Sunday, July 18, 2010

Grateful


Maybe it's time to go back.

Plano ko sanang tumigil muna sa pagba-blog dahil sa hindi magandang nangyari kamakailan lang. Dahil sa blog na ito meron akong nasaktan. Meron ding nagalit at nagwala, pero ang pinakamasama sa lahat, merong naghiwalay. Dahil sa blog na ito, isang relasyon ang tuluyang nasira. Isang pagkakaibigan din ang maaring mawala na.

Ngunit hindi pa nakakaraan ang isang linggo, nandito akong muli. You might want to ask, "Bakit ka kaagad bumalik?"

Pagkatapos kong ilathala ang 'hiatus' post ko nung isang araw, nakatanggap ako ng mga emails at YM messages galing sa mga taong hindi ko akalaing nagbabasa at nagbabasa pa din hanggang ngayon ng mga isinusulat ko. Sila 'yung mga taong wala namang blog at nadiskubre lamang ang aking gasolinahan by accident dahil kay Mr. Google. Sila din 'yung mga taong tahimik na sumusubaybay at nagbabasa dahil hindi naman nila gawaing makikulit sa pagbibigay ng komento o opinyon. Sila talaga 'yung masasabi mong totoong 'followers' dahil hindi naman sila humihingi ng kahit na anong kapalit, tulad ng x-links, comments sa sarili nilang blog o kung ano pa man.

Nakakataba lang ng puso ang mga isinulat nila. Mula sa pasasalamat at papuri dahil sa kung paano ko daw sila napatawa (kahit hindi naman ako komedyante), napaiyak (kahit hindi naman ako dramatic actor), at na-inspire (kahit hindi naman ako pari), hanggang sa pagbibigay nila ng payo, suporta, at kung anu-ano pang words of encouragement. Hindi ko naman akalain na ganun na lamang ang magiging impluwensiya ko sa kanila. Sino ba naman ako, 'di ba? Isa lang naman akong nilalang na minsang nagtrabaho sa isang gasolinahan.

Sobrang salamat sa inyo, at kilala niyo na kung sino-sino kayong mga pinasasalamatan ko. Hindi ko talaga alam ang bilang ng nagbabasa ng blog na ito (lima? apat? tatlo?), pero lubos akong nagagalak sa pagbibigay niyo ng oras at panahon sa pagsubaybay dito. You made me realize that... YES, there is power in the Internet and YES, there is power in blogging. BUT, there's also power in US. We make our own destinies, we are in control of our own actions, and we also reap what we sow.

Gusto ko sanang gamitin ang blogging sa mas magandang paraan. Kahit EMO pa din ako most of the time, gusto ko pa ding ipagpatuloy ang pamamahagi ng mga experiences ko bilang isang OFW dito sa Singapore. Gusto kong ihayag dito ang mga saloobin at opinyon ko sa mga nangyayari sa aking paligid, at gusto kong magpatuloy na kapulutan niyo ito ng aral at inspirasyon (kahit may kaunting doubt). LOL

Kaya nga't muli akong nagbabalik... dahil KAYO, aking mga mambabasa, ang mga naging inspirasyon ko. At walang halong stir 'yan.


30 comments:

  1. o, buti naman bumalik ka na ulit kuya alex. :)

    ReplyDelete
  2. "Kayo ang BOSS ko..."

    P-Noy???

    welcome back brod... ako kaya???

    ReplyDelete
  3. Tama yan Gasul, buti naman at naisipan mo uling bumalik.

    Ganun naman talaga eh, minsan may mga taong masasagasaan natin dahil sa mga naisulat o nasabi natin. Pero ang mahalaga hindi tayo titigil sa pagpapahayag ng mga saloobin natin. Siguro nga konting ingat na lang sa mga bibitawang salita.

    Yun lang parekoy at kailangan may picture tlaga sa huli!lOLS

    Ingat

    ReplyDelete
  4. kuya ex-links po tayo.

    saka penge pong testi sa friendster. LOL

    ReplyDelete
  5. kaya nga sabi mo, "indefinite hiatus" ibig sabihin, anytime pwede kang bumalik. buti bumalik ka agad. nagdedicate pa naman ako ng isang blog post dahil sa previous post mo.

    ReplyDelete
  6. hey, welcome back. charge it to experience, ganun talaga eh, minsan may mga nasasaktan tayo kahit di naman intentionally. just keep on blogging man.

    ReplyDelete
  7. @ Jerick: Oonga eh, kahit sandali lang naman akong nawala. LOL

    ReplyDelete
  8. @ Chingoy: Hahaha hiatus ka din ba? Masyado ka kasi atang busy sa businesses mo. :)

    ReplyDelete
  9. @ Drake: Kailangan ko na atang gumawa ng isa pang blog para naman sa mga mas pribadong kuwento ng buhay ko, para naman wala ng nagagalit sa 'kin. LOL

    ReplyDelete
  10. @ aajao: Oonga eh, nabasa ko na. Salamat sa special mention. Sana maabot ko din ang naabot mo pagdating sa blogging. Hindi biro ang... 7 years ka na nga bang blogger?

    ReplyDelete
  11. @ Lawstude: Salamat. Ang totoo niyan, kaya ako nawala ng sandali eh inaayos ko 'yung travel blog ko. LOL. Inggit ako sa 'yo eh. Haha. ;)

    ReplyDelete
  12. pito-pito. LOL. kaya lang, di ba? kaya ka nga nagba-blog para masabi mo LAHAT, as in LAHAT ng gusto mong sabihin kase KULANG ang blog post mo kapag may itinago ka.

    ano namang silbi ng private blog kung ikaw lang mag-isa ang fan doon? boring yun. hehehe. yun siguro ang con ng blogging. masyado nae-expose ang buhay natin na yung minsan kahit hindi na dapat malaman ng iba, nalalaman pa. pag hindi mo naman sinabi, parang napigilan ang kalayaan mong magsulat.

    gulo ano? haha

    ReplyDelete
  13. that's nice! so i guess don't let them down. hehe, and welcome back!

    ReplyDelete
  14. @ aajao: Magulo nga. Iinom na lang natin 'yan ng kape pagpunta ko diyan sa October (dahil hindi ka naman mahilig sa beer). LOL

    ReplyDelete
  15. @ TDB: Thanks for visiting my blog. :)

    ReplyDelete
  16. ayokong magkoment sa nangyari kasi wis ko knows... magkokoment na lang ako sa pananagalog mo. as usual, amazed na naman ako. :) malalim but still sounds spontaneous. :)

    ReplyDelete
  17. welcome back!

    teka teka, sino sino ba yung mga na-involve at parang basa ko eh bloggers din? tama ba ako? hmmmm :)

    ReplyDelete
  18. Yung bandang huli parang inauguration na ah hahhaa nice to see you back

    ReplyDelete
  19. walang anu man tsong!

    at kung magbibilang ka man ng readers at TUNAY na TUNAY na followers mo, count on me. hehe

    welcome back:D

    ReplyDelete
  20. @ Buninay: Malalim ba? Haha salamat sa compliments. :)

    ReplyDelete
  21. @ Andy: Tsismoso! Jowk lang. Hmmm hehe tama ka, bloggers din sila... Oi salamat sa pagbisita dito. :)

    ReplyDelete
  22. @ Glentot: LOL! Inauguration? 'Di nga? 'Di ko kasi napanuod. Kaya pala ganun 'yung comment ni Chingoy. Hahaha. :)

    ReplyDelete
  23. @ Kosa: HOY! Pwede pa bang humabol sa picture greetings mo?

    ReplyDelete
  24. Gasul, ang lapad na ng noo mo!
    :D

    ReplyDelete
  25. blogging is an outlet.. pero totoo yung dapat careful ka lalo pag medyo sensitive ang wento mo...pero in as much as outlet nga yan..dont name names na lang..o kaya medyo ibahin mo ang wento...like sa halip na ang name nia e monette, itago mo sia sa pangalang ettenom para hindi halata nyahahaha...ingatz...at salamat sa wento...i feel for u, mahirap iwanan ang bagay na nakagawian mo na....THE POWER OF INTERNET!!

    ReplyDelete
  26. I'm glad you're vack! :p

    Pakiss nga sa cute pic!

    ReplyDelete
  27. Ok lang maging emo... andito naman kami para syo! hehehe!

    Welcome back! :D

    ReplyDelete
  28. gasul, sakin ka ba nagpapasalamat? nyahaha...

    ReplyDelete
  29. bosing GD! grabe andami kong na miss dito. heheh..

    ReplyDelete