Tuesday, December 21, 2010

The Grinch


Pasko na naman ngunit wala ka pa. Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo. (Kinanta mo ano?)

This will be my third time to celebrate Christmas here in Singapore. Hindi na naman ako makakauwi sa Pilipinas, due to some reasons: (1) Bago pa lang ako sa trabaho ko; (2) Wala akong enough leave credits; (3) Mahal ang plane tickets pauwing Pilipinas kapag Christmas season; (4) Nagtatago ako sa mga inaanak ko; (5) I'm kuripot like that; (6) Wala namang nagmamahal sa 'kin sa Pilipinas. (Drama much? LOL!)

Seriously speaking mga kids, I never really liked Christmases. Sa mga nagbabasa ng blog ko simula dati pa, marahil eh alam niyo na kung bakit. As much as possible I'd like to treat it as a normal, ordinary day. Pero ewan ko ba, this might be one of the saddest Holidays so far, again due to some reasons: (1) 50th Wedding Anniversary ng mga Kakang ko sa Batangas, at magsisi-uuwian sa Pilipinas ang mga ka-close kong pinsan mula US at UK. Dahil hindi ako makakauwi, hindi din ako makakasama sa Grand Celebration. (2) Mukhang may magaganap na Grand Bloggers' EB after Christmas. Siyempre hindi din ako makakasama dun. (3) Magsisi-uwian din ang mga barkada kong Pinoy. Ako lang ang maiiwan dito sa Singapore. (4) 'Yung iba namang kaibigan kong hindi Pinoy eh either magsisi-uwian sa kani-kanilang home countries o kaya naman eh magse-celebrate ng Christmas sa ibang bansa. (5) May magaganap pang isang Bloggers' EB sa January na hindi ko din mapupuntahan. Isang sikat na blogger ang uuwi mula US for the Holidays. Sayang ang libreng pa-dinner, chocolates, T-shirt, pabango, alak at pakete ng yosi. (6) Wala pa akong plano kung anong gagawin ko at kung saan ako mag-Christmas Eve.

Last year, alam niyo ba kung saan ako nag-Noche Buena? Sa Burger King.

This year, try ko naman kayang mag-McDo?

[~~] / wrist

44 comments:

  1. Ano ka ba, ang Pasko pede namang araw-araw na i-celebrate yan. Mag imagine ka na lang. =) saka yun huling uwi mo naman sa pinas mukhang nag enjoy ka naman.

    ReplyDelete
  2. @ Anna: Bilis mo naman mag-comment. Hahaha! Hindi ko pa tapos i-edit itong post. LOL! Pero kung tutuusin, OK lang naman kasi uuwi naman ako sa April at July next year. :)

    ReplyDelete
  3. Hindi ka naman nag-iisa. Alam ko madami tayong malayo sa Pinas ngayong Pasko.

    Taralets Noche Buena ka samin! :D madami atang pera ung mga hausmeyts ko kasi meron silang nipaplanong handa ;)

    ReplyDelete
  4. nasad naman ako dun sa number 2. di ako invited. hehehe

    yaan mo, mali yung akala mo sa number 6 mo sa reasons ng di pag-uwi sa pinas.

    dami nagmamahal sayo dito no. meron pa nga iba, nagnanasa. :P

    ReplyDelete
  5. sana may pera ako. pupuntahan kita dyan sa holidays kasama si boneneng ko!

    ReplyDelete
  6. Eto, isang mag-dyowang sampal para matigil ka sa kadramahan mo. Dyok! Hahaha.

    Oo nga, sayang di ka makakapunta sa January. Teka, di ba reset na ang leave schedule sa January? pde na un, avail mo na sa start ng year. hehe.

    ReplyDelete
  7. Ano ba dapat na dumating sa buhay mo idol para maiba ang view mo about sa Christmas? Akala ko malamig ang pasko ko, mas malamig pa pala sayo. Icelebrate mo ang Pasko ng buong galak. MagMass ka kaya for a change! Merry Christmas!!!

    ReplyDelete
  8. halos pareho tayo ng reason kung bakit di makakauwi sa pasko.. apat na taon na akong di nakakapag pasko sa pilipinas kasama ang mga mahal sa buhay...

    =(

    punta ka na lang dito... hahahaha

    ReplyDelete
  9. @ Gibo: Hahaha OK lang 'yan, hindi din naman ako imbayted. Me nag-chismis lang. Hahaha nagnanasa? Sino naman?

    ReplyDelete
  10. @ aajao: Punta na! Sagot ko accommodation. :)

    ReplyDelete
  11. @ Kuya Bob: Reset nga kaso 'di ako pwedeng mag-leave every start of each quarter. :(

    ReplyDelete
  12. @ Dorm Boy: Ampf! Oy nagsisimba naman ako 'pag Pasko. :)

    ReplyDelete
  13. @ Lyzius: Hahaha oonga inisip ko nga din 'yan kasi sale ang Jetstar ngayon, kasama Singapore to Macau flights. :)

    ReplyDelete
  14. ay parehas tayo, 3 years na magpasko dito for the same exact reasons. Ako last year noche buena ko Mcdo. Subukan ko naman BK ngayon hahaha. Samurai Burger!!

    ReplyDelete
  15. buti nga ikaw sa mcdo at sa burger king, ako natutulog na lang. hehehehe!

    maarte much ka, may nalalaman ka pang walang nagmamahal sayo sa Pinas. *calling online crushie, nagpapapansin si gasul!* hahaha!

    ReplyDelete
  16. ang emo naman neto! hahaha! Alam ko namang lovable kang tao, kaya madaming nagmamahal sa yo.

    Mami-miss ka namin! Pag-uusapan ka namin! hahaha!

    ReplyDelete
  17. awww

    kuya gasonline dude, ganyan talaga ang life eh, and pasko laging nagbabako kada taon,

    nakakalungkot mang isipin na malayo ka sa prends and pamily mo this holidays, pero malay mo may plan si God na next time, mas jabonggang leave ang maibigay sa yo kapag december na db?

    hehe, anyway

    ask ko lang po kung kelan yung GEB ng mga bloggers?? parang gusto ko po sumali, hehe

    :D

    ReplyDelete
  18. @ Lakwatsero Ako: HAHAHA natawa ako sa comment mo. APIR! :)

    ReplyDelete
  19. @ Andy: Haha ampf! Hindi mo na tinantanan 'yang online crushie na 'yan. Adik!

    ReplyDelete
  20. @ Coldman: WAH! Daya! Gusto ko talaga sumama. Dito na lang kayo mag-EB! :(

    ReplyDelete
  21. @ T.R. Aurelius: Naku ako nga hindi imbayted kaya hindi ko din alam ang details. Me nag-chismis lang.

    ReplyDelete
  22. wag ka na masyadong malungkot kuya..may next year pa naman eh..tsaka pwede ka pa rin namang magcelebrate ng christmas na magiging masaya ka kahit wala ka sa pinas eh nasa tao lang yan kung paano nila papasayahin yung sarili nila at times like this..^^

    ReplyDelete
  23. tumawag ka nalang kay mama mo sa xmas habang kumakain sa KFC...ahahaa.wag kang mag mcdo...ahahahaha....

    ang daming EB!!!!!!!!balitaan mo nalang ako sa mga mangyayari sa eb...lalo na yung after eye ball events..ahahahahah

    PS: Balita ko walang gravy sa KFC diyan?

    ReplyDelete
  24. Haha. Kacute naman ng noche buena mo. Burger! Nung lumaki ako, (lumaki?) bigla na lang nakakalungkot na ang pasko. Amp. Malayo na kasi ang parents ko sa amin. Magkakahiwalay kami magcelebrate. Tsk. Nagdrama? Haha.

    ReplyDelete
  25. syet, akala ko sinulat ko ito, dahil lahat ng dahilan kung bakit di ka makakauwi yun ding ang dahilan ko!hays!

    Nakaschedule sana ako uuwi this december pero dahil kalilipat ko lang din di ako pwedeng makauwi, at lahat ng iba pang dahilan yun din ang sa akin!

    Naks ikaw na ang mahilig sa EB, hahaha!

    Hayaan mo mukhang matutuloy ang uwi ko sa April at magsesetup tayo ng Grand EB at syempre sagot mo lahat!hahaha

    Ingat pre at merry christmas

    ReplyDelete
  26. hayaan mo papasalubungan kita ng friendship at brohug pag dating ko dyan. LOL

    Bro I know you have reasons baket ka nalulungkot pag pasko, pero sana just look at the bright side nalang. I'm sure meron at meron kang makakasama sa Noche buena. Also, spend time nalang din time with the Lord. Feel good Christmas nalang. Cheer up! Hokey! Kala ko ba humor blog ka na?! tama na drama okay...

    ReplyDelete
  27. @ ♥superjaid♥: Thanks for the encouraging words. I'm trying to make plans now for Christmas to make it more bearable kahit malungkot.

    ReplyDelete
  28. @ Maldito: KFC talaga ang tinanong mo? Meron namang gravy, kaso gravy ng mashed potatoes. LOL! Iba lasa niya as compared sa gravy diyan sa Pinas. Kahit sa Malaysia, ganun din. On the other hand siyempre, tatawagan ko talaga si Momski Womski. :)

    ReplyDelete
  29. @ Yow: Awww nasaan parents mo? 'Yun nga din iniisip ko kasi alam ko na I'm still blessed kahit malungkot ang Pasko.

    ReplyDelete
  30. @ Drake: Hoooyyy pwede bang i-schedule mo ng first week of April ang uwi mo para magkita naman tayo? Teka, mas malaki ang sweldo sa Middle East kaya ikaw dapat ang manlibre. HAHAHA.

    ReplyDelete
  31. @ Jepoy: Humor blog ampf! Dito lang naman ako nagda-drama sa blog pero OK pa naman ako kahit papaano. I'm trying to make plans na. Oi, congrats pala on your new job. I knew you can make it. Kitakits na lang. :)

    ReplyDelete
  32. aw. tiis tiis lang gasul. paguwi mo naman madaming sasalubong at party para sayo. naks! hehehe


    sino yang mga magEEB na yan. buti pa sila. :(

    ReplyDelete
  33. andyan si kuya efren sa pasko. kaya tama na ang drama at hanapin mo na lang siya. merry christmas, alex!

    ReplyDelete
  34. @ Doc Ced: Hahaha sana nga salubungin nila ako sa airport pa lang para di na ko magbayad ng taxi pauwi. LOL!

    ReplyDelete
  35. @ Rosa: WAH! 'Di nga? Papaampon muna ako sa kanya! LOL! Merry Christmas din. :)

    ReplyDelete
  36. ang masasabi ko lang.

    wawa naman si gasul. wahahahaha.

    ReplyDelete
  37. ganito na lang... pa download ka kay glen ng porn, tas manood ka habang kumakain ka ng mcdo burjer hehehe

    seriously, im pray ul have a great time this christmas, kahit malayo ka sa kapuso mo at kapamilya...

    ReplyDelete
  38. hey gas dude

    okay lang yun,just imagine na di pasko

    anway, uuwi ako.. wooot!namiss ko na pasko sa pinas.ikakamusta na lang kita sa mga tao sa pinas

    ReplyDelete
  39. Hindi ko gawain to bossing....ngaun lang.ahahaha..

    favor naman...pakipalitan ang link ko...expired na kasi yung domain ko....dapat is:

    thegreatmaldito.wordpress.com

    hehehe.

    ReplyDelete
  40. sa wendy's ka na lang mag-pasko. masarap iced tea dun. haha.

    maligayang pasko, gasul!

    ReplyDelete
  41. Hello, first time here (visiting from Glentot's blog). This post kinda made me sad, kasi yun hubby ko is in Singapore now. He won't be coming home for the holidays din. When I asked him what his plans are for Noche Buena, wala raw sha plans. Nakasanayan nya rin di magcelebrate pag Christmas. Gusto ko tuloy magfly ng bonggang bongga to SG now na!

    But Merry Christmas pa rin sayo! Am sure you'll be sorely missed by your family here!

    ReplyDelete