjoying my fourth day in my beloved country. I've been spending most of my time with family and close online friends, pero badtrip kahapon, nagsimula akong magkasakit! Right now I have a terrible headache and been sneezing non-stop. Meron din akong ubo at sipon kaya pumunta ako sa ospital para magpa-checkup kanina. :(

I will be flying back to Singapore this coming Friday. Nakakalungkot isipin kasi marami pa akong gustong gawin pero dahil nga may sakit ako, mukhang magba-bonding kami ng kuwarto at kama ko. Pero OK lang naman kasi that would mean more time with my Mom and less expenses. Pero sana nga gumaling na kaagad ako.

Salamat nga pala sa mga Blogger at Plurker at Twitter friends ko na nakipagkita at nakipag-inuman sa 'kin. Kahit bitin, nag-enjoy ako ng sobra sa ilang oras na pagsasama natin. At pasensiya na din sa mga hindi ko na-invite kasi balita ko marami ang nagtatampo. :(

Ayan sumasakit na naman ang ulo ko. Kailangan ko na ulit magpahinga. I will definitely write in full detail kung ano ang mga nangyari sa 'kin sa bakasyon ko from Day 1, pero baka pagbalik ko na lang ng Singapore.

I still have 2 days to roam around and experience Manila once again. Sana nga gumaling na ko bukas.

16 comments:

  1. get well soon. pahinga lang ang sagot dyan. may 3 days ka pa to enjoy manila.

    ReplyDelete
  2. ok lang yun alex... nakamove on na ako sa pagtatampo... pagbalik mo na lang... hahahaha

    pagaling ka!!!

    enjoy mo yung last few days mo dito sa manila.

    ReplyDelete
  3. Hey, you're home! Wee! but too bad uwi kna agad. Ang bilis tlaga pag nag-eenjoy ka.

    ReplyDelete
  4. brod! welcome back!-- sana nga gumaling ka agad nang maenjoy mo man lang kahit konti pa ang lupang sinilangan! ;)

    ReplyDelete
  5. i was there for two months but i still felt not having done everything i wanted. just manage your time well and enjoy a lot!

    ReplyDelete
  6. nagkasakit ka siguro sa dami ng gastos mo. hehe.

    pagaling ka pare.

    ReplyDelete
  7. get well parekoy.
    sayang ang bakasyon.

    aabangan ko ang masmarami pang kwentong bakasyon.. at sana maraming litrato:D

    ReplyDelete
  8. Pagaling ka parekoy, kaya ka nagkasakit ay dahil sobrang kang.....excited!hehheheh

    Saka mukha sigurong nakarami ka ng pokpok este ng beer kaya ka nagkasakit!

    Ingat bro!

    ReplyDelete
  9. Welcome to the pilipins!! Ok lang yan atleast nakauwe ka kahit saglit ngkita kyo ulit ni momskie womskie mo..ngbabasa parin ako dito hindi nga lang ngkokoment :p

    Pagaling kana at ng makarampa pa!

    ReplyDelete
  10. oo magpagaling ka na.. itxt mo lang ako if you want to have lunch or dinner or what ok? k payn.

    ayz

    ReplyDelete
  11. ako naman everytime na umuuwi ako ng pinas eh nawawala ang boses ko o kaya eh malat...ewan ko ba..ang arte arte lang ng lalamunan ko..ahahaha!

    enjoy!

    ReplyDelete
  12. It always happen--sa mga balikbayan na nagbabakasyon. Parang kailangan mag adjust uli ng katawan sa init, alikabok at lamok. hihihi!

    ReplyDelete
  13. Magaling ka na?.. Mukhang di na tayo magkikita ulet ah, di mo naman kasi sinabi sken number mo. Bibigyan pa naman sana kita ng lambanog para madagdagan pa ang bilang ng taong nilasing mo, hehehe. Ingat sa byahe mo bukas! See you in July! :)

    ReplyDelete