Wednesday, December 8, 2010

OPERATION: Bloggers' Meet-up (Part 2)


This is a long overdue post.

As some of you guys know, umuwi ako ng Pilipinas last October to spend time with my Mom and also meet up with some friends. It was a four-day ‘long’ vacation kaya naman konti lang ang nakasaksi sa aking angking kagwapuhan at kakisigan. LOL!

Aside from my blogger brothas Aajao, Kuri, and Chingoy (na aking naikuwento sa aking previous post), nabigyan din ako ng pagkakataon na makilala sa personal ang mga paborito kong bloggers dahil pinaunlakan nila ang aking imbitasyon: Gillboard, Jakey Junkie, The Scud, Dorm Boy, Maldito, Jepoy, at Kuya Bob. We all met up at Metrowalk, at doon kami nag-dinner na may kasamang inuman at kuwentuhan.

What makes that particular vacation even more special was, I got the chance to meet up with my old blogger friends as well: Rosa, Lethalverses, Chroneicon, Sosyalera, Efbee, Mariano Juancho, Ayz Princess, Gugol, Cyberlola, Dudan, Arhey Taba, Mark, at Beero. Na-meet ko din for the first time ang mga chikas bloggers na sina Doc Mnel at Toxiceyeliner AKA Traveliztera na halos kakasimula ko pa lang sa pagba-blogging eh nakilala at naging kakulitan ko na pero noon lang kami nagkita ng personal. At oonga pala, nakita ko din si Glentot sa CBTL Greenbelt. It was an unexpected meet-up, tipong namukhaan ko lang, nilapitan at nagkamustahan. Meron siyang ka-date nung gabing ‘yun. :)

Madami-dami na din pala akong naging kaibigan dahil sa blogging. Sana mas madami pa akong makilala pag-uwi ko ulit sa April next year. ;)






29 comments:

  1. Naku lagot ka ibinuking mo ang mga anonymous bloggers!!!

    Nice to meet you rin namukhaan rin kita.

    ReplyDelete
  2. nakamputcha, ikaw na ang maraming kaibigang blogger!hikaw na ang sikat! hahahah!

    So lahat ba sila nilibre mo? YOMON!!

    Bakit wala akong nakitang itim na dwende?Asan si glentot?hahaha

    Ingat gasdude

    ReplyDelete
  3. @ Glentot: Hahaha sinong anonymous bloggers?! LOL! Nagpaalam ako dun sa iba bago ko i-post 'to. :)

    ReplyDelete
  4. @ Drake: Nako mahirap lang ako hindi ko kayang ilibre 'yang lahat ng 'yan. Siguro kung kasinglaki lang ng suweldo mo ang suweldo ko... HAHAHA. Hoy, sabay tayo umuwi sa April!

    ReplyDelete
  5. gawd anonymous me! ikaw na makisig go!

    ReplyDelete
  6. this is wonderful. how lovely it is for bloggers to meet other bloggers.

    ReplyDelete
  7. uwi ako sa april...ang lagay ba na yun eh ililibre mo ako??? hihihi

    dalawa pa lang namemeet ko=( jepoy at glentot pa lang,hihihi

    ReplyDelete
  8. k fibe, di ako magpapakita sayo pag pumunta ako ng sg next year. lol!

    ReplyDelete
  9. @ Pulsargravity: Yeah! Never thought before that I could have so much blogger friends. :)

    ReplyDelete
  10. @ p0kw4ng: Hahaha nye ikaw manlibre sa 'kin! Meron ka pang na-meet, sina Lyzius at Princess Cha. LOL!

    ReplyDelete
  11. @ Andy: LOL! Fine. Ang tangkad mo kasi kaya baka hindi kita makikita. Peace! :)

    ReplyDelete
  12. bakit bgayon lang to napost? tagal na nito ah. long overdue.

    salamat sa'yo at nakaranas na din ako makipag grand bloggers eyeball. :)

    tsaka nameet ko si bob!! hehehe joke!!!

    ReplyDelete
  13. @ Gibo: Ikaw na ang may pagnanasa kay Bob. Dyok! :) Salamat din. :)

    ReplyDelete
  14. alam koh na kung sino crush moh kuya dude.. si traveliztera... lolz =)

    saya naman... EB eb na lang... sama akoh next time.. sige.. ingatz wafung kuya dude!

    Godbless! -di

    ReplyDelete
  15. well well well... look do we have here? LOL.

    anong kaguluhan ito?

    - nakita na kita before pa tayo magmeet, one-way yata tawag dun. haha. nice meeting you officially

    ReplyDelete
  16. Kadalas naman ata kasama ni Jepoy sa picture? Haha. Pambihira! Puro siya ang nameet mo. Haha

    ReplyDelete
  17. sana makasama ko sa mga next bloggers meet ups! hehehe!

    ReplyDelete
  18. ayos. wala bang nagka-depelopan sa meet-up na yan?

    ReplyDelete
  19. Ito ang tanging nais ko
    Ang ating kahapon sana maulit muli
    ....


    Kung kaya kong iwanan ka
    'Di na sana aasa pa
    Kung kaya kong umiwas na
    'Di na sana lalapit pa
    Mahal pa rin kita
    O giliw, o giliw ko, oooh...



    ahahahhaa....aws.....kanta nalang ako..lols

    ReplyDelete
  20. Nakakainggit naman! sama ako! hahaha.. It's nice to know you enjoyed yer vacation here! :]

    ReplyDelete
  21. wow.. thats cool... mukhang enjoy naman to the max hehehe :D

    ReplyDelete
  22. Idol akala ko nga wala ka ng ipopost about sa blogger meet up pero nakakatuwa namn at napasama ako sa mga naimbetahan. Di na sana ako sisipot nun (joke) hehehe! Pero snce first time ko lang din makipagkita sa mga ibang blogger tumuloy n ko! Masaya pla!!!

    ReplyDelete
  23. sana masama ako sa bloglist mo dude. I will add you up when i go on my laptop na.

    ReplyDelete
  24. kahapon lang yan nangyari noh? hahahahaha!

    anyhoo... maraming salamat at nagkabanggaan na rin tayo sa wakas!!! college pa lang ako at nagduduty ako sa operating room, may nagtetext sakin ng 2am para sabihing magkakasama sila ng ibang bloggers. sige mang inggit pa. hahaha!
    pero ngayon,yay nameet na kita!
    hahaha!
    wala ka kasi sa megamol noon o nung mejo complete us. hahaha pero ok lng :D at least nasa coffeebean (so? haha! labo ng sinabi ko) tyo nung last na nakakiskisang elbow kita haha!

    hanep kasi si glen e noh. sulpot nang sulpot!!! may ka-date pa talaga
    haha!

    pero namiss ko kayo! :D


    at maraming salamat sa pagbuking sa mga anonymous bloggers hahahahhaha lagot sila sa mga tinira nila hahhaaha care of gasdude!

    ReplyDelete
  25. ay nameet mo din pala si kuya bob? hahaha. :)

    namiss ko dito gasul :)

    ReplyDelete
  26. hi gasoline dude hope i can meet you next year at maulit ang bloggers meet up na ito hihi :)

    ReplyDelete