Maybe it's time to go back.
Plano ko sanang tumigil muna sa pagba-blog dahil sa hindi magandang nangyari kamakailan lang. Dahil sa blog na ito meron akong nasaktan. Meron ding nagalit at nagwala, pero ang pinakamasama sa lahat, merong naghiwalay. Dahil sa blog na ito, isang relasyon ang tuluyang nasira. Isang pagkakaibigan din ang maaring mawala na.
Ngunit hindi pa nakakaraan ang isang linggo, nandito akong muli. You might want to ask, "Bakit ka kaagad bumalik?"
Pagkatapos kong ilathala ang 'hiatus' post ko nung isang araw, nakatanggap ako ng mga emails at YM messages galing sa mga taong hindi ko akalaing nagbabasa at nagbabasa pa din hanggang ngayon ng mga isinusulat ko. Sila 'yung mga taong wala namang blog at nadiskubre lamang ang aking gasolinahan by accident dahil kay Mr. Google. Sila din 'yung mga taong tahimik na sumusubaybay at nagbabasa dahil hindi naman nila gawaing makikulit sa pagbibigay ng komento o opinyon. Sila talaga 'yung masasabi mong totoong 'followers' dahil hindi naman sila humihingi ng kahit na anong kapalit, tulad ng x-links, comments sa sarili nilang blog o kung ano pa man.
Nakakataba lang ng puso ang mga isinulat nila. Mula sa pasasalamat at papuri dahil sa kung paano ko daw sila napatawa (kahit hindi naman ako komedyante), napaiyak (kahit hindi naman ako dramatic actor), at na-inspire (kahit hindi naman ako pari), hanggang sa pagbibigay nila ng payo, suporta, at kung anu-ano pang words of encouragement. Hindi ko naman akalain na ganun na lamang ang magiging impluwensiya ko sa kanila. Sino ba naman ako, 'di ba? Isa lang naman akong nilalang na minsang nagtrabaho sa isang gasolinahan.
Sobrang salamat sa inyo, at kilala niyo na kung sino-sino kayong mga pinasasalamatan ko. Hindi ko talaga alam ang bilang ng nagbabasa ng blog na ito (lima? apat? tatlo?), pero lubos akong nagagalak sa pagbibigay niyo ng oras at panahon sa pagsubaybay dito. You made me realize that... YES, there is power in the Internet and YES, there is power in blogging. BUT, there's also power in US. We make our own destinies, we are in control of our own actions, and we also reap what we sow.
Gusto ko sanang gamitin ang blogging sa mas magandang paraan. Kahit EMO pa din ako most of the time, gusto ko pa ding ipagpatuloy ang pamamahagi ng mga experiences ko bilang isang OFW dito sa Singapore. Gusto kong ihayag dito ang mga saloobin at opinyon ko sa mga nangyayari sa aking paligid, at gusto kong magpatuloy na kapulutan niyo ito ng aral at inspirasyon (kahit may kaunting doubt). LOL
Kaya nga't muli akong nagbabalik... dahil KAYO, aking mga mambabasa, ang mga naging inspirasyon ko. At walang halong stir 'yan.
