" I miss you. :("
'Yan ang nabasa kong shout-out mo sa Tweetbook. Bigla tuloy akong napaisip. Ako kaya ang tinutukoy mo? Pero imposible. Kahit kailan naman hindi ako naging malakas sa 'yo. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa 'tin, siya pa din ang pinili mo at hindi ako.
And it's been almost three years.
Hindi ko na pinagpatuloy ang pag-iisip. Nanuod na lang ulit ako ng World Cup via streaming. England vs. Slovenia. Ayokong manalo ang mga Briton.
Bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, isang long-distance SMS. Galing sa Pilipinas.
Galing sa 'yo.
"No reaction. Hmp."
Natawa ako. Alam mo kasing lagi akong nakaabang sa mga shout-outs mo sa Tweetbook. Mukhang tama ang hinala ko, pero siyempre ayoko munang mag-assume. Kaya nag-reply ako.
"I miss you too. Ako ba 'yung na-miss mo? LOL"
"Hahaha. :)"
"Tinawanan mo lang ako. Hindi talaga ako malakas sa 'yo. Pero seryoso, ako ba?"
Ang reply mo, "Oo, ikaw."
Napangiti ako ng todo-todo. Kahit ang dami kong problema ngayon, parang napawi lahat ng dahil sa sagot mo. Gusto ko tuloy umuwi ng Pilipinas para lang mayakap ka at mahagkan.
Ang problema, complicated pa din ang sitwasyon. Hindi pa din puwedeng maging tayo kahit halos tatlong taon na ang nakakaraan. Hindi mo pa din siya magawang hiwalayan kahit na he's treating you like shit up to now. Sinasabi mo sa 'kin kung gaano mo ako kagusto, pero siya pa din ang mahal mo.
Isa pa, magkalayo tayo.
Pero masaya na ako sa kung ano man meron tayo. We have a special friendship beyond compare. Kahit matagal na akong umalis ng Pilipinas, we still manage to talk and update about each other's lives.
Pero mas masaya sana kung naging tayo. If only you could let my light illuminate your dark, lonely life...