Monday, September 20, 2010

I'll See You When I See You


One month na lang.

BAKA umuwi ako ng Pilipinas. Bakasyon lang ng apat na araw. Matagal ko nang nabili ang plane tickets ko, pero sa totoo lang, hindi talaga ako sigurado kung papayagan akong mag-leave ng mga boss ko. Alam niyo naman na bago pa lang ako sa trabaho ko, at wala pa akong masyadong napapatunayan.

Hindi kasi ako makakauwi sa Pasko, at siyempre gusto kong makasama ulit si Momski Womski at mga kaibigan ko bago matapos ang taon. Marami rin akong bloggers na hindi na-meet during the last time na nasa Pilipinas ako. Marami tuloy ang nagtampo. (Sorry naaa!)

Gusto ko din sanang dumalaw sa gasolinahan. Nakakamiss lang, hindi ko man lang nabisita ang mga tauhan ko last February. Ang layo kasi, kahit taxi eh hindi papayag. Kumusta naman ang biyahe mula Novaliches hanggang Laguna? Wala naman akong tsikot ngayon.

Sana talaga makita ko ang mga taong gusto kong makita sa pag-uwi ko (kung matutuloy talaga ako). Kaya simula ngayon mag-gym na ulit ako para payat akong tingnan pagdating ko ng Pilipinas. :)

47 comments:

  1. sana magkaabutan tayo sa pilipinas. magkikita pala kayo ni jepoy next week, inggit ako. T_T

    tumambay kasi kami sa MOA kagabi, yun sa may baybaying dagat para suminghot ng sariwang hangin. haha. magkakasama kami nina beero (lex).

    ReplyDelete
  2. @ Anna: Kasama si Beero sa meetup? Bakit wala siya sa picture sa blog ni Jepoy?

    ReplyDelete
  3. i'll see you sa eroplano pag natuloy kaw! :P (anu bang airline kaw cebupac, sq, o pal hehe.. sasabay sana ako sa taxi mo hanggang Novaliches, ibaba mo nalang ako sa NovaMall hehe.. :D )

    kaya yan gasdude! ipaalam mo nalang sa Boss mo nang maaga, para madalaw mo na din si Popski Wopski ;)

    ReplyDelete
  4. tayo hindi pa nag-meet nung huling uwi mo. :P

    PS. no more road trip to Tagaytay as per our YM conversation :D

    ReplyDelete
  5. kasi nauna kami ni jepoy nagkita. si beero kasi ayaw naman niyang masyadong mag-ma guapo at ayun, sumobra ang pagka late. 8 PM na yata nakadating ng MOA. ti-nag kita sa picture sa facebook. tatlo kaming magkakasama. =)

    ReplyDelete
  6. @ Jake: Jetstar Asia. Mura lang ang ticket ko, 100 SGD lang. Hehe. :) At alam mo talaga ang Nova Mall? Ampf.

    ReplyDelete
  7. @ Aajao: Tumuloy tayo nina Kuri sa Tagaytay! Hindi ko na-print screen! LOL

    ReplyDelete
  8. kahit ano pa size mo pag uwi mo, pramis di kita aasarin.. magpakita ka ulit. miss ka na namin!:D

    ReplyDelete
  9. wow naman hehehe...
    sama ko sa tagaytay..
    so talagang ang pinagtuunan ko ng pansin eh ang comments hahaha

    namiss ko tagaytay :(

    ReplyDelete
  10. @ Anna: Haha bakit ba hindi na nagba-blog si Beero?

    ReplyDelete
  11. @ Damdam: Kitakits tayo nina efBee. Miss ko na din kayo. :)

    ReplyDelete
  12. @ Yanah: Sana lang talaga meron pa akong sasakyan. Miss ko na tuloy si Maningning ko ('yung Nissan Frontier ko dati).

    ReplyDelete
  13. wow. uuwe! bat di pede magleave ng pasko? last year dito na ko nagpasko. kaya sa pinas naman sana dis year.

    ReplyDelete
  14. malapit sa Rebisco, malapit sa Philbag, malapit sa Vista Verde haha.. ;) malapit ka ba dun?
    sayang papalibre pa naman ako ng taxi fare hindi tau sabay hehe.. (nitweet mong 15-19 kaw e) XD

    ReplyDelete
  15. Kasi busy-busyhan yata ang lolo mo. Haha. Pero kulitin natin na bumalik ulit sa blogging.

    ReplyDelete
  16. at kailangang mag-gym muna hahaha

    ReplyDelete
  17. yown oh talagang paghahandaan :D
    pasalubong po..hehe

    ReplyDelete
  18. gasul... kita tyo atc or festival :(

    ReplyDelete
  19. Ang landi landi mo talaga gasul. Gagawa nga ko ng landi award valedictorian ka ahahaha!

    ReplyDelete
  20. pa-gas ka naman pag-uwi mo hehehe :)

    ReplyDelete
  21. sana sa susunod na lakad niyo, mainvite nako.

    hehehehe

    ReplyDelete
  22. @ Bulakbolero: Hindi ko afford ang plane tickets kapag December. Minimum wage lang ako. Huhu.

    ReplyDelete
  23. @ Jake: Malapit ata sa Bayan 'yan. Sa Quirino Highway ako. :)

    ReplyDelete
  24. @ Anna: Oo, pabalikin mo na si Beero sa blogging! :)

    ReplyDelete
  25. @ Chingoy: Siyempre naman, para pogi. LOL

    ReplyDelete
  26. @ hArTLeSsChiq: Penge pera ibibili kitang pasalubong. LOL

    ReplyDelete
  27. @ Traveliztera: Sana talaga maligaw ako sa South para magkita na tayo. :(

    ReplyDelete
  28. @ Jepoy: Mas malandi ka sa 'kin! Kayo ni Bulakbolero! Hahaha. = P

    ReplyDelete
  29. Haha magpush up ka na para hunks tignan ahahahaha

    ReplyDelete
  30. eto tol, sure na. uwi ako sa end of october. sana maabutan kita. ako maaabutan mo ko, kasi wala pa kong ibang lilipatan pa. hehehe.

    ReplyDelete
  31. ayun oh excited na umuwi. kita'kits dito parekoy. sana makapagmeet din tayo nila anna at masingit mo sayong 0ne-week vacation.

    P.S.
    di nga pala ako nakapunta sa unang EB nila anna at jepoy kaya wala ako sa pic. hehe

    ReplyDelete
  32. lapit lang ang singapore to manila. kahit uwian lang makita lang ang pamilya. Go go go.

    ReplyDelete
  33. Enjoy your vacation. Sige pag me meeting ng mga bloggers pwede makijoin? hehhehe!

    ReplyDelete
  34. hmmmmhindi tayu magkakabutang nito..ako next month pa...basta..see u when i see u din.ahahahaa...

    ReplyDelete
  35. ay sana payagan ka ng boss mo makapagleave.

    goodluck gasul :)

    ReplyDelete
  36. Pasalubong pag-uwi! (hahaha..feeling close much) anyway, hope you will have a blast sa iyong pagbabakasyon dito sa Pinas if ever matutuloy ;)

    ReplyDelete
  37. naku---sayang naman kung dika payagan ng boss mo e me plane tickets kana pala. i-blackmail na yan.lol


    and since uuwi ka. sana invite moko pag meet mo ibang bloggers ha. I would love to meet you in person din,.kaming 2 ni Anna sama kami.hehehe

    ReplyDelete
  38. pag di ka pinayagan, mang hostage ka ng office.. hehe

    joke! sana payagan ka.

    ReplyDelete
  39. weehhh!!
    papayat? 0.o
    ang macho mo kaya!!

    ReplyDelete
  40. hehe
    may gym plans pa talaga bago umuwi?

    ReplyDelete
  41. ingat sa pag uwi....

    ill pray na payagan kang umuwi ng mg boss mo...

    napadaan lang po...

    ReplyDelete
  42. naks! tuloy na tuloy na ba ang pag-uwi?

    ReplyDelete