Monday, May 24, 2010

Three Weeks


I met someone.

Matangkad. Maputi. Matalino. Maganda. Malaysian Chinese. (5M?) But she's young at 22 and still a student.

She's also the reason for my 'heartache' recently.

Nakilala ko siya sa Internet. (Don't ask for details kung paano dahil hindi ko ikukuwento. LOL) Nung una ko siyang makita, na-mesmerized akong sobra. Nakakatunaw ang mga ngiti niya. Pero nasabi ko sa sarili ko na she's out of my league. Masyado siyang perfect para sa 'kin in terms of appearance. Magmumukha akong alalay kapag katabi siya. Hindi naman sa sinasabi kong panget ako, pero wala lang, insecure lang ako and she's just too pretty for me.

At isa pa, hindi siya Pinoy. Ayoko sana sa hindi Pinoy. Baka kasi hindi kami magkaintindihan. Baka hindi kami magkasundo.

But despite my insecurities and doubts, I took my chances. I still pursued her. We dated, and she showed so much interest. Hindi ako makapaniwala na magkakagusto ang isang tulad niya sa isang tulad ko. Lagi kaming nagkikita after work. Kumakain kami sa labas. Nanonood ng sine. Nag-uusap at nagcha-chat every night. Nagbibigayan ng regalo sa isa't-isa.

We also shared some intimate moments together.

I was very happy. Cloud 9, 'ika nga. Para akong lumulutang. Akala ko SIYA na.

Pero nagkamali ako. After three weeks of dating, natapos ang lahat. Bigla ata siyang nagising. Suddenly, she has lost interest in me.

She became cold towards me. Alam kong may problema, but she was giving me all these excuses. Kesyo exams daw niya, at maraming activities sa school. I gave her the benefit of the doubt. Hinayaan ko siya, and I gave her the time and space that she needed.

Pero hindi ko natiis. After a few days, I asked her if we could talk. And then she told me the truth.

Sabi niya, kahit daw attracted siya sa 'kin, na-realize daw niya na wala kaming chemistry. She would want to date other people, and be open to other options. And then she offered her friendship.

FFFUUUCCCKKK!!!

May katangahan pa akong ginawa after that. It was a desperate move. Pero saka ko na lang ikukuwento.

Right now I'm tired. Two heartbreaks in a span of three months! And this has always been the case. Lagi na lang akong naiiwanan. What is wrong with me?! Parang lagi na lang sa akin 'yung problema.

But now I'm trying my best not to think about it too much. Nakaka-drain. I'm trying to focus on my work and other things. Ayokong masyadong ma-attach sa kanya. Ayokong ma-depress sa mga nangyari.

I'm trying to move on. Again.

Kaya pahinga muna ako. Ayoko munang makipag-date kahit kanino.

56 comments:

  1. hmm, siemps yoko naman magbigay ng opinion kung paano mag move on. ako na yata ang tatanga-tangahan pagdating sa mga ganyang bagay. alam mo naman ang desperate move ko dati di ba?

    pero kung kailangan mo ng makakausap lagi naman akong OL o kaya email mo ako. =)

    ReplyDelete
  2. @ Anonymous: Sino ka? Bilis mag-comment ah. Nag-eedit pa ko ng post eh. Hehe. :)

    ReplyDelete
  3. hay naku siempre, tatanga tanga na naman ako sa hindi paglalagay ng pangalan sa comments section mo. haha. si anna ito.

    obvious na obvious na petiks sa opisina eh. =)

    ReplyDelete
  4. @ Anna: Haha na-figure out ko nga na ikaw 'yan. Wala lang, 'wag mo na lang itanong kung bakit ko nalaman. Haha.

    ReplyDelete
  5. :-(

    Na speechless ako dun...

    Teka ayaw gumana ng utak ko... Uhmmm! Inuman nalang libre kita gusto mo pati spa LOL.

    Andito lang ang iyong mga blogger friends if you needed someone to talk to hokey...

    Kundi makuha sa santong dasalan santong paspashan hihihihi. Pinatatawa lang kita!

    Ingat parekoy...

    ReplyDelete
  6. kaya pala, parang pati sa pag ba- blog, mejo nawalan ka ng gana.....

    ay naku na-experience ko na rin yang "heart-ripped-out-of-your-chest-and-cut-to-pieces-by-a-chainsaw" pain na yan...pero eto lang ang masasabi ko, lilipas din po yan......

    sana maging okay ka na! aja! aja!

    ReplyDelete
  7. @ Weng: Yup. Time heals all wounds. :)

    ReplyDelete
  8. Ayos lang yan marami pa naman iba jan eh sabi mo nga gusto mo Pinay.

    ReplyDelete
  9. parekeoy, hindi kaya ang problema eh parang finoforce mo na ng sobra yung sarili mo para magkaroon ng karelasyon?

    wala ako sa tamang posisyon para mag bigay ng payo....mas marami kang karanasan keysa sakin..

    siguro ang masasabi ko lang...dito lami kaming mga kaibigan mo...at itulog mo nalang yan.

    he he he

    ReplyDelete
  10. I'm sorry jan sa nararanasan mo kuya gas.

    I guess we're left with no choice but to find that perfect one pa rin.

    ReplyDelete
  11. ok lang yan. believe me. ;)

    ReplyDelete
  12. Oopps, tinamaan ako dun ha.
    Nextime guard your feelings, di dahil mukhang interested yung girl (o guy) means yun na yun. Testing stage lang yan.

    ReplyDelete
  13. @ Glentot: Pero ngayon mas open na ako sa ibang nationalities. (Gumaganown? LOL)

    ReplyDelete
  14. @ Maldito: Pwede din, kasi hindi na din ako bata. Wah! :)

    ReplyDelete
  15. @ Jerick: Hehe kakapagod din eh. :(

    ReplyDelete
  16. @ Chyng: 'Yun nga eh, para akong newbie sa pag-handle ng mga ganitong situations. Hindi naman ito 'yung unang beses na na-experience ko 'to.

    ReplyDelete
  17. sugod lang ng sugod... naranasan ko din yan... nung isang linggo lang.. medyo naagapan lang kaya okay na kami.

    darating din siya... be patient.

    ReplyDelete
  18. ganito muna gawin mo habang ayaw mo pang makipag-date sa iba, i-date mo muna sarili mo para maibalik mo yung dating ikaw. :)

    ReplyDelete
  19. akala ko ba Malaysian ang puntirya mo hehehe...

    enwey brod, whatever will make u happy, suportahan ta ka... :)

    God bless!

    ReplyDelete
  20. big hugs for you gasul.

    sabi nga diba, kahit sobrang cliche na, OK LANG YAN. hindi pa sya ang para sayo.

    wag magsawang magmahal. susuklian din yan soon.

    tsaka ganun talaga kapag gwapo at maganda ang katawan, lagi nagagamit at iniiwanan. SMILE. :)

    ReplyDelete
  21. teka lang hahawiin ko lang yang bangs mo.

    Brohug for you kuya :D

    ReplyDelete
  22. @ Gillboard: Hehe buti ka pa. Umaariba ang lablayp.

    ReplyDelete
  23. @ Andy: Huwaw! Ayos 'yang suggestion mo. Sige gagawin ko 'yan. Hehe. :)

    ReplyDelete
  24. @ Chingoy: Si Carmen Soo kasi eh. Siya ang may kasalanan kung bakit ako nahuhumaling sa mga Malaysians ngayon. Haha. :)

    ReplyDelete
  25. @ aajao: Walang epekto ang epektos. Nyahaha jowk lang.

    ReplyDelete
  26. baliktarin natin yung situation..
    masyado kang furpek para sa kanya parekoy....

    teka teka,
    parang gusto kong makinig kay andrewE. hehe. joke:D

    ReplyDelete
  27. @ Popoy: Sarcastic ba 'yang pagkakasabi mo ng maganda ang katawan? Ampf.

    ReplyDelete
  28. finding the right one for you is really not that easy..just take your time kuya..mend your broken heart first..^_^

    ReplyDelete
  29. woi woi.. tama na yan inuman na! painom ka naman... lapit lapit lang eh!

    ReplyDelete
  30. @ ♥superjaid♥: Medyo OK na naman ako ngayon. Salamat. Na-add na pala kita sa blog roll ko, kanina lang. :)

    ReplyDelete
  31. @ Bulakbolero: Haha hindi ko naman berdey. LOL

    ReplyDelete
  32. blog hopping... don't sweat it dude, there are plenty of fish in the proverbial ocean hehe.

    ReplyDelete
  33. you know gasul, this post tells me you are one of a kind. hindi tulad ng ibang lalaki diyan, hmp. LOL. tama ang advice mo sa sarili mo dude, move on at pahinga muna. someday! someday! darating din ang tama, at yung iiwan mo naman. hindi jokleng. you'll find it when you least expect it, naks!

    ReplyDelete
  34. napadaan at nakibasa dito ayun oh naintriga ako kaya comment mode hehhee~~~
    hmm ang masasabi ko lng madami pang girls jan na may chemistry kau hehehe,,,
    wait k lng kay ms right na dumating~~ayeiii

    ReplyDelete
  35. darating din si Ms. Right Girl for Gasoline Dude one of these days. antay ka lang. baka parating na. na-traffic lang. :D

    happy weekend!

    ReplyDelete
  36. Hello Gasoline Boy, dumaan lang ako para magpakarga ng gasolina.

    Pamilyar sa akin ang sakit pero tulad nga ng sabi ng mga naunang nagcomment dito, lilipas din yan.

    Darating ang tamang taong darating sa istasyon mo, magpapakarga, magpapafull tank at isasama ka para sa road trip ng buhay nya.

    Lagi akong dadaan dito, tapos add na rin kita sa blogroll sa planeta ko.

    God bless. :-)

    ReplyDelete
  37. Naku bossing, i have the same set of story. Medyo masakit nga lalo na kung bigla na lang lalabas ang magic word na Friendshiiiiiiiiip!

    Pero tama ka ipahinga mo muna ang puso mo. Just like me pass muna ako sa dating! Pero look at the brighter side, a new beginning awaits you! A new one is coming!

    ReplyDelete
  38. the best way to move on is to date again
    =)

    ReplyDelete
  39. kaya ako e natuto na rin. mas gusto kong kinakaibigan muna ang babaeng pede kong ligawan. :)

    ReplyDelete
  40. Ouch! Ouch! That kinda' hurts! Pero ok lng yan parekoy, marami pa jan na mas bagay sau...

    Inuman na lang tayo! hehehe...

    ReplyDelete
  41. @ Binchee: Thanks. Proverbial? Nosebleed ako dun ah. Just kidding. ;)

    ReplyDelete
  42. @ prinsesamusang: Hahaha natawa ako sa comment mo. Kailangan talagang ako ang mang-iiwan? LOL

    ReplyDelete
  43. @ 언니: Bakit kasi meron pang chemistry chemistry na nalalaman? Muntik nga akong bumagsak diyan nung college eh. LOL

    ReplyDelete
  44. @ the scud: Yeah haha after what happened, I don't wanna be in a hurry anymore.

    ReplyDelete
  45. @ Dorm Boy: Haha sige ikaw naman ang mag-share ng experiences mo, at ako naman ang makikibasa. Hehe. :)

    ReplyDelete
  46. @ Raft3r: Good point. Hayaan mo, bukas na bukas din maghahanap ako. Hahaha! :)

    ReplyDelete
  47. @ Pablong Pabling: Good point! Friendship is the root of all love. Tama 'yan! :)

    ReplyDelete
  48. pasok ba test comment?? nyahaha...sorry d2 pa ako nagttest :)..

    pag pumasok... eto ang comment ko....ok lang yan dude...trial and error....pag umokey e di ok, pag hindi e di ok lang din..

    "everything will be ok in the end, if it is not ok, then its not yet the end" (really hope it make sense haha)

    cheer up dude!

    ReplyDelete
  49. minsan talaga nakakapagod humanap ng taong mamahalin natin at mamahalin tayo pabalik. tingin ko wala talagang ideal girl. sa kakahanap ng taong malapit dun sa term na ideal, nagkakaroon lang ng disappointment. pero sa mga nagmahal na dati, kahit mahirap, sulit lahat pag nahanap na ang karapat dapat.sabi mo nga parang nasa Cloud 9. Good luck sa paghahanap.

    ReplyDelete
  50. @ Kikomatching... meron namang ideal girl, kaw naman!, kaso nga lang, taken na nyahaha...and one thing, wag mo kasi hanapin, darating na kusa yan... in His own sweet time sabi nga....and true, dont expect, for expections invites disappointments......(blog mo ba kiko at sau ako nagcocoment) hehe..

    nakikicomment lang po gasdude!

    ReplyDelete