Friday, June 18, 2010

EXCITED!


1. Lilipat na ako ng bahay simula next month. Tapos na kasi ang contract namin sa Woodlands na tinirahan din namin ng halos dalawang taon. WAH! Mamimiss ko ang Woodlands! Kahit more than an hour ang binibiyahe ko araw-araw papuntang opisina dahil sa sobrang layo, marami din naman akong naging magagandang ala-ala dito. :(

Sa kabilang banda, excited na din akong lumipat sa aking bagong tirahan. Maganda ang lugar, at di hamak na mas malapit sa trabaho ko. Mga Pilipino din ang makakasama ko sa bahay, at mukha naman silang mababait. Sana nga makasundo ko sila.

2. Pupunta si Momski Womski dito sa Singapore next week! Magbabakasyon siya for about three weeks, kaya magkakasama na kami ulit! Excited ako kasi makikita niya ‘yung bagong bahay, at isa pa, dadalhin ko kasi siya sa Kuala Lumpur over the weekend para naman maranasan din niyang makapunta sa iba't-ibang lugar. Last year sa Indonesia ko siya dinala, so this time sa Malaysia naman. Sana magustuhan niya ang mga pinaplano ko para sa kanya.

3. Uuwi ako ng Manila sa October! Nag-sale ang Jetstar Asia simula kahapon kaya naman napa-book ako ng flight pauwi ng Pilipinas. Four days lang ang ilalagi ko kaya kailangang masulit ang bakasyong ito. Sa mga hindi ko na-meet and greet last February, heto na ang chance nating makapag-inuman at makapag-kiskisang siko. Ilibre niyo ko ha! (Calling Chingoy! LOL) Hehehe kitakits! :)

17 comments:

  1. hanep, humabol ang pangalan ni Chingoy :))...

    sige sir, ipaparedi ko na ang wonder sisig at mocha frap (na pinagtakahan ng customer kung bakit daw malamig! hahahaha)

    kitakits!

    ReplyDelete
  2. Magugustuhan nya un cuz! i know! Enjoy!

    ReplyDelete
  3. sana this time magparamdam ka... nang makatikim naman ako ng something from singapore... hehehe

    ReplyDelete
  4. Ang yomon yomon talaga!!!!! Maka pag pa book nga sa jetstar libre mo ko F1 baka nandyan ako bilis!

    I'm sure mag eenjoy si Mudrax mo sa iyong planong pag papasyal sa kanya...hihihihi

    At kelangan 4 days lang sa pinas?! Parang nag bora lang?! Kelangan imbayted ako sa bonggang pa dinner mo hihihi

    ReplyDelete
  5. Dumiretso ka sa Kaffe Razzo!

    ReplyDelete
  6. nasa singapore ka pala...bilis ng bakasyon mo apat na araw - bakit kaya pag nag babakasyon e mas nakakapagod.

    ReplyDelete
  7. Nice one dude! I am sure magiging super happy mom mo! Sana masulit nyo ang time together! Yahooo!

    ReplyDelete
  8. ang ikli naman..apat na araw lang..hahah pajoin sa meet and greet!! LOL FC lang :D

    ReplyDelete
  9. wow...sa october din ang punta ko ng manila...banggaan nalang tau pag nagkasalubong..ahahha..

    one thing for sure....dadaan ako kina chinggoy!

    ReplyDelete
  10. Ikaw na ang paboritong anak ng Dyos! Ang dameng pera!

    Pupunta ako sa Singapore hopefully by next year (hopefully lang naman) kaya ilibre mo ako kahit man lang MAMI (saka isang magandang chick)hahahah

    ingat

    ReplyDelete
  11. alam mo bang isa ka sa topic namin ni Ayz nung birthday nya. Tuwang-tuwa kami sa'yo dahil mahal na mahal mo ang nanay mo.

    ReplyDelete
  12. Okay 'yan, sir!

    Baka pwedeng sumama sa'yong meet and greet?

    ReplyDelete
  13. pareho tayong magre-reunion ng mga nanay natin. almost three weeks din.

    at uuwi ka na naman dito sa oktubre? makiki-octoberfest ka lang eh. hehe... may alam akong masarap na kainan bukod sa Kafferazzo. try nyo rin sa EDONG'S. ;)

    ReplyDelete
  14. buti naman uwi ka ulet ng pinas. invite mo ko pag magpainom ka ha. hehe

    ReplyDelete
  15. yey mapapainom mo na rin ako!

    ReplyDelete