Wednesday, September 8, 2010

Laura


May bago akong officemate. Si Laura. Isang Singaporean. Fresh graduate. Two weeks pa lang siya sa trabaho. Naging close kami agad. Masaya ang samahan at kuwentuhan namin. Lagi din kaming magkasamang mag-lunch.

Kaninang umaga, kinausap siya ng mga boss. Tinanggal siya sa trabaho.

Balita ko, hindi nagustuhan ng management ang performance at 'work ethics' niya. Laidback kasi siya, at laging nag-aayos ng buhok.

But she's a fine lady. And I also like her personality.

Nakakalungkot lang. What do you expect from a fresh graduate? Sa trabaho na ibinigay sa kanya, kailangan ng intensive training at mentoring. Saka nakaka-two weeks pa lang siya sa trabaho. Isn't it too early to make a judgment on her?

Pero wala naman akong magagawa. Hindi ko pag-aari ang kumpanya. Hindi din ako boss.

Mami-miss ko lang si Laura. :(


**********

This also serves as a realization na kailangang maging masipag palagi. Bawal na ang pagpepetiks at patagong pagpe-Facebook at Twitter sa opisina. No one is really safe, whatever your nationality is.


36 comments:

  1. Scary shit naman dyan koya! Ang magandang maidudulot siguro ng ganyang mga klase na pangyayari sa trabaho eh mag strive harder ka to excel at magkaroon ng exceptional output.

    Tungkol naman kay Laura, I'm sure nakuha mo naman ang number nya. Invite mo nalang sa place mo kain kayo ng shrimp sa table mo with a candle light. Landi much?!

    ReplyDelete
  2. sana warning lang muna....
    bago ang firing..

    :d malay mo may panibagong laura na dumating.. :D

    ReplyDelete
  3. sigurado naman ako may number ka ni Laura.

    alam na!

    para di mamiss. hehe

    ReplyDelete
  4. aww... pero totoo, kahit bago ka pa o kung sino ka pa, kelangan talaga best foot forward palagi... good luck dyan gasul! peanutbutter na toh!

    ReplyDelete
  5. grabe naman ang two weeks. nakakatakot. ayoko na mag-apply dyan sa singapore. hehehe

    pero ganun naman talaga dapat sa trabaho, you don't give them a reason to kick you out. kelangan lagi nagpapabibo.

    ingat lagi!!!

    ReplyDelete
  6. ang strict naman ng company nito..for just two weeks? WTF...normal companies will give you 6 months before u will be laid off..nako!high standards ba sila? Perfect much?aaahaha..

    nagcocoment lang ako base sa feelings mo...mukha kasing totally sad ka...think of laura!

    ReplyDelete
  7. ganyan talaga. yaan mo baka maging close din kayo ng ipapalit sa kanya...

    :-)

    ReplyDelete
  8. kaya pala kahit 10pm na, work mode ka pa hahaha

    ReplyDelete
  9. tama. iwasan na ang pagpepetiks.

    balita ko ganyan talaga sa Sg, pagpasok mo pa lang on your first day, sasabak na agad sa trabaho, wala na masyadong training training.

    ReplyDelete
  10. wawa naman si laura. hirap pa naman mawalan ng trabaho ngaun.

    ReplyDelete
  11. namiss ko naman ang post mo.=) ahmmm inlove ka kaya sa kanya...echosera.hehe

    ReplyDelete
  12. sayang naman... parang naalala ko yung kanta about laura... tama nga ba ako? o kay aaliyah yun? hahah!

    ReplyDelete
  13. think of Laura, where are you now.. Ganun talaga yon kuya alex, nakakalungkot.. pero ganun talaga.. nasan man sha, naway maayos parin ang buhok nya.. lol

    ReplyDelete
  14. Baka naman mas maraming times pa sya mag-ayos ng buhok keysa mag-training hehehe pero that's sad nga, kung magkakaroon ka ng officemate na kasundo mo tapos biglang mawawala...

    ReplyDelete
  15. goodluck sa trabaho. carry yan. dasal dasal lang na ibigay ng nasa taas ang kailangan sa trabaho. =D

    ReplyDelete
  16. aww sayang naman! i feel naman you're facebook friends or sort hehe

    ReplyDelete
  17. Talagang trirador ka ng mga babae dyan sa ofis nyo ah!hehehe

    Ewan ko, pero pag fresh grad ka nga mas kailangan mong iprove ang sarili mo sa kumpanyang pinapasukan mo.

    Lahat naman ay natutunan, alam kong hindi dahil sa fresh grad sya but more on your motivation nya kung bakit sya nagtatrabaho.

    I guess masyado syang papampam sa bahay kaya dala nya hanggang sa work. She needs a doze of reality.

    Ingat bro

    ReplyDelete
  18. parang masyado silang naging padalos dalos sa kanya..di ba dapat warning muna?

    ReplyDelete
  19. totoo yun. pwedeng bawasan talaga ang pag-facebook sa opisina.

    ReplyDelete
  20. oh oh oh natakot ako bigla. haha

    plano ko pa naman mag hanap ng bagong work dyan.

    pero decided na talaga ako.

    tuloy ang plano. :D

    ReplyDelete
  21. haha! kaya nagdalawang isip ako magtrabaho sa SG e, bawal kasi ang petiks... baka makita ako ng amo ko, ihagis sakin ang walis at basahan... "Inday Pang-sai!!!"

    good luck sa bago mo work! magdasal ka na lang ulit na may pumalit na bagong laura sa opis nyo... gawin mo ung katulad nung pagdadasal mo sa bus nyahahah

    ReplyDelete
  22. Ganun pala kastrict jan when it comes to work. Pero tama ka dapat laging masipag sa work.

    ReplyDelete
  23. this is noted sir.

    malamang friends na kayo sa FB. hihi

    ReplyDelete
  24. Yay. Bakit naman kasi lagi nag-aayos ng buhok? Mahangin ba jan? Kiddin' aside, mahirap talaga sa corporate world kasi you can never be to laid-back at kailangan lagi magpaimpress.

    ReplyDelete
  25. Tell Laura I love her tell Laura I need her
    Tell Laura not to cry my love for her will never die....

    na-LSS ako sa post na ito. :(

    ReplyDelete
  26. nako nakakatakot naman yang trabaho mo gasul, napaka competitive yata. pero alam mo, parang may ganiyang realization din ako kanina lang. hmp, nainis na naman tuloy ako, haha!

    ReplyDelete
  27. parang ang hirap magtrabaho dyan sa SG ah, kawawa naman si laura. sayang, baka maging future lablayp mo siya.

    ReplyDelete
  28. hala!
    bawal ba ang fb sa opisina?
    hehe

    ReplyDelete
  29. ganyan ba talaga dyaan? after two weeks tatangalin ka na agad? do they see your "work ethics" in 2 weeks' time? katakot!

    basta work hard ka lang gasoline dude!

    ReplyDelete
  30. sa panahon talaga ngyon, better be safe than sorry---you can never put your guard down esp pag bago ka sa work.

    ReplyDelete
  31. kawawa naman si laura, pero kung ang gagawin lang nya ay magsuklay sa office e parang hindi din naman tama di ba, unless maganda ang output nya.

    sali naman ako jan sa SG mo. kunin mo naman ako pag nagapply ako jan. hehehe

    ReplyDelete
  32. Wow neat! This is a really great site! I am wondering if anyone else has come across something
    similar in the past? Keep up the great work!

    ReplyDelete
  33. oi florante mukhang napamahal ka na kay laura. hahaha. heniways, sad ako para sayo kasi mas ok talaga pag isang tao sa opisina na magandang companion. sayang nga kasi maaga syang nasibak. tsk.

    ReplyDelete
  34. Nakakalungkot naman nangyari kay Laura. At ngayon ko lang natanto na dapat magpasalamat ako sa kumpanyang pinagtratrabahuan ko dahil nakakatiis sila sa akin ng matagal.

    ReplyDelete