Sunday, February 28, 2010

Going Back?


I just got the most surprising phonecall.

It was someone from the past. My former BOSS!

Naalala niyo ba 'yung kinukuwento ko dati na na-retrench ako sa una kong trabaho dito sa Singapore? Naging isang malaking problema 'yun para sa akin. Mapapauwi kasi ako sa Pilipinas ng wala sa oras kapag hindi ako makahanap ng panibagong trabaho sa lalong madaling panahon.

The business was really bad last year because of the economic crisis. At dahil ako ang pinakahuling na-hire ng kumpanya, ako din ang unang pinakawalan. Masaklap, pero wala akong nagawa. Kailangang tanggapin ang kapalaran. Mabuti na lang at talagang mabait ang Diyos, in a matter of two to three weeks, nakahanap kaagad ako ng trabahong kapalit.

Last Friday habang sobrang busy sa opisina, nag-ring bigla ang cellphone ko. Hindi ko kilala kung sino ang tumatawag, pero sinagot ko pa din. Narinig ko bigla ang isang pamilyar na boses.

"Hey man, how are you?"

Si Rahul! Ang Indian kong boss sa dati kong kumpanya!

Taas-noo ako sa boss kong 'yan. He's one of my best mentors whom I highly respect. Mabait. Matalino. Very pleasant at personable. Although meron siyang mga business views and decisions na hindi ko sinang-ayunan, marami pa din akong natutunan sa kanya. And I love his family. He has a very loving wife and two cute kids.

Kinamusta niya ako. Tinanong kung saan na ako nagta-trabaho at ano na daw ba ang balita sa akin. Nag-kuwento naman ako tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko.

Tapos 'eto na ang mga sunod na nangyari:

RAHUL: I'm thinking of bringing you back to the company.

AKO: *speechless*

RAHUL: The business is picking up this year. I want to rebuild the team. I want you to be part of it.

AKO: *speechless*

RAHUL: Think about it over the weekend. I will call you again by Monday, then we'll discuss.

AKO: OK. Great to hear from you again. I'll talk to you on Monday.

Kaya bukas, mag-uusap kami ni Rahul.

Abangan na lang ang susunod na kabanata.


27 comments:

  1. Yes, naalala ko ito.

    Mas gusto mong bumalik sa dati mong trabaho kaysa ipagpatuloy ang work mo ngayon? Good luck! (,"o

    ReplyDelete
  2. if ever tatanggapin mo siya ulit, make sure na this time hindi ka mabibiktima kung kelangan nanaman magretrench ng business.

    kasi sayang kung stable ka na sa trabaho mo ngayon tapos mauulit lang yung nangyari sa'yo last year.

    ReplyDelete
  3. kung ano man ang mangyari at maging decision mo sa pag-uusap nyo, God bless dude!

    ReplyDelete
  4. May the Lord give you wisdom in your decision bro. ;)

    ReplyDelete
  5. Asset ka talaga!
    Demand for a higher pay ha. Ü

    ReplyDelete
  6. Oo alam ko yung tungkol sa retrench retrench na yan dati! at dahil sa post mo na yun dun na rin nagsimula ang pagcocomment sa iyo na mayabang ka daw??? naalala ko pa syetttt!hahaha

    Eh gudluck parekoy, pero kung ako tatanungin mo (kung lang naman),di na ako babalik sa dati kong kumpanya! Nagawa na nila akong alisin dati, ano ang kasiguraduhan kong di nila ako tatangalin pagtinggap mo uli sila.heheh

    ReplyDelete
  7. isang malaking sorpresa kung anu ang magiging Desisyon mo parekoy.

    Aabangan namin yan!
    goodluck

    ReplyDelete
  8. So tinanggap mo ba ang bagong offer..Please hire me kung nasa recruitment ka mapupunta hahaha

    ReplyDelete
  9. Base? Hahaha go go go... Malay mo malaking break yan... sabi nga ng Skyflakes, kagatin mo!

    ReplyDelete
  10. aabangan ko po talaga..hehehe im a new reader nga po pala..^_^

    ReplyDelete
  11. @ RJ: Hehe hindi naman, napag-isip lang. Salamats. :)

    ReplyDelete
  12. @ Gillboard: Siyempre isa 'yan sa mga naging considerations. Ayoko na idn kasi maulit 'yung dati. Kaka-trauma.

    ReplyDelete
  13. @ Chingoy: Salamats! :) (Puro ata pasasalamat ang magiging comments ko. LOL)

    ReplyDelete
  14. @ Chyng: Hahaha oonga! Good idea! LOL

    ReplyDelete
  15. @ Drake: Naks naalala niya. Oonga me umaway sa 'kin nun dahil sa post ko. Ampf. Pero OK lang, napatawad ko na siya. Hehe. :)

    ReplyDelete
  16. @ Jepoy: Balak mo din ba mag-abroad? Baka malungkot si Glentot. Hehe. :)

    ReplyDelete
  17. @ Glentot: Alin ang kakagatin ko? Iba ang pumasok sa utak ko eh. LOL

    ReplyDelete
  18. @ ♥superjaid♥: Teka nakadalaw ka na ata sa blog ko dati, hindi pa ako nakadalaw sa 'yo. Mamaya mumultuhin kita. Woo hoo! Hehe salamats sa pagdalaw. :)

    ReplyDelete
  19. yan yata ung sinasabi nilang pag may nagsarang pinto, may magbubukas na bintana.....kungdi man masyadong bongga ang lovelife, bumawi sa career! hahaha.....and yes, naalala ko nga rin ung blogpost mo na un......choose wisely!

    (feeling close....lol)

    ReplyDelete
  20. naks naman!
    asset na asset nga...

    wednesday na.. anu ang nagyari sa usapan?
    hehehe
    hindi naman ako tsimosa...

    wento na!

    ReplyDelete
  21. so any news na?
    kung masaya ka lang naman, which i can see you enjoyed it there, why not go bak di ba?

    Godbless sa iyong choice bossing.

    ReplyDelete