Thursday, June 24, 2010

Illuminate


" I miss you. :("

'Yan ang nabasa kong shout-out mo sa Tweetbook. Bigla tuloy akong napaisip. Ako kaya ang tinutukoy mo? Pero imposible. Kahit kailan naman hindi ako naging malakas sa 'yo. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa 'tin, siya pa din ang pinili mo at hindi ako.

And it's been almost three years.

Hindi ko na pinagpatuloy ang pag-iisip. Nanuod na lang ulit ako ng World Cup via streaming. England vs. Slovenia. Ayokong manalo ang mga Briton.

Bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, isang long-distance SMS. Galing sa Pilipinas.

Galing sa 'yo.

"No reaction. Hmp."

Natawa ako. Alam mo kasing lagi akong nakaabang sa mga shout-outs mo sa Tweetbook. Mukhang tama ang hinala ko, pero siyempre ayoko munang mag-assume. Kaya nag-reply ako.

"I miss you too. Ako ba 'yung na-miss mo? LOL"

"Hahaha. :)"

"Tinawanan mo lang ako. Hindi talaga ako malakas sa 'yo. Pero seryoso, ako ba?"


Ang reply mo, "Oo, ikaw."

Napangiti ako ng todo-todo. Kahit ang dami kong problema ngayon, parang napawi lahat ng dahil sa sagot mo. Gusto ko tuloy umuwi ng Pilipinas para lang mayakap ka at mahagkan.

Ang problema, complicated pa din ang sitwasyon. Hindi pa din puwedeng maging tayo kahit halos tatlong taon na ang nakakaraan. Hindi mo pa din siya magawang hiwalayan kahit na he's treating you like shit up to now. Sinasabi mo sa 'kin kung gaano mo ako kagusto, pero siya pa din ang mahal mo.

Isa pa, magkalayo tayo.

Pero masaya na ako sa kung ano man meron tayo. We have a special friendship beyond compare. Kahit matagal na akong umalis ng Pilipinas, we still manage to talk and update about each other's lives.

Pero mas masaya sana kung naging tayo. If only you could let my light illuminate your dark, lonely life...

20 comments:

  1. nagiging tungkol sa lovelife mo ang mga entries mo dito gasul. hehehe. which i think is good naman.

    for me, siguro mas ok na rin yung relationship nyo ngayon. mas masaya diba? mas nakakangiti ka. walang pressure.

    enjoy enjoy lang. hindi natin ang mangyayari sa hinaharap :)

    ReplyDelete
  2. Pre iba ang "I miss you" sa "I love you".......

    Hehhehe sorry naman SPOILER ako!hahhaa

    Pero totoo yun! Namiss ka lang ng tao at mahirap pa ring iequate yun sa mahal ka pa rin nya hanggang sa ngayon.

    Siguro pag ready na nyang igive up ang BF nya ngayon, siguro pwede ka ng umekstra sa buhay nya. Pero hanggat sila pa rin, mahirap pa ring mag-assume!

    Ingat parekoy,alam kong matatagpuan mo rin ang babae para sa iyo!naks!

    ReplyDelete
  3. kinilig ako sa kalandian mo insan. hahaha!

    ReplyDelete
  4. si Jepoy to di ba?

    nakita ko sa twitter eh.

    Heath and Jake! loljk

    saka brohug ulit para sa'yo kuya :D

    ReplyDelete
  5. :-(

    Hindi ko alam ang icocoment ko speechless mode.

    what daming what if's but we can't hold on to that. It's true at least friends kayo and you should start the ball rolling from there see where life will lead both of you.

    Goodluck brader! Kampay!

    ReplyDelete
  6. may tamang panahon din yan. at pag dumating yung panahon na yan, yung 3 taon na hinihintay mo, parang ang bilis lang na dumaan yun.

    pero sa ngayon, be happy with what you two have.

    good luck gasul!!!

    ReplyDelete
  7. awts... meron bang click dislike dito? piz!

    ReplyDelete
  8. tama yan parekoy...
    wag munang mag-assume! hehe
    baka naman isa lang sya sa mga paasa.

    pero malay mo... hehe

    pero kanina lang may nabasa akong shout sa FB..
    ito yun
    "ang pagibig, hindi yan hinahanap. Hindi rin yan hinihintay. Inaagaw yan! Bwahahaha"

    baka makatulong lang..lols


    asan na picture greeting ko? hahaha:D

    ReplyDelete
  9. ang hirap naman ng ganyan..sana ikaw na lang yung pinili nya kuya..

    ReplyDelete
  10. I miss you too.. mwahugs..
    lolz!!

    ReplyDelete
  11. complexities ng buhay...parehong may gusto pero hindi naman pwede...pero i believe na lahat naman ng results ay mag dedepend sa actions natin..

    whatever it will be, good thing your both happy.

    malay mo...malay mo...

    ReplyDelete
  12. sadyang may mga bagay na kahit gustong gusto natin e hindi naman natin makuha...

    http://anindecentmind.blogspot.com/2009/07/buhol.html

    ReplyDelete
  13. Nakakatuwa naman ang kwento mo parekoy. Sana ako rin me makamiss din sa akin. I like the last line, pahiram pards ipost ko lang sa wall ko sa FB.

    ReplyDelete
  14. ang landi mo gasul! hahaha. kilig to the bones eh. LOL.

    ReplyDelete
  15. ang salitang miss ay misleading, haha!

    ReplyDelete
  16. weew! nakakabaliktad ng isip yang mga text na ganyan haha! It will make you think na oo, na medyo hinde.

    Whatever the conclusions will be, sana walang regrets in the end kuya gas.

    long live! :D

    ReplyDelete
  17. pinakamalungkot na yata ito na nabasa ko. gusto pareho pero hindi pwede. gawan mo na lang ng paraan gasul!

    ReplyDelete
  18. pinakamalungkot na yata ito na nabasa ko. gusto pareho pero hindi pwede. gawan mo na lang ng paraan gasul!

    ReplyDelete
  19. AWWWWW :( na sad ako..

    ReplyDelete