Wednesday, October 13, 2010

Paglisan


It was a week of goodbyes.

First, I just found out last weekend that a good friend of mine recently passed away due to stroke. Empleyado namin siya dati sa gasolinahan. Siya ang tumayong supervisor ng mga sanitary engineers na nagpapanatiling maganda, malinis at maayos ng kapaligiran sa buong istasyon.

Our relationship has gone more than just an employer-employee relationship. Hindi ko lang siya naging kanang kamay, we also became really good friends. Para ngang naging tatay-tatayan ko na din siya. Siya ang lagi kong nakaka-kuwentuhan sa mga panahong malungkot o nakakaantok magtrabaho sa gasolinahan. Nahihingahan ko din siya ng mga problema ko sa trabaho o sa kung ano man.

Nakakalungkot lang isipin na wala na siya dahil kakapanaw lang din ng asawa niya 2 years ago, at meron silang kaisa-isang anak na sobrang bata pa. Paano na ang paglaki nito? Sino na ang mag-aaruga sa bata? At alam ko ding maraming tao ang makaka-miss sa kanya dahil isa siyang napakabuting kaibigan.

Hindi mo din talaga masasabi kung anong magiging kapalaran ng isang tao. Life is really too short. That's why we have to make the most out of it.

Sayang, hindi ko man lang siya nakita nung huli akong umuwi sa Pilipinas. Ipagdadasal ko na lang siya at ang kanyang naiwang pamilya.



**********


Umalis na si Lyzius sa Singapore. Pupunta na siya ng Macau para muling makipagsapalaran.

Sino nga ba si Lyzius? Isa siyang kaibigan na nakilala ko mula sa mundo ng blogging. Isa rin siyang OFW na nagtrabaho sa Dubai noon, at nagkakilala kami sa isang pagtitipon ng mga Greenies nung nasa Pilipinas pa ako. Nalaman ko na magtratrabaho siya sa Singapore kaya naman nakipag-ugnayan kaagad ako sa kanya.

Naging matalik kaming magkaibigan ni Lyzius. Dumating pa sa punto na nagsama kami sa isang bahay ng halos dalawang taon. (Wala pong malisya, hindi po namin type ang isa't-isa. Magkahiwalay kami ng kuwarto. LOL!) Marami din kaming mga naging magagandang alaala bilang magkakaibigan kasama ang iba pa naming housemates, pero siyempre hindi din naman nawala ang mga pagsubok sa aming mga buhay. Mabuti na lang at naging matatag ang aming pagsasamahan.

Ngayong makikipagsapalaran siyang muli sa isang banyagang bansa, wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya siya at matagumpay sa kanyang karera. Alam kong matagal na niyang minimithi ang paglipat na ito dahil kating-kati na siyang lisanin ang Singapore kaya naman masaya din ako para sa kanya.

Kaya naman Lyzius, magbalik-blogging ka na! At ipinakikilala ko nga pala sa 'yo si Roanne. Hanapin mo siya sa Macau. Hehe. :)


**********


May isa pang magaganap na paglisan, pero mabilis at panandalian lamang. Kita-kita na lang sa mata.