Friday, April 23, 2010

REASONS


I’ve been busy.

BUSY WITH WORK. I know I should not be complaining as having work is considered a blessing. Pero siyempre, hindi mo naman maiiwasan na mapagod ang katawan pati na din ang isipan after a long day’s work. Lalo na’t alam mong undermanned kayo sa opisina at nagkukuripot ang Boss mo sa pagkuha ng additional staff. Wala tuloy akong magawa kundi ang mag-multitask. Dami pa namang projects ngayon. Tsk.

BUSY WITH FRIENDS. These past few weeks eh napapadalas ata ang paglabas ko kasama ang mga kaibigan ko dito sa Singapore. Marami ang nag-celebrate ng birthday (kasama na ako dun), at nag-ayang lumabas at gumimik. Marami din akong nakilalang mga bagong kaibigan thru Couchsurfing. Isa ito sa ipinagpapasalamat ko: I’ve been blessed with good friends here.

BUSY SEARCHING: I must admit, medyo tinatamaan ako ng lungkot lately. I miss being with someone. Kelan nga ba ‘yung last relationship ko? (Hmmm.) Masarap maging single, but only up to a certain extent. Nakaka-miss din pala ‘yung may ka-holding hands, pati ‘yung may ka-embrace ng mahigpit, ka-cuddle sa malambot na kama at ka-French kiss. LOL. I’ve been dating here, but I dunno, parang laging may kulang. Laging may mali.

BUSY MENDING A BROKEN HEART: Haha me ganown? Yeah, I’ve experienced heartaches and heartbreaks here. Anlaki na nga ng insecurities ko sa sarili. Na-realize ko nga na hindi pala enough ang maging pogi lang (Hahaha joke!) kasi it seems na hindi ka pa din appreciated. Ako pa naman ‘yung kapag usaping puso na, masyado akong nagiging private. Mas gusto ko ‘yung sinasarili ko ang mga problema ko. Meron din naman akong mga piling kaibigan, other than God, na nasasabihan ko ng lahat-lahat kapag hindi ko na talaga kaya. Umiyak na ako sa isang kaibigan lately dahil sa isang heartache. Kakahiya nga eh, pero ewan ko, alam ko din naman na ako lang ang makaka-solve ng mga problema ko.

I’ve been busy. Kaya naman hindi ako masyadong nakakapag-blog at nakakapag-bloghop lately.

Pasensiya na.