Sunday, December 26, 2010

By Hook or by Crook


Dahil tapos na ang Pasko, sisimulan ko nang ilista ang mga magiging resolutions ko for next year. Gusto ko na sanang seryosohin ang binabalak kong "life overhaul" dahil sa susunod na taon, tumataginting na trenta anyos na ko. WAH!

Sisimulan ko sa tatlong resolutions na sa tingin ko ay kailangan ko talagang ma-accomplish, BY HOOK OR BY CROOK!

LOSE WEIGHT

Ikinahihiya kong sabihin (pero sasabihin ko pa din) na I’ve already reached my 200-lb. mark. Malaki ang itinaba ko since I was here in Singapore 2 1/2 years ago. Ang sarap naman kasing kumain, tapos kinatatamaran ko na ding mag-gym. Sadly, I’ve been hearing some negative comments already from my friends na hindi ko na daw naaalagaan ang sarili ko. Just last week, a visiting friend of mine from Manila was scolding me about my weight dahil ang taba-taba ko na daw. I also don’t look good in my clothes anymore. Hindi na kasya sa 'kin ang ibang damit ko. Bumababa ang pogi points ng inyong lingkod. It is also affecting my self-image. Ampf.

Although my gym instructor did mention before that I have big bones, alam ko din naman sa sarili ko na kailangan ko na din talagang mag-lose ng weight (I guess I was just in denial before.) I have to do it as early as possible, or else it would also take a toll on my health.

Fine fine, magda-diet at exercise na po ako.


SAVE UP MORE

Hindi ba't ang rason kung bakit karamihan ng Pinoy ay nagta-trabaho abroad eh para kumita ng mas malaki? Pero tama ‘yung sinasabi ng mga experts, the more you earn, the more you spend. Hindi ibig sabihin na mas malaki ang suweldo mo eh mas madali kang makakaipon.

I myself had some financial troubles, kaya naman I’ve set a goal for myself next year. I need to save up a certain amount each month, and tighten on my spending habits as well. Bawal na ang mag-taxi on the way to work. Bawal na ang kumain sa mahal na restaurant. Bawal na ang gumimik ng madalas. Bawal na ang tumambay sa mall dahil madaming temptations. Kailangan ko na talagang maging disiplinado pagdating sa pera.


MORE TIME FOR GOD

Hindi talaga ako religious na tao. There are times na kinatatamaran ko ang magsimba, and I don't pray as much now as compared before. I have my own Bible (na binili ko pa sa Manila before ako umalis ng Pilipinas), pero hindi ko na din magawang makapagbasa masyado. Kung titingnan mo, I haven't been fair to God kasi sobra-sobrang blessings ang natatanggap ko. The mere fact na nakadilat ang mga mata ko ngayon is already considered a blessing.

I'm thinking of alloting an hour a day for God, either a time for prayer or Bible reading. Sana nga magawa ko 'to. :)

21 comments:

  1. lab 'ur third one kuya dude!... sometimes naman... nde naman to 'bout bein' present every sunday on church... i think itz 'bout wats in ur heart... as long nasa puso mo Syah then it's good.. nd yes.. it would be more awesome if we all spend more time w/ Him... tama kah... as simple as nakamulat pa mata moh right at diz moment is juz a blesing nah... i so luv diz side of 'urs kuya dude! *apir* tayo... lolz

    man! kakarelate lang sa financial status moh... true... d' more u earn d' more u spend... mas less kinikita moh eh mas nde kah gumagatos... of course... but anyhoo... kaya moh yan kuya!

    gym... haha... plannin' to do d' same thing next year... i actually plannin' to sign up for gym... naks naman... gudlak... tryin' to lose some fats... gudlak saten don...lolz

    blog koh toh?... haha... napakoment lang... belated merry christmas kuyah... nd a blessed new year... advance happy bday na ren...lolz

    Godbless!

    ReplyDelete
  2. sa tatlong resolution mo, ang pinakamahirap siguro ang mag save ng money...ahahahah....i wish you luck bro na masunod mo ang mga yan...disiplina ang kailangan..

    alam mo rin, yung jan 2, ispespend ko sa gym..marami na ring nagsasabi ang pangit na ng tiyan ko.ahahhaa...

    Godbless you gasul....hindi na ako gagawa ng resolution, sunod nalang ako sayo.tipid pa.lols

    ReplyDelete
  3. amen sa pagpapapayat. this time, yun na talaga ang goal ko. walang pagtitipid... walang kung anu-ano. magpapapayat ako ngayong 2011.

    ReplyDelete
  4. @ Skron: Kailangan na talagang mag-ipon. Haist!

    ReplyDelete
  5. @ Dhianz: Merry Christmas! Sana masaya ang Holidays mo. :)

    ReplyDelete
  6. @ Maldito: Oonga mahirap magtipid at mag-ipon, kaya kailangan talaga ng disiplina.

    ReplyDelete
  7. @ Gibo: Kailangan payat ako pag-uwi ko ulit ng Pinas. LOL!

    ReplyDelete
  8. naku goodluck sa pagpapapayat. mahirap yan. kelangan ng matinding disiplina.

    ang magtipid yan din ang resolution ko next year. tanggalin lhat ng luxury. itira lng ang mga needs.

    everyday is a blessing. good or bad.

    ReplyDelete
  9. the best part is saving up and your time for God.....

    tama ka dyan 100%, most people porket may work na at busy2han, nawawalan ng time para sa kanya,

    your decision was the best idea of all.....

    you can do all those basta you pout God first,

    :) advance happy new year!

    ReplyDelete
  10. First time here on your blog. I noticed you only listed three. I think this is better than to list numerous goals for next year then, none of them was accomplished. I think I'll have to make my own list as well. :)

    ReplyDelete
  11. naks naman! pero lam mo, di bagay sayo ang payat. katamtaman lang dapat. may you achieve all your goals this coming year.

    merry christmas, gasul!

    ReplyDelete
  12. gudlak sa pagpapapayat NATIN hahaha

    ReplyDelete
  13. haha.. natawa akoh.. sa dme kong sinabi merry christmas lang reply moh... haha... lolz... at least nagreply... rereklamo pa bah?.. lolz.. sige kuyah... thanks sa pagdaan don... na-appreciate koh lang kc bihira sa earth... gudlak sa resolution moh... peace out... Godbless!

    ReplyDelete
  14. ang hirap naman nung pangalawa.. hahaha.. its also one of my problems.. lolz.. eh puede naman cguro ng once a month? mahirap naman kung depress depressan ka tapos bawal ka pang kumain at mag shopping.. bwahahha.. merry christmas! kaya mo yan.. =p

    ReplyDelete
  15. kailangan ko na din talagang maglose ng weight, bat kasi ang sarap kumain e :(

    pero parang sobrang pagtitipid naman ang gagawin mo. ahehe

    ReplyDelete
  16. bakit hindi kasama ang pagkakaroon ng GF?Nagsawa na?LOLS

    Totoo yun, the more you earn, the more you spend! hahahha! Ramdam na ramdam ko yan!

    Goodluck sa pagpapayat!

    Ingat

    ReplyDelete
  17. wow ganda naman ng list, 3 lang pero super precise. kaya yan! go go!

    ReplyDelete
  18. Problema yata ng lahat ng tao ang pagda-diet. Hehe. =)

    ReplyDelete
  19. Idol if u want to save follow this: 70-20-10 rule. 70% of ur salary gastusin mo, 10% of it for charity/church and 20% savings. If ever you could fine an insurance and investment na kasama grab it. I already started dis one this year and I could say mukhang effective na way to save.

    As for time for God, try having a Didache or Daily Bread for your hour of prayer or Bible reading. Happy New Year!!!

    ReplyDelete
  20. parehas tayo ng goals this year. except dun sa "lose weight". I need to gain more weight! haha

    ReplyDelete