I just got the most surprising phonecall.
It was someone from the past. My former BOSS!
Naalala niyo ba 'yung kinukuwento ko dati na na-retrench ako sa una kong trabaho dito sa Singapore? Naging isang malaking problema 'yun para sa akin. Mapapauwi kasi ako sa Pilipinas ng wala sa oras kapag hindi ako makahanap ng panibagong trabaho sa lalong madaling panahon.
The business was really bad last year because of the economic crisis. At dahil ako ang pinakahuling na-hire ng kumpanya, ako din ang unang pinakawalan. Masaklap, pero wala akong nagawa. Kailangang tanggapin ang kapalaran. Mabuti na lang at talagang mabait ang Diyos, in a matter of two to three weeks, nakahanap kaagad ako ng trabahong kapalit.
Last Friday habang sobrang busy sa opisina, nag-ring bigla ang cellphone ko. Hindi ko kilala kung sino ang tumatawag, pero sinagot ko pa din. Narinig ko bigla ang isang pamilyar na boses.
"Hey man, how are you?"
Si Rahul! Ang Indian kong boss sa dati kong kumpanya!
Taas-noo ako sa boss kong 'yan. He's one of my best mentors whom I highly respect. Mabait. Matalino. Very pleasant at personable. Although meron siyang mga business views and decisions na hindi ko sinang-ayunan, marami pa din akong natutunan sa kanya. And I love his family. He has a very loving wife and two cute kids.
Kinamusta niya ako. Tinanong kung saan na ako nagta-trabaho at ano na daw ba ang balita sa akin. Nag-kuwento naman ako tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko.
Tapos 'eto na ang mga sunod na nangyari:
RAHUL: I'm thinking of bringing you back to the company.
AKO: *speechless*
RAHUL: The business is picking up this year. I want to rebuild the team. I want you to be part of it.
AKO: *speechless*
RAHUL: Think about it over the weekend. I will call you again by Monday, then we'll discuss.
AKO: OK. Great to hear from you again. I'll talk to you on Monday.
Kaya bukas, mag-uusap kami ni Rahul.
Abangan na lang ang susunod na kabanata.