Monday, September 27, 2010

Meet & Greet Jepoy


Sa wakas, nakita ko na sa personal si Jepoy.


Hindi ko na masyadong hahabaan ang post na ito tungkol sa kanya (dahil hindi naman niya ako ginagawang Blogger of the Month). LOL! Sa mga hindi nakakakilala kay Jepoy, isa siya sa mga humor bloggers na inaabangan at binabasa ko dahil sa mga nakakatawa at nakakaaliw niyang isinusulat. Nandito siya ngayon sa Singapore para magwaldas ng limpak-limpak na salapi kaya naisipan namin ni Bulakbolero na kitain siya para magpalibre. Nag-dinner kami kahapon sa Marina Square, nakipagkuwentuhan, nag-Kodakan, nanood saglit ng F1 Night Race at nagkape sa Starbucks kasama ang ilang kaibigan.


Ano ba ang masasabi ko tungkol kay Jepoy? Hmmm... una, baligtad siya kung humawak ng chopsticks. (Parang adik lang.) Pangalawa, mukhang maselan siya sa pagkain kasi ayaw daw niya ng Curry at hindi niya inubos ang Char Kway Teow na pinakain namin sa kanya. (Marami pa namang bata ang nagugutom ngayon. Tsk tsk.) Pangatlo, na-disappoint siya sa Starbucks dito sa Singapore kasi hindi de-aircon. Choosy much pala ang ating bida. LOL!


Pero mabait talaga 'yang si Jepoy kasi birthday niya dinalhan niya ako ng Pampanga's Best Skinless Longganisa, Tita's Hamonado Longganisa, Cheez Whiz, at Kraft Eden Cheese galing Pilipinas na talaga namang paborito ko. (Hindi pa nga lang niya naiibigay sa 'kin.) Saka kung gaano siya kakulit sa blog, ganun din siya sa personal.

O ayan Jepoy, puro papuri ang sinulat ko dito. Dagdagan mo na ng isang kilo 'yung longanisa ko. Hahaha. :)



Monday, September 20, 2010

I'll See You When I See You


One month na lang.

BAKA umuwi ako ng Pilipinas. Bakasyon lang ng apat na araw. Matagal ko nang nabili ang plane tickets ko, pero sa totoo lang, hindi talaga ako sigurado kung papayagan akong mag-leave ng mga boss ko. Alam niyo naman na bago pa lang ako sa trabaho ko, at wala pa akong masyadong napapatunayan.

Hindi kasi ako makakauwi sa Pasko, at siyempre gusto kong makasama ulit si Momski Womski at mga kaibigan ko bago matapos ang taon. Marami rin akong bloggers na hindi na-meet during the last time na nasa Pilipinas ako. Marami tuloy ang nagtampo. (Sorry naaa!)

Gusto ko din sanang dumalaw sa gasolinahan. Nakakamiss lang, hindi ko man lang nabisita ang mga tauhan ko last February. Ang layo kasi, kahit taxi eh hindi papayag. Kumusta naman ang biyahe mula Novaliches hanggang Laguna? Wala naman akong tsikot ngayon.

Sana talaga makita ko ang mga taong gusto kong makita sa pag-uwi ko (kung matutuloy talaga ako). Kaya simula ngayon mag-gym na ulit ako para payat akong tingnan pagdating ko ng Pilipinas. :)

Friday, September 17, 2010

Hikbi


Saying goodbye is never an easy thing.

Despedida party kagabi ng isang kaibigan namin dito sa Singapore. She's a doctor, at dahil tapos na ang contract niya, babalik na siya sa Pilipinas.

We had pizza, burgers, BBQ, chips and beer. Pero kahit na umaapaw ang pagkain at puno ng kuwentuhan at tawanan kagabi, hindi napigilan ng kaibigan namin ang maiyak. Nakakalungkot isipin na mababawasan ng isa ang aming barkadahan, pero no choice, kailangang tanggapin.

Natanong ng isa kong kaibigan, "Sino kaya ang susunod?"

Ayoko munang isipin. :(




We will miss you, Mitzi. :(

Wednesday, September 8, 2010

Laura


May bago akong officemate. Si Laura. Isang Singaporean. Fresh graduate. Two weeks pa lang siya sa trabaho. Naging close kami agad. Masaya ang samahan at kuwentuhan namin. Lagi din kaming magkasamang mag-lunch.

Kaninang umaga, kinausap siya ng mga boss. Tinanggal siya sa trabaho.

Balita ko, hindi nagustuhan ng management ang performance at 'work ethics' niya. Laidback kasi siya, at laging nag-aayos ng buhok.

But she's a fine lady. And I also like her personality.

Nakakalungkot lang. What do you expect from a fresh graduate? Sa trabaho na ibinigay sa kanya, kailangan ng intensive training at mentoring. Saka nakaka-two weeks pa lang siya sa trabaho. Isn't it too early to make a judgment on her?

Pero wala naman akong magagawa. Hindi ko pag-aari ang kumpanya. Hindi din ako boss.

Mami-miss ko lang si Laura. :(


**********

This also serves as a realization na kailangang maging masipag palagi. Bawal na ang pagpepetiks at patagong pagpe-Facebook at Twitter sa opisina. No one is really safe, whatever your nationality is.