Wednesday, January 27, 2010

Work Stress


Nagiging maiinitin ang ulo ko nitong mga nakaraang araw.

Alam kong hindi maganda, pero minsan kasi hindi ko talaga mapigilan. Nakaka-worry nga din kasi hindi naman ako ganito dati (hindi nga ba?). Ang pagkakakilala ko kasi sa sarili ko eh mahaba ang pasensiya at mataas ang tolerance sa mga kapasawayan ng ibang tao. Pero ‘yun nga, may mga pagkakataon na napu-push ka sa limits mo.

Bigla kong naisip ang boss ko sa gasolinahan dati. He is the type who strives for excellence, if not for perfection. It’s not enough for him that we’re exerting our best efforts. Ang gusto niya: positive results. For him, anything is possible. At isa pa, “failure is not an option” ang favorite niyang motto.

Isa siya sa mga rason kung bakit ako nag-resign dati. Hindi ko kinaya ang pressure. Para akong nilalamon ng impiyerno sa tuwing pinapagalitan at minumura niya ko.

Ngayon, nandito ako sa sitwasyon na hindi nagiging productive ang mga kasama ko sa trabaho. Walang motivation. Walang positive results. Kung magtatanong ka naman sa kanila, puro alibis lang ang isasagot sa ‘yo. Lagi silang reactive. Walang proactivity.

Ang masama pa nito, dahil hindi ako satisfied sa trabaho nila, ako na lang ang gumagawa lahat.

Sobrang pressured. Sobrang stressed.

Kung ang boss ko dati sa gasolinahan ang nasa sitwasyon ko ngayon, ano kayang gagawin niya?


**********


Other than my previous boss, naisip ko din ang mga dati kong katrabaho. Na-miss ko na sila. Wala talagang papantay sa mga Pinoy kung magtrabaho at makisama.



**********


I badly need a break!

Konting araw na lang, uuwi na ako ng Pilipinas. Excited na ko! Kaya kailangan ko pa na konting pasensiya. Kaya ko ‘to. Kailangang kayanin ko.

Thursday, January 14, 2010

I'm Coming Home!


Excited na ko!

My 8-day vacation leave just got approved by my Boss! At long last, makakauwi na din ako sa Pinas!

Matagal-tagal ko na din itong hinintay. Inggit na inggit na nga ako sa mga kasamahan ko dito na nakakauwi sa Pinas twice or thrice a year. Hindi pa kasi ako nakapag-bakasyon simula ng dumating ako dito sa Singapore last July 2008.

Hindi din kasi madali. Una, magastos sa pamasahe pa lang. Buti nga at maraming promos ngayon ang mga budget airlines. Tapos kapag nasa Pilipinas na, siyempre mag-aabang na ang mga inaanak ko dahil dalawang Pasko na ang lumipas na wala ako. Kumusta naman ‘yun eh andami ko kayang inaanak. Ampf.

Pangalawa, mahirap ding mag-file ng leave. Alam kong entitlement naman ito, pero nakakatakot lang mawala ng matagal. Hindi naman din kasi kalakihan ang kumpanyang pinagta-trabahuan ko, at medyo mahalaga ang ginagawa ko. Baka pagbalik ko ng Singapore eh wala na ang mga cliente ko at wala na din akong trabaho.
But this time, siguro tama na muna ang pag-aalala. Sabi nga ni Insan Ardyey, try to enjoy the journey muna. Naks! :)

Marami sana akong gustong gawin sa bakasyon ko sa Pilipinas next month. Kailangang sulitin at walang oras na masayang. Siyempre, priority ko si Momski Womski. I want to spend quality time with her. Gusto ko ding magpasalamat at tumanaw ng utang na loob sa mga kapitbahay namin sa Novaliches. Sila kasi ang laging nakakasama at nakakapagpasaya sa Nanay ko habang wala ako.

Gusto ko ding makainuman ang mga kaibigan ko, lalo na ang mga kakulitan ko sa mundo ng Internet. Gusto kong dalawin ang dati kong kaharian – ang gasolinahang naiwan ko sa Laguna, pati na din ang mga dati kong tauhan na naging pangalawang pamilya ko na. Gusto kong magpa-tattoo at magpa-tongue pierce. Gusto kong magpa-spa at facial. Gusto kong magpa-medical checkup, baka kasi meron na pala akong sakit na hindi ko alam. (Mahal kasi ang magpa-konsulta dito sa Singapore, at ‘di hamak na mas magagaling ang mga doctor na Pinoy.) At marami pang iba.
Magawa ko nga kaya ‘tong lahat? Kahit 8 days lang ang bakasyon ko? Good luck na lang sa ‘kin.


**********


Birthday pala ni Momski Womski ngayon. Happy birthday Ma! I miss you. See you in a few weeks. :)


Monday, January 11, 2010

Survival


I survived 2009.

Last year was a whirlwind of experiences, with both good & not-so-good memories. Madaming struggles. Umapaw ng sangkaterbang pagsubok.

But here I am. Still alive and kicking.

It was last year when I lost my first job in Singapore. Kung meron mang dapat ikatakot ang isang OFW na tulad ko, iyon ay ang mawalan ng trabaho. Masakit sa bulsa. Apektado ang pamilya. Isang malaking sampal sa ego.

But God is good. He didn’t leave me alone. After three weeks, nakahanap ako ng panibagong trabaho. And a better one at that.

For the whole year last year, hindi din ako nakauwi ng Pilipinas. Hindi pa ako nakapag-bakasyon since July 2008. Bakit nga ba? Lagi kong nirarason ang kakulangan ng perang panggastos. Totoo naman, I've always been broke. Napupunta ang suweldo ko kada buwan sa renta, sa tubig, sa kuryente, sa pagkain. Isama na din dito ang pambayad sa utang na naiwan sa Pilipinas.

But that’s not the only reason.

I just felt I’m not yet ready to go home.

Pakiramdam ko kasi hindi ko pa nakukuha ang tagumpay na inaasam-asam ko. I left my country with so much idealism. But now as I look back, I began to doubt myself & start to reconsider other options. Kaya ko pa ba? In a couple of years, I’d be reaching my 30s. Hindi na ako bata (gwapo lang), and so far, what have I accomplished?

Wala. Wala pa talaga. Malayo pa ang aking lalakbayin.

Kaya naman maraming beses din akong tinopak. Lagi akong nagkukulong sa kuwarto at nagmumukmok. Gumawa ako ng sarili kong mundo. Pakiramdam ko kasi walang makakatulong sa ‘kin kundi sarili ko lang. May mga oras din na hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak. (Salamat pala sa ilang kaibigang naiyakan ko na.)

But good thing, I’m still emotionally and mentally stable. Hindi pa naman ako bumibitaw. Malaki ang naitulong ng pagbabasa, at pag-introspect. Malakas din ang support group ko. Si Momski Womski, mga offline at online friends, at ilang taong nagbibigay inspirasyon. Naging therapy ko din ang blog, pati ang Plurk, Twitter, Tumblr, at Facebook.

Despite all the struggles last year, blessed pa din ako.

Wednesday, January 6, 2010

Year Starter Post


Happy New Year everyone! Musta naman? Sobra atang napaaga ang pagsalubong ko sa Bagong Taon. LOL

Papunta pa lang ako sa opisina ngayon habang sinusulat ko ito. Nasa bus, at kailangang sumakay ng train pagkatapos. Sinisipag ako ngayong gumawa ng blogpost dahil naging maganda ang gising ko. Maaga akong nagising, nakapag-breakfast ng cereals with milk, nakapag-jerbaks at nakapag-hot shower for 30 mins. Kaysarap talaga ng umagang ito.

Matagal-tagal na din akong hindi nakapag-update ng blog. Kahit nga 2nd Anniversary namin ng blog ko last November eh hindi ko nagawang i-celebrate. Wala din akong naging Christmas post. Busy-busyhan kasi ako (kunyari) sa sex life trabaho. Atsaka, masyadong naging preoccupied ang utak ko sa ibang mga bagay-bagay. Marami talaga akong gustong isulat, pero ewan ko ba, hindi ako makagawa ng matinong blogpost nitong mga nakaraang buwan. Puro drafts, wala naman akong nai-publish.

Hindi na din ako masyadong nakakapag-bloghop. Sorry naman, pero laking pasasalamat ko sa mga kaibigan ko sa blogosperyo na kahit hindi ko nadadalaw ang mga blog nila eh patuloy pa din ang kanilang pagsuporta. Hayaan niyo, kasama sa mga resolutions ko ngayong taon ang pagiging aktibo ulit sa blogging at bloghopping. (Salamat din pala sa mga patuloy na nagbabasa ng blog ko kahit wala silang sariling blog. Nakaka-inspire ang mga comments at personal emails niyo.)

Kumusta naman ang 2009 para sa inyo? Ako, hindi masyadong naging maganda ang nakaraang taon para sa akin. Maraming rason, isa na dito ang pagkakatanggal ko sa una kong trabaho dito sa Singapore.

(Itutuloy)