
Hindi ako galit sa boss ko.
Naintindihan ko kung bakit niya ako tinanggal. Performance-wise, naging maayos naman ang trabaho ko, pero profits-wise, hindi talaga masyadong kumikita ang kumpanya. I didn’t take it personally. From a businessman’s point-of-view, keeping me still onboard seems to be not a wise thing to do anymore.
Pero siyempre, tao din ako. May puso at damdamin din.
*pasok Maalaala Mo Kaya theme song* Napapunta ako sa toilet pagkatapos ng pag-uusap namin at nagkulong sa isang cubicle doon. Napaisip, napatanong sa sarili at napaiyak na din. Napa-text din ako sa isang matalik na kaibigan at nag-ayang makipag-inuman.
Paano na? Nangyari na ‘to sa ‘kin dati. Ayoko pang umuwi ng Pilipinas. May kasalanan ba ako? Mayroon ba akong naging mga pagkukulang? Maybe. I guess my best wasn’t good enough. Pero naisip ko, tulad din ito ng isang romantic relationship. If nothing seems to work out despite all efforts at wala nang opportunity for growth, maybe it’s time to move on and move forward.
Alam kong kailangan kong kumilos agad para magkaroon ng panibagong trabaho. I have to be proactive as I cannot afford to lose my source of income at this moment. Pagkatapos kong mahimasmasan, napatawag ako sa isa kong contact who works for a publishing company. This guy called me up a few days prior, scheduling me for an interview with their CEO, but due to some conflicts in schedule, hindi ito natuloy.
Nagkataong wala ang contact ko nung araw na ‘yun at surprisingly, ni-transfer ako ng operator sa CEO mismo. Tinanong ko kung open pa ‘yung position na ino-offer sa ‘kin dati, and she said yes but she also mentioned that they are already at the final stage of selection. She asked me if I’d be available for interview that same day, kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nagpaalam ako sa boss ko na aalis ako ng maaga, at dumiretso na sa interview ko.
I was praying the Lord’s Prayer repetitiously habang nakasakay sa bus out of nervousness and desperation. Ang tanging nasa isip ko,
"I need that job! I want that job!" Hindi ako usually kinakabahan sa mga interviews, but that time it was different. I badly needed God’s comfort and strength.
Pagdating ko, I got interviewed by the CEO, Sales Director and Account Manager. The interview took about an hour to finish. Naging maayos naman. Naging confident din ako sa pagsagot ng mga tanong nila.
Then the CEO asked,
“Did you pray for this job?”Nagulat ako sa tanong niya. First time kong maka-encounter ng ganyang tanong sa interview. Bumalik sa alaala ko lahat nang mga nangyari sa akin nung araw na ‘yun, kasama ‘yung pag-uusap namin ng boss ko at pagda-drama ko sa toilet. I answered yes, tapos kinuwento ko sa kanya ‘yung pagdadasal ko ng The Lord’s Prayer ng paulit-ulit sa bus.
To make this short, naging happy ang ending ng kuwento ko. I was informed that I got the job that same afternoon. Nagkapirmahan na din kami ng contract after that interview. THANK YOU LORD! Who would have thought, ‘di ba? That same day na natanggal ako sa trabaho eh nagkaroon din ako ng panibagong job offer. :)
There really is a God. At kahit kailan eh hindi Niya ako pinabayaan.
At mukhang ayaw pa Niya akong paalisin ng Singapore.